Friday, January 14, 2011

stressss

A day of worry is more exhausting than a day of work.  ~John Lubbock

Naiistress na naman ako sa trabaho...

Hindi dahil sa dami ng gagawin o hirap ng ginagawa. Gumawa na naman kasi ako ng kalokohan. Ok lang naman ata yun dapat. Siguro. Kasi yung isa kong kasama mga 1 month na nya ginagawa wala naman nangyari sa kanya. Nakigaya naman ako. Tsk tsk.

Talaga naman.

Tapos bigla-bigla may magkakalat ng tsismis na may natanggal sa ibang team. Sa ibang lugar. Di ko alam kung ano yung ginawa nun at ganun kabigat ang parusa nya. O kung pano nahuli. Baka naman sobrang nawili. Pinabalik daw e. Tapos ayun last day na raw. Ngi naman. Di ko nga alam baka pakulo na naman yang mga rumor na yan para masindak kami. 

Epektib. Nasindak ako e. Ambilis kasi e. Iba talaga pag 1st world ang internet. Nakakaadik ang bilis. Nakarami tuloy ako. Sabi ko pa naman di ko gagawin yun. Ginawa ko rin. Sana kung nagkalat sila nyang rumor na yan, pasimula pa lang ako. Emp talaga.

Nastress talaga ako. Inaantok ako kanina, nawala antok ko. Di rin ako makatrabaho. Langya. Nainception ako. Di ko maalis sa isip ko. Baka di ko pa maenjoy weekend nyan. Asar.

Sana tinatakot ko lang sarili ko. Naku. Kahirap pag nagkataon.

Sana katulad lang nung di kami nakapasok sa building. Hay. Experience talaga. Minsan kahirap kunin. Lalo na yung mga ganitong kasakit sa ulo.

Sana wala lang sa kanila dito yun. Gusto ko magtapos ng february dito.

Friday, January 07, 2011

This planet has - or rather had - a problem, which was this:  most of the people living on it were unhappy for pretty much of the time.  Many solutions were suggested for this problem, but most of these were largely concerned with the movements of small green pieces of paper, which is odd because on the whole it wasn't the small green pieces of paper that were unhappy.  ~Douglas Adams

Saturday, January 01, 2011

Old Lang Sign

"Cheers to a new year and another chance to get it right" - Ophrah Winfrey

Bagong taon na ulit. Kung kailan sanay na ako magsulat ng 2010 sa date pag nagfi-fill up ng form, ngayon naman 2011 naman ang kailangan pagsanayan.

Di na ako sanay magblog... mahahaba ang pagitan ng mga nakaraang post. nakalimutan ko na rin magsulat ng mga ganito. sayang kung iisipin, andami ko pa naman kwento. napanis na sila... masyado nang huli para ikwento. nakalimutan ko na yung mga gusto ko dapat sabihin nung nangyayari. blah blah blah.

So itry natin ulit. Siguro natamad lang ako magblog dahil masyado ko sine-censor ang sarili ko. marami akong gusto sabihin pero baka makita ng nakakakilala sa akin. gusto ko magpalit ng pseudonym pero masyado naman ako naattach sa ninong. Ewan ko ba. Di na ako makaisip ng bago.

Kaya medyo pagpasensyahan nyo na. nangangapa ulit ako. Simulan natin sa angst...

Hmmm. Nakita ko mga picture ni little-goth. Oo tinitingnan ko pa rin ang profile nya from time to time. Pag naalala ko. Tumaba na sya. Pero maganda pa rin naman. Siguro yun ang naimagine ko nung sinabi nya dati na tumaba na sya nung hindi pa kami nagkikita ulit after 7 years. In a relationship na pala yun ulit. Di ko kilala kung sino. Ewan ko. Yung nahinuha ko e improvement naman kumpara dun sa dati nya.

Di sila masyadong vocal sa facebook. di katulad ng ibang kilala ko dun sa fb. parang kulang na lang sa mga yun ibroadcast nila sa tv na nagmamahalan sila. para akong bitter no. pero minsan kasi excessive naman sila masyado. Minsan nakakasawa rin makita sa wall mo kung gano nila kamahal ang isa't isa. Siguro pag sobra ka inlababo e gusto mo lang ipagkalat sa iba. Di ko alam. Di ko pa natry...

Mabuti na rin siguro na hindi ako nakaattend sa kasiyahan nung december. Ewan ko, baka awkward pa rin kung nagkita kami. Di ko alam. Di natin masasabi. Minsan dinadalaw ko pa rin profile kahit na nakahide yung mga status nya sa wall ko. Nabura ko rin pala sa ym. Ayoko na dun e. Kaso sayang, gusto ko rin makita mga dati kong kaklase. baka meron dun pwede. hehe.

nakausap ko pala si all-sweet nung isang araw. sa phone. long distance. mga 1 hour din. pero halos ako lang nagkwento kwento nun. ang daldal ko nga daw e. marami pa rin pala ako kwento. hmmm.... dami ko rin nasabi hinahabol ko nga yung hininga ko. siguro nakwentuhan ko sya ng ganun nung nagpupunta pa kami sa 4th floor ng SM pagkatapos ng cwts. bago nagka-rift. bago nawala. in a relationhip na rin pala yun. at mukhang ok naman sila. ok naman ako. yun lang yung hinanap ko nawala. ok na ako kung hanggang dun na lang.

hehe. bagong taon na pero puro past ang pinagkwkwento ko. tama na yun.

new year and another chance to get it right.