Friday, August 25, 2006

Remember the Leprechaun

Morty: Remember the Leprechaun?
Michael: Eh?
Morty: …The one from the cereal ad.
Michael: “Magically Delicious!”…That guy?
Morty: Yes… He’s always chasing the pot of gold at the end of the rainbow. But when he gets there… at the end of the day… it’s just cornflakes…
-- Click


(ginawa ang draft sa bahay 2:05 ng umaga)


Napanood ko na ulit yung Click kagabi at medyo na-retain na sa utak ko yung ibang mga lines, at nakita ko na rin yung mga minor “glitches” sa plot. Kung paano parang ipinilit ung ibang events…pero maganda pa rin sya para sa akin at yun na yun, wag ka na magulo pa.

Nalaman ko na hindi pala nagmalfunction yung remote control, feature pala yun...(tsk tsk, iba talaga kapag pirated) dahil nagfastforward sya ng one year, nag-automatic fast forward ang buhay nya dun sa mga iniiwasan nyang event dati...
_______________________________

Nagpacheck-up din ako sa mata kahapon. Kasi may Free Computerized Check-up dun sa aming school clinic. E kung bakit ba naman tuwing may libreng eye check-up, lagi akong may ibang dapat gawin o dili naman kaya’y nawawaglit sa aking hinagap ang mga naturan kong isagawa… Kaya naman, first time ko pa lang magpacheck-up ng mata.
_______________________________

Nung bata ako (mga 7 yrs old), pakiramdam ko mayroon akong superhuman eyesight. Kasi, wala lang, yun ang feeling ko e. Pabayaang magpantasya ang kabataan… Naniniwala din ako noon na ang pagtitig sa araw ay nakakapagpalakas ng eyesight. Tumitingin ako sa araw hanggang sa magmukha na syang logo ng Sprite sa paningin ko (yung bilog na may kulay green sa loob).

At nung grade 1 ako, habang recess (mga bandang 4 pm na siguro yun), tiningnan ko ang palubog na araw ng mahigit siguro sa dalawampung minuto. Naisip ko na pag ginawa ko kasi yun, hindi na ako mabubulag kailanman… mag-iincrease ang superhuman eyesight ko tenfold.

Ayun si gago nakatitig sa araw na parang wala nang umaga kinabukasan…na parang hindi na babalik ang araw pagkalubog nito sa Manila Bay. Kahit masakit na ang mata ko, pinilit ko pa rin…hindi ko na madescribe ang araw nun, lumampas na sa pagiging sprite ang hitsura nya.

Sabi ko sa sarili ko na ang mga bida kailangan talaga nahihirapan sa simula. Si Ultraman nga kailangan magbe-beep muna yung ilaw sa dibdib nya bago nya tapusin ang kalaban di ba? Ako pa kaya. Kailangan magsakripisyo.

Tumunog na ang bell. Tapos na ang recess. Tapos na rin ang pagsubok. Inalis ko ang aking mga mata sa pagkakatitig sa araw. Sabi ko, malakas ako! Bwahaha.

Nakupo.

Anong nangyari?

Kahit saan ako tumingin, puro dilaw lang ang nakikita ko. May mga gumagalaw na itim na bagay sa loob ng malaking gray na parihaba. Mga kaklase ko ata yun ah…wala akong makitang mukha.

Kabog. Kabog.

Anong nangyari sa superhuman eyesight ko? Bakit ganito, imbis na lumakas at tumalas ang paningin ko, nabubulag na ata ako!

Pikit.

Dilat.

Nakupo, ganun pa rin.

Kabog. Kabog. Kabog.

Mabubulag na ata ako habang buhay…hindi ko na makikita ulit ang mukha ng crush kong si *toot* at yung favorite teacher kong si Ma’m Selga. Hindi na ako magiging Top 1 sa buong section B, magiging bulag na lang ako habang buhay.

(…pangarap ko’y di maabot…dahil sa bawal na gamot…labis ko nang pinagsisihan…ang aking kamalian…)

Pero kahit halos bulag na ako, hindi ko pa rin ipinapahalata…kinakausap ako, sasagot ako…kinakapa ko yung upuan ko…buti na lang malapit lang yun sa pinto…Teka, medyo nagkakaroon na ng hugis ang mga tao. Pikit. Dilat. Pikit. Masahe ng mata. Dilat.

Teka, nakikita ko na ata si crush, katabi ko lang yun e…nakikita ko na ang mga kaklase ko…sort of. Nakamaskara ang mga mukha nila…maliwanag pa rin…teka…ayun, medyo malinaw na…ipinapangako ko, hindi na ako titingin sa araw ng matagal kahit kailan, ibalik nyo lang ang “mata” ko…

Searching for the pot of gold at the end of the rainbow but finding cornflakes instead…
____________________________

At naibalik naman ang paningin ko after a while. At simula noon hindi na ako tumitingin ng matagal sa araw…kapag ginawa ko yun, sumasakit na ang ulo ko…kahit na yung glare lang mula sa mga salamin ng kotse o kaya headlights ng mga sasakyan…sumasakit na ang ulo ko.

At kahit nakasalamin (eyeglasses) na ang buong pamilya ko. Ako na lang ang natitirang may “malinaw na mata”…kapag naiisip ko kung bakit…naiisip ko yung araw na yun nung grade 1. baka nga dahil dun…???
______________________________

Dun sa check-up, ipinatong ko yung baba ko dun sa apparatus tapos may ipapasilip sa iyo mula dun sa lens…ang nakita ko ay isang bilog na maraming sinag…parang araw ba…tapos kulay green ang background…tapos mawawala yung image sa focus tapos babalik tapos lalabo ulit…pagkatapos nung right eye, yung left naman…ganun din…in a matter of five minutes tapos na kaagad.

Wala na ung schnellen chart ba yun…yung may malaking E…tapos F, Z, O, P…whatever…legacy device na rin sya ngayon…

Dahil sa naturang computerized eye check-up na yun, napag-alaman ko na may expiration din pala ang ipinahiram na kapangyarihan sa aking mga mata…nalaman ko kahapon na may ASTIGMATISM pala ako…
_____________________________

Mukhang kailangan ko ulit tumingin sa araw mamaya.

_____________________________

P.S. ngapala naalala ko na ung The Terminal. chineck ko sa net kahapon... yun pala yung kay Tom Hanks at Catherine Zeta Jones. directed by Steven Spielberg. at yung plot, gaya na rin nung sinabi ni kuya ray sa tagboard.

No comments: