Thursday, June 29, 2006

Binata na si Ninong


We are who we chose to be…


katatapos lang ng exam ko sa theory of computations…dapat ata hindi na lang ako nag-exam…kasi medyo wala rin naman akong nasagutan e…nagdrowing lang ako ng mga ambigram sa questionnaire…at medyo nakatulog ng konti…kasi pag nagpasa ako kaagad baka mahalata na wala masyadong sagot.

ngapala medyo nagiging pasttime ko na ang pagdrodrowing ng mga ambigram simula nung nakita ko yung “eds” ambigram ni sir namre, naisip ko na kaya ko rin palang gumawa nun, kasi nakagawa siya e…

nagpakita na rin si sir jessie…mukhang galing out of town ah…para ibigay ang aming mga grade… aba, hanep, may grade na ako kahit wala pa akong finals…2.25… hmm…tatlong quizzes na may total of 130 items saka ung mga seatwork at assignment na parang hindi seatwork at assignment…ayun ang bunga. 2.25 lang mga tol…ayos na rin yung laboratory, sya na rin daw ang bahala dun…

sayang at nagresign na sya…hindi ko na sya magiging prof ulit…=( nagtataka ako kung bakit nagiging endangered species na ang mga mababait na prof sa Mapúa… kasi kadalasan pag talagang magaling ka, wala ka nang kailangan patunayan…hindi mo na kailangan manindak ng estudyante para makilala ka…

pupunta pa ako ng skul bukas, Thursday, kasi verification daw ng grade sa STELEC pero alam ko, pasado na rin ako dun e…actually, halos walang kaproblema-problema ang term na ito (bukod sa shotgun na sked; ung maraming vacant) dahil medyo sinipag ako nung una…kaya sana…pasado ako lahat.

pero hindi na ako umaasang maging academic scholar pa ako, minsan may pagkakaiba rin ang nangangarap sa nag-hahallucinate…at medyo aminado rin naman ako na may katamaran ako sa pagsisipag… ?_?
__________________________

kanina, nagpunta kami ni sir stephen sa Ninoy Aquino Stadium or something, dun sa may tapat ng harrison plaza para manood ng laban ng Mapúa at ng Baste (SSC-R)…pumunta kami dun na halos beinte ang lamang ng Mapúa, 1st half pa lang naman…

hindi maganda ung lugar na yun, presko oo…pero natatanggal yung mga upuan, tapos sa upper box sa side ng Mapúa wala man lang upuan kundi yung mga bakal na pagpapatungan sana ng upuan, tapos may mga upuan na parang manonood pa ng laro ni atoy co ang umupo dahil sa kapal ng alikabok…

natatawa ako kasi ung una namin inupuan sa upper box, side pala ng Baste…kaya pala “go baste!” ang sigaw nila (duh!), e dahil wala nga kaming PRESS ID para sa NCAA, nagtiyaga kami sa upper box tickets…ang layo namin sa court.
pagdating ng halftime, 5 na lang ang lamang ng Mapúa…napakaalat ng laro ng mga player…ewan ko ba kung ano ang nangyari sa kanila at napakamalas nila…e biglang sinuwerte ang Baste, umulan ng mga 3-point play sa side nila nung second half…kaya ayun, kahit gano kalaki ang lamang nung una…talo din ang Mapúa...haay…

pero hindi naman yung mga yun ang main event ng araw na ito…kasi kung yun nga yung mga main event e di iba sana ang title di ba?
_______________________

binata na si ninong dahil for the first time in his life may sinabayan siya pauwi…sandali, let me rephrase that…binata na si ninong dahil for the first time in his life, may sinundo siya sa ibang skul at sinabayan niya pauwi…

ewan ko lang kung ano ang nakain nya at ginawa nya yun…kahit siya siguro medyo nagulat din sa pinaggagagawa nya…e dahil humingi nga sya ng payo sa ating mga mambabasa at ang tagal naman ng ating pagsagot sa kanya, ayan…hindi na siya nakapaghintay…kilala nyo na siguro kung sino ang sinundo niya…

dahil maaga naman natapos ang game…ten to four siguro at medyo five pa ang uwi nung isa galing sa klase (napag-alaman base sa nakalap na impormasyon)…at medyo wala naman siya kasabay pauwi sa kanila…at medyo wala rin namang kasabay si ninong…at medyo sinabi ng ating debutante na mag-isa lang siya kasi wala naman siyang makasabay…e naramdaman ni ninong na subukang gawin ang hindi pa nagagawa…

ayaw na mag-isip ni ninong…dahil kung mag-iisip sya, malamang hindi na naman niya magagawa yun…gaya ng mga nangyari dati…e medyo may nagsabi sa kanya noong unang panahon na dapat “ginagawa mo yung gusto mong gawin”,


E yun ang gusto nyang gawin…for a change, siguro dapat ginagawa naman nya…di ba?

at pumayag naman ang ating debutante na sumabay si ninong sa kanya pauwi (“hehe. kaw ang bahala”)…e dahil nga CCP pa galing si ninong at medyo sa EDSA ang pupuntahan niya at may isang oras pa naman bago ang dismissal nung babae…nilakad ni ninong mula vito cruz hanggang edsa…

hindi naman malayo un mga pare…at nalakad na ni ninong yun dati, kaya walang kaso yun… hassle nga lang dahil umulan ng pagkalakas-lakas…at medyo naging dark brown ang brown na pantalon ni ninong dahil sa lakas ng ulan…

habang naglalakad si ninong siyempre medyo kinakabahan siya…ganun naman lagi di ba, kapag baptism of fire… kapag hindi mo alam ang mangyayari medyo kakabahan ka rin…kahit pano…

dumating si ninong sa school 10 minutes before five…labasan na ng mga estudyante…

(teka, nahihirapan na ako ah, gamitin na lang natin yung nickname na Faith nung babae. Bahala na kayo kung kilala nyo sya wala na akong pakialam, walangjo, ayoko na nga mag-isip ngayon e…kulit)

tinext nya si Faith, ayun labasan na rin nila…habang naghihintay sa may gate siyempre gaya ng isang matinong boy scout, nag-scout muna si ninong ng terrain…dahil nga sabi ni Sun Tzu sa Art of War, Know the terrain…master the terrain…

pagkatpos magmasid ay naghintay na siya sa gate… medyo matagal na naghihintay si ninong sa labas ng gate, hindi pa rin nagrereply si faith…lalo tuloy siyang kinakabahan…napapaisip si ninong, “ano ba ang ginagawa ko dito, bakit ba ako nandito…ano ba ang nakain ko at nandito ako…nakakapanibago ata…” medyo nilalamig na din sya…

pagkalipas ng ilang commercial breaks, natanaw rin ni ninong mula sa labas ang hinihintay nya, pero kunyari hindi nya nakita, kunyari NONCHALANT…dub dab…dub dab…papalapit na po siya…dub dab…dub dub dub dub…feeling ko para akong hayskul ah…bakit ganun…?

pero kung sabagay hindi ko naman ginagawa yan noon kaya napaka-bigdeal sa akin nyan ngayon…pasensya na kung nakokornihan na kayo, mangyari lamang na itigil ang pagbabasa kung hindi nyo na kaya…(INGGIT lang kayo…WAHAHA!)

jeep lang ang sinakyan namin…dahil bihira daw ang fx dun…at mukhang uulan na naman ng malakas…e nakaputi pa naman siya (hindi ko yata nasabi sa inyo, pero nursing po ang kinukuha nya) so ayun sabay kami pauwi at hanggang dun na lang muna…

sana maulit pa...-_-



No comments: