‘Di mo lang alam
Naiiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
‘Di mo lang alam
Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli
- Oo, Up Dharma down
gaya ng sinabi ko sa tagboard medyo nakakalungkot ang mga kaganapan ngayon...ayaw nya kasi pumayag ngayon e... masyado raw akong matagal maghihintay...six pa kasi ang uwi nya...
mejo eleven ang uwian ko e...
pero ok lang naman e...ewan ko, basta ok lang...wala naman akong gagawin sa bahay e...mamalantsa lang ako...e pwede pa naman yun mamayang gabi e...last day ko na naman ng pasukan ngayon e... kahit gabihin pa ako, ok lang yun…
bakasyon na e…kahit one week lang…sus, ano ba naman yung six hours? Itutulog ko lang yun dito sa ofis, kulang pa yun e…
pero ayaw nya pumayag, nakakahiya daw… NAMAn…
self-help din para sa akin yun ah…ok lang talaga…
kung last year nyo ako tinanong kung gagawin ko yan, baka sinabi ko hindi ko gagawin…pero nagawa ko na naman di ba? Nagagawa ko na siya ngayon…di ba? Kung pwede naman gawin bakit hindi ko gagawin…
e pwede ko namang gawin…yun nga lang ayaw nya…
ang problema tuloy, kailangan ko pang mag-isip…e di ba nga ayaw ko nga masyado mag-isip ngayon…kasi kung mag-iisip ako, wala na naman mangyayari…walang nangyayari kung isip ka lang ng isip…pero ayan nag-iisip na naman ako…
pwede ko pa rin siyang hintayin hanggang six, hindi ko lang sasabihin sa kanya na naghihintay ako, until malapit na mag-six…siguro tatambay muna ako sa Mall of Asia, tutal hindi ko pa napupuntahan yun… malapit lang sa kanila yun…
o pwede rin umuwi na lang ako…magmukmok sa bahay…matulog at pagkagising medyo mag-iisip na naman na sayang, bakit hindi ko pa ginawa e kaya namang gawin di ba?
Magagalit ba siya kung hihintayin ko pa sya…o sa una lang yun, pag nandun na ako ok lang… haay…nag-iisip na naman ako masyado e…
Bahala na.
To be or not to be, that is the question…
Thursday, June 29, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment