Wednesday, September 13, 2006

Hats Off


“If the means be just, the conduct true, applause, in spite of trivial faults is due”
--Alexander Pope

Takamiya: Sa palagay mo sino sa kanila ang mananalo?
Eiji Date: Hindi ko masasabi. Pareho kasi silang magagaling na boksingero.
Takamiya: Sus!!! Masyado kang showbiz! DUN AKO SA DEHADO!!! Pustahan pa tayo e.
--Knockout (tagalog dubbing)

_______________________________

Dahil may klase pa ako ng six pm kahapon…hindi na ako nakapanood ng NCAA Final Four games sa Araneta Coliseum. Kung tutuusin dapat libre ako dun, kaya lang hindi ako maka-absent ng probstat e. Si sir tingkayad kasi medyo mahigpit sa attendance… tsk!

Medyo lumulutang na ako pagkagaling sa ERC (see previous post)…dahil apat na oras lang ang tulog ko. Dapat pagdating ko sa bahay matutulog na nga ako kahit mga isang oras lang. Pero first game pala ang Mapua Cardinals.

Ang kalaban ng Mapua? San Beda…ung team na may 13-1 win loss card. Ano ba ang sa Mapua? 7-7. Tila dehado tayo...

Kaya naman, naiisip ng iba na tambakan na naman ang labanan. Kasi hindi pa natatalo ng Mapua ang Beda this season, at bukod diyan laging napakalaki ng lamang ng Beda. At kung moral support naman ang pag-uusapan, e halos kasing pula ng dugo ang audience sa araneta sa dami ng nakapula.

Teka, ano ba talaga ang kulay ng Mapua?

Anyway, naisip kong mapanood nga sandali ang laban. Dahil isa ako sa mga taong gustong gusto na nakakapanood ng mga upset. Malay mo maka-upset tayo kahit isa lang. hehe. Make those people bow before we go down.

Dun ako sa dehado.

At nahirapan din ang Beda kahit paano. Ang ganda ng laro ng Mapua nung 1st half. Sa sobrang ganda, kahit yung mga announcer hindi makapaniwala. Kung lagi tayong natatambakan ng Beda nung mga nakaraang laro, aba, lamang pa tayo ng pito pagkatapos ng 1st half.

Ayos sana kung hanggang 1st half lang ang laro. May game 2 pa sana sa biyernes.

Paano nangyaring lamang ang Mapua? Hindi kasi tayo masyadong nag-tres…sinugod nila ng sinugod yung basket kahit nandyan pa si Ekwe o wala….tapos nagpapakamatay sila sa bola… sabi nga nung announcer, Old School Basketball. Bakit? Kasi noong mga 1960’s wala namang three point shot e…lahat ng tira kahit gaano kalayo, two points lang lagi. Kaya ang mga player nun, mas madalas puro malapitan ang tira.


Ang nangyari kasi sa mga huling laro natin, lalo na yung sa PCU, walangjo, tira sila ng tira ng tres… buti sana kung pumapasok…e hindi.

Sabi nga nila victors write the history…kung natalo ka, ikaw ang mali… kaya kapag tumira ka ng tres at pumasok yun, bida ka. Pero kung hindi pumasok, well, ikaw talaga ang mali sa paningin ng mga tao. No excuses.

Ang problema lang, napakaraming shooter ng san beda. Ang daming three points…o kaya mga long two points. Napakaswerte pa ni Al-Jammal... Syempre maiinggit tayo, tumira rin tayo ng mga ganun…ayan na…malapit na kasi ang endgame… at hanggang ngayon, hindi pa rin tayo magaling sa endgame. Kaya lumamang din ang Beda, less than three minutes ata ng last quarter.

Pero nakahabol pa rin tayo, dalawa nga lang yung lamang ng Beda nung last minute e…salamat sa tira ni Gonzales. pero sabi ni coach nung timeout…”we go for the win. Magthree points kayo. Ke-pumasok ke hindi, we go for the win”. Hindi ko alam kung bakit napakatapang ni Coach. Siguro dahil gusto nya sumugal.

Hulaan nyo kung sino ang titira ng tres…si dela Peña. Bakit kaya siya lagi ang tumitira kapag last seconds na? No offense, pero hindi naman sya nakakashoot ng three points kapag last seconds na …di ba?

Pero ayun, pinasa ni sean co kay dela Peña ang bola. Kaya lang parang tae yung binato ni Co, kasi dumulas sa kamay ni dela Peña yung bola, tumama pa sa mukha nya. Ayun naagaw pa. Tapos na po ang laro. Bye Bye Finals.


Sabi nga nila kapag wala ka sa sitwasyon akala mo kung sino kang magaling at nakikita mo ang lahat. Parang kapag may naglalaro ng chess. Makikita mo yung mga nanonood mahilig magcommentary…palibhasa kasi hindi sila naglalaro…

Kaya bago nyo sabihing napakahambog ko naman, my hat is off for the cardinals for their performance today. Hindi man nila nakuha yung game, hindi naman nila binenta na halata. Pinahirapan muna nila ang Beda bago nila pinagbigyan.

Tutal 1978 pa huling ng Finals ang Beda, nakakaawa naman sila…kaya ayun pagbigyan na lang natin. Next year tapos na ang sixteen years. Matatapos na ulit yung jinx.

Kahit dehado, malay mo, baka magchampion na ulit tayo…
_____________________________

Sayang at hindi namin nakuhanan ng pic si Efren Bata Reyes nung dumalaw sya sa isang bilyaran dito sa intramuros last July. Nanalo pa naman siya ng World Pool Championship ngayon…haay. Patunay lang na hindi pa siya laos, gaya ng paniniwala ng ilan. Mayroon pa siyang maibubuga…Go idol! Hehe.

No comments: