Saka ko na lang itutuloy ung almost six kilometer walk ko pauwi ng bahay last week…pasensya na. wala naman akong internet, sumisingit lang ako dito sa opis, kaya minsan parang rush ung mga post…
rush pa ba un? e ang hahaba naman?
Shaddap.
&$^$%*@^&.!
Ngapala, dalawa ang final test ko ngaun…isang electronics2 saka circuits 2. katatapos lang nung electronics…di ako nag-aral. Nanghula lang ako…puro ba naman concept na di naman masyadong naituro…pano kaya un? Kahit ung O.T. (last term’s questionnaires), di rin napakinabangan…ano kaya un…? Di bale pasado na ako dun…un nga lang mababa ang tres.
pwede na ba ang pwede na?
*kamot-ulo* Syempre pwede na. nakikialam ka e.
May circuits 2 rin ako mamaya. Ulit. Di pa ako nag-aaral…sigurado mahirap na naman un, saka puro solving…bahala na.
bahala na naman?*tango*
*n_n* Ang labo nung exam kay Sir “Demigod”…paiba-iba ng sked…pinapahabol nya ata kami e… ok lng kung may internet ako sa bahay… e wala naman!! Walangjo. Gumagastos pa ako para lang makapag-internet pero wala namang nangyayari…nakakauto naman. Pero basta pumasa ako dun di na ako magrereklamo.
e papasa ba?
Mejo malabo e. *iling*
good luck.
Wala pa rin kaming prototype sa logic lab 2. Gumastos na ako ng P400, mukhang babagsak pa rin…walangjo. Pati si Sir “Weasley” nagpapahabol…ano ba naman un? Kung gusto nya may mabuo kami dapat tinanggap na lang nya ung mga nauna naming proposal…sabi ko na nga ba di na naman magagawa un e…baka maulit uli ung katulad ng logic 1 ko, almost sure pass nga ung prof pero wala naman akong prototype…bagsak din.
good luck. good luck. good luck. good luck. kelangan mo ng marami nun e...hehe
*???*
Ung mechanics, take 2 ko na un…mukhang babagsak pa rin ata…tsk tsk.. pero mabait naman daw si Sir “Mario”, nagpapasa…sana tamaan sya ng simoy ng pasko at nawa’y hipuin ang kanyang puso na magbaba ng passing…kasi kung hindi…mukhang doctorate ako ng mechanics1…wag naman po…
knock on wood, pare
*knock. knock*
Di ko alam, pero para sa akin, isa na sa mga pinakanakakatamad at angst-ridden (academically) ang term na ito…siguro may hang-over pa ako dun sa dalawang bagsak ko nung last term…kung walang TNB, baka namatay na ako sa pagkamonotonous ng term na ito…buti na lang walang namamatay sa pagkabagot…
dapat mo bang ikatuwa un?
Oo naman. Kasi buhay pa ako…saka pasko naman…kahit malamig, dapat masaya db?
*cheer!*
*cheer!*
Monday, December 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment