Thursday, December 08, 2005

Angst-Ridden Night part1

Dahil angst-ridden ako kagabi, marami akong nainom na coke kasama si Ean…ang nilantakan naming liempo ay hindi sapat upang mauhaw kami kaya ang coke litro ay sobra pa para sa amin…pero dahil sayang, at pagkain din namang maituturing yun e naging responsibilidad ko na ubusin yun… ginawa ko yun habang kinukwento kay Ean ang ilang bahagi ng aking buhay na sadyang mapagbiro…

Dahil maaga kami umuwi noon (mga 7:30 pa lang) madaming taong nakapila sa may sakayang ng fx papuntang Sucat...madalang kc ang mga fx pag mga ganung oras…kaya un, mga 8:00 na rin ako nakasakay.

Epal ung isang pasahero, inagaw sa akin yung favorite place ko…pero ayos lang, dahil Adventure naman ung sasakyan… Malamig…at dahil masikip e madali rin akong nakatulog.

Nung nasa may bandang Tambo na ang sinasakyan ko, bigla akong nagising mula sa isang panaginip na di ko na maalala…naiihi na ako…naramdaman kong napupuno na ang pantog ko…dapat pala, di ako nagpakasasa sa Coke, malayo pa kasi ang bahay namin mula sa Tambo…

Ang LAMIG… di ba kapag naiihi ka, lalo kang giniginaw? At kapag giniginaw ka, lalo kang naiihi….sa bawat lubak ng daan lalong sumasakit ang pantog ko…di ko na kakayaning tiisin hanggang makarating ng bahay…lampas pang 6 kms un.

Kelangang bumaba na ako.

Naisipan kong sa SM Sucat na lang bumaba…kasi matagal na rin naman akong di nakakapunta dun…atsaka may bagong tayo na Annex Building doon… (palibhasa kasi sobrang liit un dati). Di ko pa yun napupuntahan…atsaka mas malapit ang SM Sucat kaysa sa bahay…

Ihing-ihi na ako…pero ang buhay talaga sadyang mapagbiro, aba, natrapik pa ako…mababaliw na ako sa pagkaihi ah…NAMAN!!! Naisip ko baka mamaya, sa sasakyan pa ako magkalat…kahiyahiya yun…kung marunong lang akong magteleport…

Sana pala nagpampers ako…hehe..

Pero sa wakas, nakarating din ung sinasakyan ko sa SM Sucat…after five years ata un sa sobrang tagal…iihi na sana ako sa parking lot e..kung wala sanang gwardiya…para kasing alam nya ung gagawin ko e…hehe.

Habang medyo tumatakbo papasok ng SM, naalala ko…WALANG CR ANG SM SUCAT SA GROUND FLOOR!

Kaya dumerecho ako sa “underground” parking lot. Parang di ko na kasi kaya kapag nag-escalator pa ako. May CR dun sa parking lot. Dali-dali kong tinungo ang CR at nagbawas ng mga excess fluid sa katawan… HOOH! Manginig-nginig pa ako pagkatapos…para akong natanggalan ng mabigat na dalahin…


dahil sa karanasang ito, napatunayan ko na talaga palang masarap sagutin ang tawag ng kalikasan. Hehe.

No comments: