Wednesday, August 30, 2006

Besotted

“We accept the reality of the world with which we are presented. It’s as simple as that.”
– Christoff, The Truman Show


(ginawa ang draft 3:30 ng hapon)

Producer: ang hindi ko maintindihan, ay kung paano pa rin nakita ni ninong ung mga bagong pic… dapat hindi na nya nakikita yun, wala na sa paylist natin yung jocelyn na yun ah.

Director: Hindi ko rin nga maintindihan e. ginawa naman namin lahat ng pwedeng magawa. Na-block na namin ang friendster sa Mapúa…kahit gumamit pa sya ng proxy servers hindi pa rin sya makakalog-in…ni hindi na nga nya naisip na pwede pa rin makita yung mga profile kahit di ka naka-log in…

Producer: E pano nangyari yun?

Director: National heroes day kasi nung linggo, kalahati lang ng staff ang available. Nagkataon namang qualifying exams ng tnb…binigyan na nga namin sya ng option na sumama sa pamilya nya para pumunta ng batangas dahil birthday ng tita nya, pero nagproctor pa rin siya para sa exams…

Producer: e bakit hindi na lang sya umuwi pagkatapos nung exam? hindi na natuloy yung lakad nila sa videoke di ba?

Director: Oo. Pina-cut off pa nga namin yung exam kay sir ray e nung nine o clock para maaga ang uwian...tapos usually walang fx kapag linggo pero pinuno namin ng fx yung tapat ng city hall para may masakyan siya pauwi…

Producer: e bakit hindi pa rin sya umuwi?

Director: sabi nya nasa cabuyao pa rin yung mga tao sa bahay nila. Wala rin siyang susi kaya hindi rin daw sya makakauwi. Saka nakapagpaalam na sya, dahil akala nga niya matutuloy yung videoke…saka umuulan pa nun. Ayaw nya talaga umuwi!!!

Producer: bakit umuulan? Akala ko ba kontrolado na natin yung panahon?

Director: timing na timing, nasira kasi yung weather controller natin…inatake ng isang batalyon ng naka-iron curtain na Apocalypse at tatlong Demolition Truck nung linggo…TATLO!!! …nagbabakasyon pa naman si Tanya. Sa palagay ko ayaw talaga ng Soviet Libya na magtagumpay ang show na ito…hmmm…

Producer: huh?!

Director: wala po.

____________________________________
Medyo wala ako sa mood nung mga nakaraang araw…para akong maysakit…gusto ko lang matulog ng matulog…maaga ako natulog kanina…one ng madaling araw. Oo maaga na sa akin yun, normal ko na kasing tulog ay 3:30…kapag walang exam… Kapag may exam mga two pa lang inaantok na ako…ewan ko, ganun talaga e. mas maraming masarap gawin lalo na kapag may iba kang dapat gawin.

Medyo nagkamali pala ako dun sa nilagay kung quote galing sa click dun sa last entry ko…hindi yun yung exact words na ginamit…pero walangjo, ano pang magagawa nila…yun din naman ang meaning e…so what? Sue me.

Medyo magaling na ako ngayon. Hindi na ako nasasakal.

Madami akong exam sa mga darating na araw…bukas sa mem/io, tapos sa Friday compiler at saka probstat, tapos sabado…badtrip…lahat mahahaba ang coverage…haay naku…kailangan mag-aral, kailangan mag-aral, kailangan mag-aral…grrrr…

Tinext ko sya nung Monday…haha…tanga tanga ko talaga…ang kulitkulit ko, pano ba naman nagulat ako nung nagring ulit yung number nya…kasi matagal na yung unattended e…kahit alam ko hindi naman siya magrereply. Napakatanga talaga…haha. Di ko na kailangan ng sermon nyo…alam ko na yun. Ang problema lang ayoko lang talaga makinig…wahaha. Hahaha.

I still can’t accept my reality. Siguro minsan…haay bakit ba kailangan matigas ang ulo ko…grrr…I just try to be indifferent…walang pakialam, hindi tinatablan…pero wala din e….tinatamaan pa rin.
______________________________

“…ayoko sana…kung ikaw ay mawawala…mawawasak lamang ang aking mundo, oh……ngunit anong magagawa…kung talagang ayaw mo na…sino ba naman ako para pigilan ka…”
– Halik, Aegis

Yan ang pang-videoke…hehe. Haha.

TINANGGAL NA YUNG PIC...BELAT


I remember myself doing a pose like that (without the peace sign) back in first year high school. Haha. Akalain mo... Kapag ginagawa ko yan noon sa klase, nakikita ko syang nakatingin sa akin, nakangiti (blush)…nakakatuwa… hahaha. wahaha. hahaha. Kapag ginawa ko pa yan ngayon, sh^t...masagwa na siguro…

Everything changes…every thing can be lost.
______________________________
Walang kinalaman:

Kakapanalo lang ng JRU laban sa San Sebastian sa NCAA Basketball. Akalain mo, nanalo pa sila…pero wala na rin naman…tanggal na rin sila pareho sa Final Four. May laban pa ang Mapúa…sa San Beda…malay mo manalo sila…sana manalo…

Teka…baka late na ako…may klase pa ako ng six… makapagbihis na nga.

Ciao.


No comments: