Friday, December 16, 2005

the calm before the storm

hmm...academics recap muna...
electronics2 lec... taken
circuits2 lec... taken
mechanics...nakabitin...delikado ako na magdoctorate pag binagsak ko pa rin
logic2 lab...delikado...palpak ang prototype...nakabitin pa rin
logic2 lec (insert Rivermaya's Himala chorus theme here)... kelangan ko ng marami nun...
out of 15 units ko, 7 units ang delikado...
hay...gud luck sau ninong...
__________________________
pero sumhow di ako malungkot... baket kaya? wala na ba akong pakealam sa academics ko...? nakakaalarma na ang pagwawalang bahala ko, ah... oh well. cguro may mga bagay na mas binibigyan ko ng importansya ngaun... ngek...mali ata un ah...
__________________________
masaya ako ngaun kahit palpak ang prototype namin (at badtrip tlga si sir Weasley) kasi nakapagdrowing ako ng dalawang beses(kinopya ko yung mga laminated wallpapers ng anime ni robinson na matagal ko nang pinangarap maidrowing)...at natuwa ako sa resulta... matagal na rin kasi akong di nakakapagdrowing ng matino e...ky kahit late si sir Weasley ng 4 na oras para sa defense...ayos lang, nagamit ko naman ung free time...
__________________________
atsaka!!! naiprint ko na ang picture ni little goth...yehey...kaytagal ko ring hinangad na makita xa hindi lang sa monitor ng kung saan pc o ky sa class picture na mas malaki pa ang kalingkingan ko kaysa sa mukha nya...sa wakas... salamat sa tnb. at least ngaun pwede ko na itry na idrowing sya ng portrait... ung binigay ko kc sa kanya di nya masyadong kamukha...para picture lang, grabe tuwang tuwa na ako...walangjo. pero grabe talaga ang nagagawa sa akin ng babae na ito kahit di nya alam...kahit wala na syang pakialam... basta tungkol sa kanya... iba e...iba ang dating... haay, kahit sayang lang itong nararamdaman ko, ayaw ko naman tigilan... naghihintay pa rin akong nag-iisa. (insert Cueshe's Ulan theme here)..sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan...
__________________________
teka, dapat masaya nga ako di ba? tsk tsk...
__________________________
deliberation na bukas para sa mga probationary staff ng The New Builder (kung hindi mo pa alam ung TNB, skul paper un ng Mapua). pakakainin muna kami sa christmas party xempre...parang presong bibitayin o kaya baboy na lilitsunin, magpapakabusog kami sa mga lalantakan naming liempo, manok, ice cream...at sandamakmak na extra rice para hindi na mauubos ang kanin (long story there)... tapos pag-uusapan na ng mga staff kung sino ung lima (or more, i hope) na kukunin nila out of nine na probis...kakausapin raw kami...interrogation o interview, ewan ko. tapos close door meeting pagbobotohan nila tapos icocompute ung grades...
may porsyento rin ang text votes... suportahan nyo na ang paborito nyong probi...to vote for me, type TNB ninong and send to 514 for all GlobeSmart or Sun...
di po, joke lang un...walang text votes... ni wala ngang audience impact e. =)
pagkatapos sasabihin na nila kung sino ang pasok sa staff... o that will be a moment...kelangn mag-CR na ako sa umaga pa lang dhil baka ma-LBM ako sa tensyon...
i would like to think na pasok nga ako... syempre ako ung eternally hopeful na tao e.. pero nanjan ung irony factor...ang kalaban ng lahat ng pag-asa at lahat ng pagsisikap. ang sangkap na nagpapasarap sa timpla ng buhay...iba-iba ang lasa, pero walangjo, pag nahalo sa buhay mo tiyak gulo... nangyayari ang di mo inaasahan at lalagyan ng kung anoanong komplikasyon ang mga sitwasyon dati nang magulo...

kaya nga para safe...expect the worse.
___________________________

No comments: