Friday, September 01, 2006

Nasa Mobius Strip si Ninong

Joe: I don’t wanna want something I can lose.
Tina: There’s nothing you can’t lose…but no one can take your desire away from you. No one.
-- Glory Road

______________________________

Producer: Ano na ang mga kaganapan?

Director: Sinusubukan namin mag-damage control…pinapasali namin sya sa mga activity ng org nya…katulad nung isang araw, MS1 nila…dati active sya dun e…

Producer: E ano ang nangyari…?

Director: Wala…wala daw siya sa mood…kesyo tinatamad daw sya… pina-care of lang nya dun sa ibang members yung mga dapat na pipirmahan nya… haay…bababa na naman ang ratings natin nyan…wala na namang nangyayari…

Producer: Sigurado ka bang walang kinalaman si Writer dito…

Director: Hindi ko masabi e, pero sa kontrata nya kasi pwede sya maglihim ng plot kung gusto nya, kaya hindi ko talaga masabi…baka magulat na lang tayo…pwedeng tumaas bigla ang rating, pero pwede ring mawala na ang buong show…depende rin yun sa kanya…

Producer: Wala ba tayong magagawang paraan para maibalik si jocelyn dito sa show? Mukhang ayaw siya tigilan ni ninong e…hindi ba natin maibibigay ang gusto nya?

Director: Kung alam ko lang kung paano…matagal ko nang ginawa.
_______________________________

Kung kinausap ko ang mga bato gaya ng pagpupumilit ko na makausap ka, matagal na siguro akong may mga katropang bato…

Hindi ko naman gusto na manggulo e…kung masaaya ka dyan, e di magpakasaya ka. pero sana lang hindi mo ako kina-cut off. You wouldn’t even reply. Parang nawala ka lang ulit na parang bula. Pero ang problema, nandyan ka naman talaga e, hindi ka naman nawawala…hindi mo lang ako pinapansin. Na parang hindi na ako nag-eexist. Na parang ako naman yung nilamon ng lupa…

You’re not making any effort to acknowledge my existence. Ako naman itong si gago, ang kulit-kulit talaga… titigil lang sandali pero di rin magtatagal andito ulit…naka-mobius strip. Sh^t. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang ginagawa mo sa akin. Cold shoulder treatment? Wala naman akong ginawang masama ah. Kahit kaibigan na lang, hindi ba pwede yun? Ang magkaibigan nagtetext naman ah, kahit hindi madalas. Kahit di na gaya nung dati.

I just wish na maalala mo…hindi pa ako nilalamon ng lupa… andito lang ako…
_______________________________

Hmmm…guess I’m back where I started. Oo na…tama nga ang iniisip mo. Kapag minamalas nga naman talaga, pati ako nadamay na sa sarili kong “mobius strip”. Tsk tsk. Kahit anong gawin kong move on…eto pa rin ako…ayaw ko pa rin bumitaw…tange tange…

Nung nanalo ako sa essay writing contest last year…tungkol din sa infinity yung title ko…kasi nga Mapúa at 80 ung topic nun…may number 8…di ba symbol of infinity yun? Kaya eto ako, pabalik-balik…kumbaga sa compiler…recursive, kumbaga sa control systems parang naka-feedback loop, kumbaga sa geometry…parang nasa mobius strip.

Haha!

May nakita ako sa forwarded e-mail ko kahapon, at kahit di naman ako fanatico pagdating sa mga horoscope, parang tama naman sya…well, read for yourself.
___________________________

Taurus (Apr 21 - May 20)
You are stubborn and like to hold onto things, not wanting to let go of anything or anyone. You are slow to anger, but when you do get worked up to a rage -- everyone step aside! You also have a selfish streak and can be quite sneaky as well. And although people may see you as helpful and agreeable, you sometimes have an inner struggle wanting the approval of others while sticking to your own opinions. You also tend to be suspicious of others and question their motives.

Advice:
Stop being mean and try to be nice. Learn to forgive and let go of your past disappointments. Learn from your mistakes and have faith in yourself and others as well.
___________________________

Tama nga…ayaw ko nga bumitaw…siguro ayoko talaga makalimot. Kahit yung mga taong nang-away sa akin, ako pa rin ang nakipagbati… ako yung taong makikita mo na naghahanap ng mga kaklase nya nung grade 1 sa friendster para makontak lang ang mga taong nawala na sa buhay ko…

ako yung taong naghahanap sa mga taong nawawala kahit wala na silang pakialam sa akin makita ko man sila o hindi. Ni testimonial man lang hindi sila makapagbigay… hindi man lang nila maappreciate yung effort ng paghahanap ko…tsk tsk. Ako yung taong gusto sana sa libing ko, nandun lahat nung mga taong nakilala ko…hahaha. Ako yun.

I keep remembrances. Nagtatago ako ng mga sulat…nagsusulat ako ng text sa notebook kapag maganda yung message (baka kailanganin sa biography ko balang araw…wahaha). Oo, isinulat ko lahat ng natanggap kong message sa kanya nung text marathon…kasi siguro naramdaman ko, hindi naman talaga magtatagal yun…ganun kaimportante sa akin ang mga alaala…

Hindi rin ako nagagalit…naiirita, oo…pero nagwawala…hindi naman masyado…nag-iipon ako e, kapag napuno…dun lang talaga ako gumaganti…nakita nyo na ba ang toro pag nagalit…yun na yun.

“And although people may see you as helpful and agreeable, you sometimes have an inner struggle wanting the approval of others while sticking to your own opinions”… kung masugid kayong fan ng blog na ito…maiintindihan nyo kung gaano katama ito…

At dahil matigas ang ulo ko (stubborn), akala nyo ba makikinig ako sa advice na yan? Hahaha. I guess not. I may have to do it…but I don’t need to like it.
_________________________

Badtrip ang exam nung isang araw sa mem/io…so ok, hindi ka nga magaling magturo ang lakas pa ng loob mo magbigay ng mga questions na kahit ikaw hindi mo masagot ng maayos…tapos pag di namin nasagutan akala mo kung sinong magaling samantalang naka-open notes ka naman…badtrip…wala pa akong naipapasang quiz dun ah…at mukhang malabo pa itong isa…haay naku…
_________________________

Happy birthday sa kuya ko kahapon, thirty six years old na sya. Alam kong hindi naman nya mababasa ito…wala rin akong balak sabihin sa kanya na may blog ako…

I’m not too forward with my family. May mga bagay na hindi ako komportableng sinasabi sa kanila…too close for comfort…saka parang naririnig ko na ang sasabihin ng kuya ko, “saka na yang mga ganyang bagay, mag-aral ka muna…”.

Haay, parang hindi sila dumaan sa ganitong mga kaganapan…hehe.

Natapos na ung exam ko sa probstat…madali lang daw yun sabi ni sir “tingkayad”. Pero isa ako sa mga huling lumabas…nahirapan ako…nag-aral naman ako, pero naging careless na naman ako…sabi kasi sa problem x is at least ten…ginawa ko x=1,2,3,4,5,6,7,8,9,10…

tanga. Dapat x=10, 11, 12, 13….hanggang 20…

hindi ko natapos yung exam. Kulang na kaagad ako ng 20 points.

Mahirap din yung sumunod na exam sa compiler…pero kapag may kinalaman sa programming at least kahit paano, medyo nakakapa ko yung mga dapat gawin…siguradong hindi mataas ang score ko dun pero palagay ko papasa ako sa quiz.

May exam na naman ako sa controls ngayon. Tungkol sa mga bagay na wala akong ka-ide-idea…sabi sa akin nung isang araw may ot daw yun, pero wala naman silang makuha. Wala na naman akong maisasagot dun. haay...bakit pa kasi inimbento ang subject na un!!! grrr!!
______________________

Medyo nabuhay na naman ang pagblo-blog sa TNB… ewan ko ba kung ano ang nakain nila at biglang nagsiusbungan ang mga bloggers dito. Hehe. Lately ko lang din nalaman na may blog si sir ray…kung hindi pa tinanong ni namre, hindi ko talaga malalaman. sensya na po.

Si sir ean, nagpalit lang ng ng banner…fwoosh!!! Tumaas agad ang fan base…hehe…within two days magkalayo na ang mga stat counter namin. Haha. Si sir namre, kakablog lang nya two weeks ago pero lampas one hundred visits kaagad…pati yung mga nag-exam sa qualifying exams fan na rin ni namre… wow…nakakainggit…

Samantalang yung mga ibang taong nagbabasa dito sa blog ko, hindi naman nagpaparamdam. Huhu. Buti pa yung mga taga-TNB, alam ko nagbabasa sila dito. hindi nyo ba alam na one of the reasons kung bakit ako nagblo-blog ay para sa feedback…para sa comments?!

Kung nagblo-blog lang ako dahil gusto ko lang magsulat e di nagsulat na lang sana ako sa notebook, bakit kailangan ko pa i-post dito? Para sa comment. Dahil kahit anong gawin kong pagkausap sa notebook, hindi naman ako sasagutin nun e… atsaka yung mga taong kinukwentuhan ko dati, hindi na nila ako kinakausap…

Naglagay na nga ako ng tagboard diyan sa tabi…magttype lang kayo ng konti…wala pang 10 seconds, tapos na yun. Please lang...shower me with your presence...

Wala lang. nainggit lang ako…madami kasi nagkokoment sa iba…haha. sabi nga ang mga taurus daw may selfish streak…aminado ako meron din ako nun.

Hmmm… baka kailangan maglagay na rin ako ng flash dito.
___________________________

5 comments:

Anonymous said...

>jan

cguro naman tanda u parin me. 1 week na ang nagdaan nung nagpunta me ng mapua.

nweiz, about ur blog.. baka isipin u magaling lang me sa pagbabasa pero di man lang maisipang gumawa ng comment. hehehe. kaya ito na po!!

actually nageenjoy me sa pagbabasa ng blog u. every time nagiinternet me lagi ko na tuloy tinitignan latest entries niyo. si karlo po yung pasimuno. hehehe.

cge po, ingatz na lang lagi.. :)

*touch naman me nung nailagay u ng tama yung name ko dun sa isang entry u. hehehe*

Ean said...

kamusta ka naman diyan sir!!?!?!?!

mukahang nangangailangan ka na ng break sa mala-telenobelang buhay mo ah. hmmm... tapos na ang off season at medyo naging exciting na naman ang eposides... kaya lang puro drama pa rin ang lahat. bakit kasi dapat drama ang genre ng life natin. hehe.

medyo wala na ngang bagong updates sa blog ko kasi super bc. kakabili lang namin ng kit sa amplifier. at kelangan ko gumawa ng bagong PCB para hindi mahalata ni maam na kit siya.

kung hindi na tayo bc turuan kita mag flash... hehe... pero hindi flash ang dahilan na dumami ang fans ko. nag advertise lang talaga ako. may message boards na kasi kami.

ayan sir. mahabang mahabang comment. hehe... dito na ako nag blog eh no?

basta payo ko sir... take a break. ako noong sobrang depressed ako I took a vacation. (yun ang sa ateneo) basta forget all schoolwork, patayin ang cell, and have fun. may barakada ka ba noong highschool? yun, plano kayo ng reunion. kung hindi lang ako bc ngayon, night out tayo ni sir namre... kahit coke lang magpakalasing tayo. hehe.

dapat depressed din ako ngayon. kasi sure na daw si hanna na hihiwalay siya next term. (dito na talaga ako nag blog... at least hindi mababasa ni hanna pero mababasa ng ibang readers ko... hehe) Di ko alam kung kailangan happy ako kasi wala na akong problema next term or malungkot ako kasi hindi ko na makikita ang taong nagpapasaya sa akin (minsan). Pero ang sure lang isa wala na si hanna next term. Pero sanay na rin siguro ako... lagi ko na kasi siya iniiwasan these past few days. kasi nalulungkot lang ako dahil lagi nalang sila masaya pero hindi ko sila masabayan.

pero ok lang ako ngayon kasi marami akong iniisip na iba. mga prototype mostly.

and yung girl sa pic pala... ung kasama ko na naka orange... dating ka MU ko yun noong highschool... I ges nag sama lang kami ulit for old times sake... pero hindi rin siya available kahit single siya at walang mga manliligaw. ewan ko bakit hindi siya avaliable. yan na siguro ang uso sa mga babae ngayon. single but not available...

gud luck nalang satin sir... tara bugbugin na natin ang direktor... siguro iisa lang talaga ang producer ng mga buhay natin...

yunisee said...

OMGOMG. wala lang :P nakakakita ako ng similarities sa sarili ko @@;

tama ka, buhay na naman ang blogging diyan (marami na naman akong iiistalk err... susubaybayan pala hehe)

good luck sa studies ha! :D pagbutihan din ang trabaho :)

ninong said...

salamat sa mga nagcomment...

sir ean...mas mahaba ang comment...mas masaya! hehe...

jan, salamat sa pagbabasa...nadagdagan na naman ang aking fan base...wahaha...

ate eunice, pareho tayong taurus di ba? kaya siguro ganun...hehe.

your comments mean a lot. salamat ulit...

Karlo Licudine said...

Ninong! Hehehe... eto na nagcomment na me. hehhee..

tama ka! Ang blog ay para sa feedback! hehe. ^^ Hmm... dapat kasi meron incentive sa pagbabasa at pagcomment. hmm...

balak nga namin ni sir ean na gumawa ng forum para sa builder. think about it, pag nagkaforum ang builder, tapos tayo tayo ang moderators. Pag lumabas ang issue at inadvertise na natin, sigurado yun magkakaroon tayo ng mga readers! hehhee... kaso mahirap mag moderate, kaya kailangan may determination tayo. hahaha

anyways, sige, gagawa na ako ng forum pag may time ako. tayo tayo ang magmomoderate. maganda yun! i cant wait! sana magclick!

sir ninong! more power!