“…you have to be very ready with your hand camera, because the action could be very fast. In four to five minutes it can all be over…and I may not be able to talk with again…” – Ninoy Aquino
Kung nasa labas ka ng Pilipinas, malamang hindi mo alam. Pero taunang paggunita po sa kamatayan ni Ninoy Aquino kahapon, August 21. At hindi ko na maalala kung kailan nagsimula, pero non-working holiday na po ang araw na ito. Ibig sabihin, kung may kotse ka, walang number scheme. At kung estudyante kang tulad ko, extended ang weekend mo..
Ano nga kaya kung hindi namatay si Ninoy?
Sayang lang at may pasok ako kapag sabado at martes, di katulad last term…kung ganun sana, apat na araw akong walang pasok. Ngunit dahil Monday to Saturday ako this term, may pasok na naman ako ngayon.
_____________________________
Tuesday. Isa sa mga pinakaayaw kong araw this term. Mag-uumpisa ang araw ko sa sinumpang control systems (12:00-1:30)na yan na kahit pangalang take ko na, hindi ko pa rin talaga makuha. Kung baga sa anatomy, ang mga concepts ng controls systems ay itinuturing ng katawan ko na “foreign bodies” at patuloy na nirereject…kaya hindi ko maabsorb-absorb.
Ang mga pagsusulit ko sa asignaturang ito ay nakakahindik. 35 / 100 at isang 10/ 100. may isa pa kaming quiz sa sabado, pero ngayon pa lang sinasabi ko na na mukhang malabo ata…
Sabi nila sure pass ang prof. pero mukhang not-so-sure-pass prof sya ngayong term…haay. Kung mamalasin ako baka maging take three ako dito. Very unlikely kung iisipin mo na noon wala naman akong bagsak. At kung tutuusin, top 7 ata ako nung highschool. Pero mukhang inevitable na mangyari ngayon ang singko every other term.
E pasado ako sa lahat last term.
Susundan ang control systems ng memory/io (1:30-3:00). Gusto ko lang sabihin na mukhang hindi ko talaga talent ang hardware. I think (I hope) my talents lie on programming.
Nakakatamad ang lecture sa mem/io. “haay naku mga ate at kuya” ang laging sinasabi ng prof. masyadong irritable at minsan mali-mali pa. malabo din ang examples. Haay, ang gusto ko lang sa subject na ito ay kapag wala sya o kaya naman ay nagpapa-late. Ang first quiz ko dito ay 78/150. pero mukhang maganda naman ang second quiz ko (I hope).
May vacant akong 90 minutes tapos principles of communications naman (4:30-6:00). Ayoko man aminin, pero gusto ko lang din sa subject na ito ay kapag absent sya. Pero in fairness, mabait syang prof, napakaraming plus points ang ipinapamahagi nya. May test nga kami sa kanya mamaya e. pero nag-aral po ako.
Pangako. Nag-aaral na talaga ako ngayon. Di lang halata.
______________________________
Hindi ko alam kung nasosobrahan lang ako sa mga lecture pero sa totoo lang, parang hindi na talaga ako interesado... hindi ko rin kasi talent ang pakikinig sa mga lecture. Mas natututo pa ata ako sa self-study…hindi rin naman kasi ganun katalented magturo ang majority sa faculty dito. Magaling nga sila kung pagalingan din lang…pero sa pagbabahagi sa iba…medyo parang hindi.
Hindi ko naman siguro maibubunto sa kanila ang lahat ng sisi. Baka naman tamad lang ako talaga.
___________________________________
Katatapos lang ng exam para sa editorship ng sports section at features. Ang exam namin sa sports ay unannounced. At hindi naman ako nagrereklamo kasi wala naman nagsabi na bawal yun. At mas maganda na rin siguro kasi parang impromptu. Kasi kahit announced, hindi rin naman ako mahilig magprepare.
Kahit nasagap ng aking antenna ang mga “hint” na may exam nung araw na yun, medyo nauna lang ako ng mga sampung minuto dun sa iba. At dahil nagrefill ako ng ink sa printer, hindi ko na rin natingnan yung notes ko.
May limang oras ko din sinagutan yung exam at naalala namin yung qualifying exams…nakakatuyo ng mga brain cells. Kumpleto sa mga distractions tulad ng mga patutsada ni ramon at mga comments mula sa ibang staff…
mahirap mag-isip ng concepts…may exam pa ako nun sa compiler ng 7:30. may klase pa ako nung six. Si sir stephen naexcused sa klase, pero malabo kasi yung probstat ko…di naman ganun ka-approachable si “tingkayad”.
Kaya pag madalian ang trabaho, hindi ka naman makakakita ng obra… siguro magagandang parts here in there pero minsan may incoherence na hindi mo na mapapansin kapag nagmamadali ka…
Balita ko, 80 ang score naming tatlo. Akalain mo pantay daw ang score namin? Hmmm… -_-?
________________________________
Tuesday, August 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment