Thursday, August 24, 2006

CLICK

“Parting the soup is not a miracle, it’s a magic trick.” – Bruce Almighty

(insert quote from CLICK here)


Hmm… it’s 1:43 in the morning as I am typing this entry, although the post time will surely mislead you.

At dahil madaling-araw na, kailangan magtype ng mabilis…baka makita akong nagcocomputer pa, mapapagalitan pa ako…

Gusto ko lang magtype ng entry ngayon kasi medyo maganda ang mood ko…at matagal na rin akong hindi nagpopost na masaya…

Maganda ang mood ko kasi kakapanood ko lang nung CLICK ni Adam Sandler at maganda yung movie…para sa akin maganda..kung napanood mo na at hindi ka nagagandahan…Ifast-forward mo na lang ito. END.

Ok. Mukhang nagandahan ka rin kahit paano sa movie o kaya naman ay hindi mo pa napapanood…gusto ko sana maglagay ng quote mula sa movie na yun kaya lang dahil isang beses ko pa lang napapanood (at pirated pa kaya walang subtitles) medyo mahirap yun gawin. Basta makakahanap din ako…siguro mga isang pasada pa.

Para syang Bruce Almighty, na magandang pelikula din. At medyo ganun din ang plot. Ordinaryong tao (na may magandang leading lady na mahal na mahal nya), tapos magkakaroon ng power na “i-alter” ang paligid nya. At yung power medyo galing sa ibang kakaibang “tao”.

Hindi tao ang nakokontrol nila. Kung sa Bruce Almighty may power si Bruce (Carrey) ni God at kaya nya gumawa ng mga “milagro”, sa CLICK naman, si Michael Newman (Sandler) may power ng universal remote (na nakuha nya kay Morty (Walker) sa Bed Bath and Beyond). Kaya nya ifast-forward, pause, rewind ang buhay nya.

Iba yung rewind at forward dito kasi hindi mo naman talaga inuulit ang buhay mo…kapag nagrewind ka, nasa third person ka, para kang nanonood ng dvd. Kapag nag-fastforward ka, yung gumaganap sa buhay mo, naka-“auto pilot”.

Kaya kahit ikaw pa yung nandun, hindi rin naman talaga ikaw yun. Para lang syang computer na hindi kaya mag-improvise.

Sa Click, medyo nagmalfunction ang remote nya…at ang nangyari nafast forward ang buhay nya. Na-miss nya lahat ng mga importanteng event sa buhay nya…nawala ang asawa (Beckinsale) nya at magulang tapos hindi nya nakitang lumaki ang mga anak nya…

Tama na ang spoiler…basta maganda sya. May moral lesson pa. Parang yung nabasa ko dati na short story ata yun, tungkol sa magic thread o thread of life. Binigyan daw yung isang bata ng magic thread…parang yarn ba. Tapos yun ang buhay nya, kung gusto nyang pabilisin i-“uunravel” lang nya yung thread at bibilis ang mga pangyayari sa buhay nya. Dahil sa kaka-forward, ayun nagising na lang siya isang araw matanda na sya at ang buhay nya, dumaan lang ng hindi nya namamalayan…empty. Dahil lahat ng mga pangyayari na sana ay nagbigay ng kahulugan sa buhay nya, hindi nya talaga naranasan.

At ano ang moral lesson mga bata? Tama. Don’t let life and people pass you by…

Mukhang hindi ko pa rin natututunan yun. Hehe.
____________________________

Kaya nga ako nagblo-blog e. O kaya yung journal sa bahay. Medyo makakalimutin kasing akong tao…minsan nga kapag binabalikan ko yung mga isinulat ko, o yung mga tinype ko dito, kahit ako medyo napapaisip kung isinulat ko ba talaga yun…

Katulad nung words of wisdom ni ramon…yung nilagay nyang words of wisdom ko, yung “this is where we figure in” (sa Mapúa’s Mobius Strip), nakalimutan ko na nga na ako ang nagsulat nun e. nakipagtalo pa ako kay sir ray, sabi ko baka sya naglagay nun nung in-edit nya…pero medyo parang ako nga yata yun.

Parang may sapi ata ako pag gumagawa ng mga post o kaya nagsusulat…baka may pagka-schizo ako…hehe.

Naalala ko tuloy yung nilagay ko sa friendster profile ko…yung favorite movies dun. Nilagyan ko yun ng The Terminal last last year ata. Pero kahit gaano ako mag-concentrate, walangjo hindi ko pa rin maalala kung anong movie ba yun, sino ba ang bida dun, kung bakit ko ba yun nagustuhan at kung may movie ba talagang ganun? Lagi kong sinasabi na irreresearch ko na lang sa internet (last year ko pa sinabi sa sarili ko yun), pero guess what, (what?) hindi ko pa rin natitingnan.
____________________________

Pero parang gusto ko yung remote na yun. Kahit wala na yung forward button… may “life menu” kasi yung remote sa CLICK…at para siyang parang dvd, may mga commentaries, scene selections at bonus features pa…o di ba astig yun. Gusto ko kasi mabalikan yung mga magandang pangyayari…magandang pelikula yun.

Sana may nagta-tape sa lifeshow ko…gusto ko yun mapanood. Hehe.

Pero teka, kelangan ko pa rin pala nung fast forward. Gusto ko ifast forward yung mga lectures ko…
____________________________

P.S. Maganda talaga para sa akin si Kate Beckinsale, ipopost ko na dito para hindi ko makalimutan. Lagi ko kasi nakakalimutan yung mga paborito ko.

____________________________

P.S. ulit. Mental note sa sarili na paborito kong movies yung Last Samurai, Click at Bruce Almighty. Nakakalimutan ko rin kasi.

1 comment:

Yunisee said...

ah, gising ka pa! >D

di ko pa napapanood yung Click pero mukhang maganda... hay, spoilers! :P