Morty: Hmmm…interesting.
Michael: What is?
Morty: …that a beautiful woman like her will fall for such a slob like you…
--Click
Warning: May topak na naman ako bigla…kaya kailangan i-post ito.
____________________________
Dahil mabait si sir ean, nandito na naman ako sa kanilang condo sa españa towers..nagdodownload sa kanyang bearshare software kahit alas dos y medya na ng umaga…kung umuwi ako sa bahay kanina…malamang gising pa rin ako ngayon…pero dahil wala naman kaming internet malamang nagbabasa lang ako ng Wheel of Time.
At dahil libre naman ang internet dito kapag madaling-araw…aba…nilubos-lubos ko na…nag-friendster ako…
What a mistake…
___________________________________
Medyo wala sa mood ang aming editor-in-chief kanina…pinatunayan nya lang ang sinabi na ni anonymous noon, ang mga taong magaling magpayo sa iba ay nahihirapan sa sarili nyang problema…I am not into details but I guess he lost the love of his life (for now?).
Hindi ako masyadong nakikinig sa kwento nya…kasi tuwing may nawawalan, kahit ako tinatablan e…kasi nawalan din ako…baka yung nawala sa akin ay ung love of my life din (as much as I hate to admit and as much as I want to forget). Gusto ko lang sabihin na kahit may dumating nang iba, I never felt anything stronger than what I felt for her.
Oo kahit salbahe na sya, at medyo mahirap syang intindihin…dahil iba yung sinabi nya dati sa akin dun sa mga sinabi nya sa iba…pero nagbubulag-bulagan lang ako…baka naman ayaw ko lang makita.
Kanina habang exam…naisipan ni sir namre na i-share sa amin ang talent ng kanyang si Janalie (na balita ko ay isa sa mga “fan” ko dito sa blog…hello)…at kahit alam ko na yun kung paano gumagana dati (nung debut ni Mariko), masasabi kong mas malinaw yung interpretation nila ni Namre.
I can therefore recommend na sumideline sila sa may quiapo kahit once a week lang dahil sa kanilang Talent.
Kung tatanungin mo ako kung sino ang gusto ko, isang pangalan lang naman ang unang lalabas e…j...o...c...e....and so on and so forth... Ang problema…ayoko na
“wala akong gusto e…”
denial na naman.
Pero dahil sabi nga nila imposibleng wala akong gusto…yung unang pangalan na pumasok sa utak ko ang “ikinatok” ko sa baraha…
At ang resulta: apat na alas…ibig sabihin daw nung pagkaka-arrange nun, malapit kami nung babae…pero walang indication na mahal nya ako…at ako raw ang may problema.
Ngayong napag-isip isip ko na…yung first part po nun ay applicable sa aming “relasyon” noong last year. One of the bestest three weeks of my life…pero kung tatanungin mo ako ngayon…ni ha ni ho…wala po e. nagpalit na nga sya ng number e. at hindi nya naman binibigay sa akin…
Yung last part malamang tama yun…ako pa rin yun as usual.
__________________________
Kung gusto nyong malaman kung bakit ako tinopak sa pagfrie-friendster…pota, chineck ko na naman kasi yung sinumpang account nya…haay, kulit…para akong uminom ng gamot sa lagnat pero naligo naman ako sa ulan…ayan, may sakit na naman ako.
asphixiate: to deprive a person or animal of oxygen, or be deprived of oxygen, usually leading to unconsciousness or death
Badtrip. Parang Pringles, Once you pop, you can’t stop…and I can’t stop, kahit wala nang laman.
1 comment:
sir, sana lang nakatulog ka nga maayos sa bahay...
hmmm... parang pringles nga no? ok lang yan sir... hindi ka nag-iisa...
tumakas lang ako sa lab so ito nalang muna...
Post a Comment