Wednesday, June 21, 2006

Cadet Airman Ninong

“Sir, I, Cadet Airman Perez, reporting to the Bravo Company Commander, sir”


nung pauwi na ako nung isang araw, nakasabay ko ung ka-skulmate ko dati sa Lycee…at ka-schoolmate ko pa rin ngayon sa Mapúa… kilala ko siya dahil officer siya sa CAT, at nung hindi pa ako NCO (non-commisioned officer), Company Commander namin siya sa Bravo Company. Sa bravo company ako nakakain ng donut na kasama ang buhangin sa toppings (ang kainan kasi nangyayari pagkatapos ng drills), at kahit gutom ako, itinago ko na lang sa bulsa ng fatigue(?) ko ung donut (pagkatapos iluwa) nung walang officer na nakatingin.

hindi ko alam kung bakit kelangan pang gawin ung ganun pag training day, e wala namang akong balak maging sundalo, at wala namang giyera…kung may giyera man, matutunan mo ring kumain nang kahit ano kung wala ka na talagang makakakain. saka bakit ang mga officer hindi man lang nadudungisan ang pagkain nila…at bakit karamihan sa mga officer ko nung C.A.T. napaka…hmmm…never mind.
_________________________________

sa aming paaralan, ang CAT ay para lamang sa mga lalaki.

Ewan ko kung bakit, pero ganun daw e, marami namang questionable na patakaran ang paaralang pinanggalingan ko e… tulad ng:

1. Bawal maglagay ng gel sa buhok. Tinanong ko ung teacher ko dati kung bakit bawal un at ang sagot nya, “e bawal e”…nice answer, malalim talaga ang balon ng karunungan niya. O_o

2. kapag foundation day o kaya intrams, bawal magdala ng ballpen…baka daw magvandalize kami…

3. kapag may event (linggo ng wika, teacher’s day, living rosary) at may presentation sa stage, hindi pwedeng gumamit ng CR…baka daw magtago kami dun at hindi manood ng palabas. kawawa naman ung mga may LBM.

4. kapag may event, hindi rin pwedeng mag-stay sa canteen kahit katapat lang un ng stage. bawal rin bumili ng pagkain… siguro kasi baka ma-di-distract ka sa panonood…ewan.

5. bawal ring bumili sa canteen ng mga elementary na tatlumpung hakbang lang ang layo mula sa highschool gate at nasa loob pa rin ng school proper…tinanong ko rin dati kung bakit bawal, baka daw malugi yung may-ari ng highschool canteen, e kamag-anak daw un nung may-ari…huh?!?
_____________________________
ilan lamang yan sa mga di ko maintindihan na rules na ipinapatupad nung nandun pa ako nag-aaral, ewan ko lang ngayon…pero bago tayo mapalayo sa murmur of the week, itutuloy ko na ung tungkol sa CAT…
__________________________________

noong second year pa lang ako, binalak kong maging officer…ang kuya ko kasi pinakamataas na officer sa CAT nya noon, kaya sabi ko sa sarili ko, bakit hindi… pero gaya ng maraming pangyayari sa aking buhay, “walang humpay na paghihintay sa hindi dumadating na pagkakataon” kaya wala ring nangyari…

saka sa totoo lang, bawal din naman atang mag-COCC (Cadet Officer Candidate Course) ang mga sophomore…

dumating ang third year, at maraming sumubok mag-COCC…pero isa lang ang tumagal. ako? para sa akin, sayang lang sa oras yan e…magbibilyar na lang ako, masaya pa ako…nung matatapos na ang skulyear, sabi ng mga ka-tropa ko, magsummer training daw kami para officer na kami pagdating ng 4th year… sabi ko ayaw ko…ayoko atang magpagupit ng “chato”, ung hairstyle na para kang may bao ng niyog na kulay itim sa ulo. buhok mo na pala yun.

A…YO….KO…tapos ang usapan.

hindi rin sila sumali…walangjo.

kaya pagdating ng fourth year wala kaming katropa na officer…walang first section na officer bukod dun sa dalawang trinansfer sa amin para may CAT officer naman kami.
_________________________________
First day ng 4th year. Dismissal.

tinawag ng mga officer ang mga lalaki, formation daw sa labas ng classroom, anak ng…bakit? saka anong formation? aba, pinakita na nila ang kanilang mga kapangyarihan…

nagpakilala na ang mga officer…nagbigay ng mga bagong requirements…picture, forms. tickler, blah blah…saka yung imposed na flat top na gupit. kailangan sa first training day daw, meron na lahat…kung hindi…
__________________________________
parang gusto ko tuloy gawan ng short story yun ah…hehe…saka na lang siguro…

to cut the long story short, napaka-sobra-sobrang asar ng first training day…puro parusa, push-ups, squat thrusts, squat, drop like a log dahil hindi namin makuha yung mga drills na itinuturo nila…no mercy…

pagkatapos ng training day, 90% ng mga cadete (non-officers) nag-uusap-usap na kung paano bubugbugin yung mga officer pagdating ng CAT graduation 10 months later. Ako, pag binugbog na nila, sasama ako!

hindi naman lahat ng officer ay masama…pero karamihan kasi akala mo kung sino. kesyo napakalaki daw ng paghihirap nila sa training…kaya pasensya kami… I don’t give a damn kung nahirapan kayo, wala namang pumilit sa inyong mag-officer ah…bakit sa amin kayo gumaganti? huhuhu. bad sila...O_o
_______________________
lumipas ang mga buwan at napansin sa bahay na napaka-wasted ko lagi pagkatapos ng sabado…samantala, inalok naman ako ng katropa ko na mag-Commel (isa sa mga NCO’s), dahil madali lang daw, kumpara sa mga kadete. kailangan ko lang ng radyo.

kasi ang COMMEL (Communications Elite) group ang Intelligence branch sa CAT namin, at kailangan daw ng radyo ng mga yun kasi nga communications…

itutuloy pa ba natin ang kwento?