Friday, March 27, 2009

Pampalubag-loob

Ayun. Kahit paano medyo ok na ako. Matagal-tagal rin akong hindi nakapagrelease ng ganun at maayos naman kahit pano ang naging resulta. Gumaan naman ang loob ko. Dismayado pa rin ako, oo, pero di na kasing dismayado kagabi. Halos maligaw ako sa Makati Avenue kagabi sa kakalakad. Nakakatulong din yun.

Pumalag pa pala ako dun sa resulta. Napatameme ko rin yung manager nung nag-explain ako. May punto naman kasi ako. Nagkaroon naman talaga ng... "dayaan". Pero para kaming nasa school. Makakapalag ka pa ba pag nandyan na yung grade? Marami akong kilalang pumalag. May mga punto rin silang magreklamo. Sabi pa nga nung nanay nung kaklase ko nung elementary, "Sobra naman kayo, di nyo lang niluto, ginisa nyo pa." Pero ang dulo't dulo pa rin nun...

Walang nagbago.

Kinausap ulit ako kanina. Kesyo nagmeeting na raw sila ulit at ayun nga pinagkaisahan nila ako. Ayun walang nagbago. Ang di ko lang matanggap, wala naman yun sa metrics, pero ginamit nila laban sa akin. At paiba-iba sila ng rason. Kahapon ang sabi nila, ganito kasi, kanina e kasi sabi nila kahit ganun daw ganito pa rin. Wushu.

Ang sabihin nila ayaw nila ako tumaas. Ewan ko kung bakit, sadyang galit lang ba sila sa akin o galit sila sa mundo. Sila na ang magaling. Sila na ang mahusay mamahala. Pero sinisigurado ko, walang natuwa sa aming lahat sa naging resulta. May nabalitaan pa akong tatamad-tamad pero mas malaki pa ang nakuha sa akin. Haha. E mas magaling pa ako dun e. Pano nangyari yun? Natatawa na lang ako. Kabalintunaan talaga. Makarma sana kayo. Wahaha.

Nagbigay pa nga ako ng feedback sa appraisal nila kanina e. Ingles din. Tigas nila pag di sila tinablan dun. Alam nila kung gaano kalaking kabulastugan yung ginawa nila. Malamang tuwang tuwa sila sa sarili nila at nakaisa sila. Pero asa sila sa 100% ko. Di sila karapatdapat. Hahaha.

Pero ang galing tumayming ng HR. Nahalata siguro nilang andaming dismayado. Andami nga leave kanina. Haha. Lahat nagbakasyon para mawala ang inis. Ayun, namudmod sila ngayon ng vb. Bonus. Isang one time big time. Para makalimutan namin ang sama ng loob namin.

Di ko pa nakakalimutan. Pero sasamantalahin ko na rin.

At oo, yung taong mas tamad sa akin na mas malaki ang nakuha.... mas malaki rin ang vb nun.

Thursday, March 26, 2009

Peon's Angst

I know I have been gone awhile. Just took care of some things. Just got bored again. Just got hesitant again. The lack of visitors in here did not help, and my lack of real anonymity is still my biggest impediment. I had made some drafts that will never make it to the Internet anymore, but what you don't know, really doesn't mean that much.

Too long have I dropped this pen since I left the organ, that I've almost forgotten how to use it. Might as well give it a try, maybe my mood can bring it up to speed.

I have long since struggled against the concept of contentment. How far should I go, before I should be content. How much do I need before I should have enough. Does being content mean you have no ambition?

I believe that I am patient and at times easily satisfied. I do not get easily angry too. But some things can push you to the edge. When I feel that I deserve something and then did not get it, I get angry. Then I get tired, somewhat depressed. If I have given what I should have given and yet I did not receive what I should have, what more do I need to do? What makes me sure that if I give more I'll get then what is due?

And life, I know is unfair. Some people have more. And people who have more, gain more. I hate it and still have to live with it.

If I tell you the specifics, you just might not understand. You might say that I should be thankful, that at least I have a job, while others are getting terminated, and others don't even have one. But when I think about it, should I just accept their incompetence? It's not my fault they're not doing their jobs right.

I hate them for only seeing what they want to see. For seeing the numbers and not the reasons. For pushing us to give quality work and on-time delivery when they couldn't even give a quality evaluation and on-time feedback of their own. Why the hell do you need me to put my own evaluation when your decision is already final? You should have answered the damn sheet and saved me a lot of time. My evaluation did not mean shit. For what is it then? They can't even give me a clear explanation of how I achieved that result. Or what I needed to do to exceed their damn expectations and get myself a promotion.

I just feel bad. That they can't defend their subordinates when under fire. What the hell are you there for, if you can't even stand up for us? You should have at least let me explain if you can't do it yourself.

I despise that appraisal. Why are there metrics that are subjective? Why do you have to appraise me, if you're just giving everyone the same grades. It makes no difference at all. No matter what I did. How hopeful of me, to believe you can do a good job yourself.

And the perfection you require of us this year, that is crap and you know it. If you can't even give me what I deserve when what is expected is attainable, how much more an impossible one. It's like you are expecting us to fail, and you're grinding our noses to the ground for it.

We should be the ones evaluating you.

It's not my fault yet I'll be the one paying for it.

Monday, March 02, 2009

Mandatory Post 2

"Wala akong maisip na quote e..." -Nin Ong

Gaya ng maraming pangako at new year's resolution na hindi naman natutupad, hindi ko na naman nagawang magpost nitong mga nakaraang araw ng isang buong buwan. Mag-iisang buwan na rin nung nakasabay ko si Miss sa elevator...

Marami na rin ang naganap nitong nakaraang buwan, yung iba nakalimutan ko na yata. Sa tagal ng panahong di ako naglathala, may mga punchline tuloy na di na ganun kaepektibo dahil tapos na ang okasyon. Sa loob ng isang buwan, may mga korning joke na napanis dahil di ko agad naikwento. May mga pangyayari na akin-akin na lang at di na malalaman ng sambayanang Pilipino.

Isang leksyon para sa hinaharap: Maglathala agad pag nasa mood.

Wala naman masyadong nawala. Kasi konti pa lang ang naliligaw dito at nagpaparamdam ulit. Di ko alam kung dahil ba yun sa layout ko na minadali (na pinalitan ko na) o dahil tamad na ako ngayon magplug at magbloghop.
_____________________

Nabiktima kami ng Friday the 13th. Natutunan kong wag basta basta maniniwala sa ibang tao. Kasi may mga taong walang accountability kapag nagkasisihan na. Sasabihin nya lang, "ay sori ha, nagkamali ako guys. pasensya na..." Ayun, ganun ganun lang, yari na kayo. Nabiktima yung buong team dahil nagbroadcast pa sya, tapos yun pala wala syang alam.

Kapag too good to be true talaga, madalas hindi true. Kapag buffet ang pagkain at maraming natira, dahil konti lang ang nagregister at nagbayad sa pagkamahalmahal na lunch buffet nilang pakulo, tapos pagdating ng hapon may isang taong payat na nakasalamin na akala mong taga-committee tapos sasabihi nyang libre na yun kasi sayang na at may parating pang pagkain, kahit na gutom ka na e wag kang bibigay...

malamang hindi libre yun...
____________________

Naospital pala ang nanay ko nitong nakaraang buwan. Nagvalentine's day ako sa ospital. ok lang naman, ala naman akong lakad, fortunately or unfortunately. Di naman emergency, sa totoo lang kahit Linggo o Lunes sya nagpa-confine ala naman problema. Pero sabi kasi nung doktor nya ASAP. Pero wala pala sya ng sabado at linggo.

Ang layo-layo-layo ng ospital. May ospital kasi malapit sa amin, walking distance lang, pero yung pinuntahan namin e sa quezon city pa. Sa NKTI. Sa paranaque ako. Nung nagcommute ako pakiramdam ko umuwi ako ng probinsya. Lampas isang oras kalahati lang ang biyahe kung walang trapik pero pakiramdam ko talaga ang layo nung pinuntahan ko pag bus ang sinakyan ko.

Hydronephrosis. Secondary to kink blah blah blah. Possible laparoscopic pyeloplasty raw. Hmmm.... syempre dahil Computer Engineer ako (kunyari) e nag-internet ako para malaman ko kung ano yun. Namamaga raw ang kidney ni nanay. Baka raw may bara. Kaya yun ooperahan.

Inabot kami ng mga sampung araw sa ospital. Umabot rin sa daang libo ang bill. May endoscopy pa kasing ginawa atbp. Mabuti na rin na sinagot nung HMO ng company namin yung bill. Dahil sa totoo lang, wala kaming ganung pera. Magagawan naman ng paraan siguro kung sakali pero buti na lang at hindi na yun kailangan.
____________________

Apektado raw lahat ng krisis. Ayun, pati sa amin matindi na ang cost-cutting. Napakawrong timing talaga ng mundo. Mag-iisang taon pa lang ako sa trabaho nagkrisis agad. Di ko pa man din naeenjoy yung ibang perks. Ayun, maraming bagay na hindi ko pa naranasan ay malamang mawala na. Sayang. Ang magandang balita e wala naman natanggal. Pero yun nga, kahit option na makahanap ng mas berdeng damo e lalong lumabo.

Mukhang may dissent sa pagitan naming mga peon at ng immediate management. di namin masyadong nagustuhan ang bagong metrics system nila para basehan ng performance namin. madaling sumablay pero mahirap umangat at ang safe zone kumbaga e one-shot lang ang dating.

Bahala na. Marami ang nagsasabing wala na silang pakialam sa metrics ngayong taon, kasi next year nasa ibang company na sila. Ako, di ko masabi yun.

Baka nga next year andun pa kami lahat.

Tuesday, February 03, 2009

Elevator

2/4/09 11:23

"Serendipity is looking in a haystack for a needle and discovering a farmer’s daughter."
- Julius Comroe Jr.

Napaka-boring ng umaga na ito.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakakatamad...

Nagpa-late na nga ako at lahat, pero pagdating ko sa training room, pang-apat pa akong dumating. Siguro kahit tinapos ko pa yung Super Inggo e pang-apat pa rin akong dadating... mga batas talaga ang mga tao dito.

Wala pa naman si LeadOne. Kahit nga LeadTwo ala pa. Siguro mga after lunch pa yun pupunta dito. Ewan ko kung ano ang ginagawa nila ngayong umaga, baka nasa mga pwesto lang nila at nagchi-chill. Kaso mga slave drivers yun e, mas malamang na nag-iisip yun ng ipapagawa sa amin...

Namimiss ko na tuloy yung cubicle ko. Kung nandun ako, malamang tulog na ako ngayon. Tago dun e.

May itatanong pa naman sana ako kay LeadOne tungkol dun sa ginagawa ko, at dahil wala pa sya, di ko yun maituloy. Kawawa naman ako at wala akong ginagawa. Hehe.

Siguro ang tanging highlight lang ng umagang ito e nakasabay ko si Miss sa elevator. Nakita ko na sya papasok sa building. Kasama nya yung iba nyang kasama sa department. Kaso pagdating sa lobby nakita kong humiwalay sya sa kanila. Ayos. Mukhang magkaka-moment. Kaya naman kahit nauna ako sa kanya e hindi ako sumabay sa paakyat na elevator, sa halip, hinintay ko na lang sya. Kunyari di ko alam na paparating sya...

Pagkakita ko sa kanya, aba, magugulat-gulat pa ako kunyari. Ngiti ako. Hello. Kamusta. Sabi nya naman, "Hello din". Parang nahiya pa. Di naman kasi kami close. Haha.

Sabi ko, "Ang ganda mo ngayon ah, bagay sayo yung ribbon mo." Sabi nya, "Ikaw din parang pumopogi ka..."

Meh.

Ang sabi ko talaga, "Ok sana ang suot mo kaso siguro mas bagay sayo yung bright colors..."

Meh ulit.

Ang sabi ko talaga, "... ... ... ... ..."

Yun lang din sinabi nya.

Pinindot ko yung UP. Dami na naming napag-usapan e. Ayun sakto, pagdating ng elevator, dalawa lang kaming sumakay. Sinara ko agad bago pumasok yung isa. Papapansin pa e.

Pinindot ko yung floor ko. Pati na rin sana floor nya kaso naunahan ako. Sayang. May joke pa naman ako dun. Nabara tuloy. Next time na lang.

Awkward silence.

Bigla na lang narinig kong parang hinihingal sya. Tapos nakita kong humahawak sya sa batok nya at di mapakali. Parang nanggigigil. Kislot ng kislot. Kunyari di ko sya pinapansin. Weird e. Tapos naramdaman kong papalapit sya sa akin. Naamoy ko na ata ang pabango nya... parang may tumutugtog nang jazz sa background... Tumingin sya sa akin... sabay pindot dun sa emergency button...

Parang napanood mo na no? Hahaha. Sayang hindi ako nag-Axe... kaya siguro hindi nangyari.

Awkard silence lang kami hanggang dumating sa floor nya. Mahiyain sya masyado. Hahaha. Di bale maganda pa rin, pagtyatyagaan ko na. Haha.

At akalain mo, may blog post na ako agad.

Wednesday, January 28, 2009

Mandatory Post 1

1/29/09 10:15 am

Being a writer was never a choice, it was an irresistible compulsion.
-Walter J. Williams

dahil nangako ako sa sarili na mas magiging masigasig na maglathala kaysa dati, kung kelan 1 beses lang sa isang linggo akong gumawa ng post, eto susubukan kong gumawa kada 2 o 3 araw. o kaya kada 7 days, depende sa mood. hanggang kailan natin mapapanindigan ang pangako na yan? hindi ko alam. tinitingnan ko lang kung babalik ang aking dating hilig.

maaga ako sa opis ngayon. kasi hindi pa ako umuuwi. sipag no? hindi rin. kasi hindi naman ako nag-OT kagabi... ...

Pero isa sa gusto ko dito sa opisina e parang yung opis namin sa dyaryo... may tulugan. Kaya nga kahit na bihasa na akong matulog na nakaupo (bunga ng matinding sage training sa Mapua), iba pa rin yung kumportable kang nakakahiga.

may paliguan din. ang galing. para akong may condo sa makati at malapit lang sa trabaho. nakakainis lang at nasira yung heater nung shower. kalamiglamig tuloy ng tubig. ramdam mong nanunuot hanggang kaluluwa. para akong naligo sa er... yelo.

oo may baon din ako ditong damit, sabon, shampoo, toothpaste, toothbrush, tuwalya, unan, noodles... pwedeng-pwede na nga ako maistranded dito pag binaha ang buong makati. pero 2 days lang.

yun nga lang kung kelan ako maagang pumasok, dun naman kami walang ginagawa. training kasi dapat ngayon. 4th day na. At dahil model employee, 3 days na akong late. dapat talaga di ka na maglalaro bago umalis ng bahay. tatanghaliin ka talaga.

noong mga nakaraang araw pag dumadating ako sa training room, may ginagawa na sila, nagsasalita na yung nagtuturo. ok lang naman kasi hindi sya mahigpit, saka kaya nga may katabi e, para may matatanungan di ba? saka quick learner naman ako... ata.

baka may meeting ulit yung trainer. may general meeting kasi mamaya. reorganization daw. basta dapat may pakain sila, yun lang masasabi ko.

Monday, January 26, 2009

Filler

1/27/09 3:30am

"I started out with nothing and still got most of it left"

hindi naman masyadong halata pero kung sakaling hindi mo nga napansin, e di pa tapos ang pagsasaayos ng blog na ito. medyo nasa "conceptualization" phase pa nga tayo, ika nga. kung gaano katagal tayo mananatili dun ay hindi ko masasabi, dahil ang mga ideya, tulad mga bagay ay gumaganda raw pag di minamadali. o dahilan lang ba yun ng mga tamad. o kaya palusot ng mga taong naglalaro lang ng Fallout 3 sa bahay at pa-browse-browse na lang ng mga site sa opis.

ewan.

medyo nangalawang na siguro ang aking panulat. matagal na rin kasing hindi nagagamit. mula nang iwan ko ang dyaryo, hindi na ako sumusulat ng artikulo sa ingles, maliban na lang siguro kung mag-eemail ako dun sa mga foreigner pag mali-mali sila. minsan kasi may pagkaengot sila.

hahaha.

may isang taon na rin siguro ako lumiban sa pagbloblog. hiatus daw sabi ng mga nagpauso. bakit nga ba naghi-hiatus? siguro dumarating lang talaga tayo sa saturation point na tinatawag. biglang parang ayaw mo na gawin ang isang bagay na gustong-gusto mo namang ginagawa dati. wala naman talagang dahilan. isang araw maiisip mo na lang, "parang ayoko na ng 1pc chickenjoy". biglang magsasawa ka na lang sa kaka-go bigtime sa Mcdo, o masusuka sa jolly jeep.

dahilan ng hiatus? pwedeng marami, pwedeng wala. siguro nabagot ka lang. siguro sumala sa alingment ang iyong mga bituin at planeta. nawalan ng internet. nahuling natutulog sa oras ng trabaho. namatayan ng aso. siguro nabusted ka, nambusted, nagkaroon ng lovelife o kaya ng imaginary gelpren.

o kaya nainis sa mga nagbabasa ng blog mo pero di naman nagkokomento. hahaha.

umaasa ako na sana ang panulat ko ay parang ability ng mga hero sa DOTA. pag naabot mo na ang ganitong level at napili na ang ganitong ability, hindi na nawawala yun kahit hindi mo gamitin. kailangan mo lang ng sapat na mana points para magamit mo ulit. Siguro naman sa tagal kong nag-antay, puno na ang mana points ko?

Thursday, January 15, 2009

kilapsaw?

hindi ka naliligaw.

ang blog na ito ay kasalukuyang nire-reset.