~Anonymous
Kamusta na kayo?
Tila kay tagal ko ring nanahimik sa blog na ito. Nag-iinarte pa ako nung huling post ko ah. Haha.
Minsan raw dumadating sa isang tao ang panahon na ayaw nyang gawin ang ilang bagay na palagi nyang ginagawa kahit gaano nya kagusto dahil sa ayaw nya lang gawin. Baka kapag napigil nya ang sariling gawin yun e kahit paano nasa kanya pa rin ang desisyong piliin kung anuman ang gusto nya gawin at di lang dahil pakiramdam nya ay kailangan nyang gawin yun..
Sa mga gustong malaman ang mga nakaraang pangyayari sa aking buhay, hindi ko kayo bibiguin. Bibigyan ko kayo ng ubod ng habang comeback post para naman hindi na kayo magtampo.
So, ano na nga ba ang nangyari?
Monday, September 24
Unang araw ng napaka- ubod ng habang 1-week sembreak mula sa MapĂșa.
Sa sobrang bilis, parang mas mahaba pa ang pagtype ko ng post na ito kaysa sa panahong ititimbre ko sa bahay sa buong linggo na iyon. Bukod sa enrollment week din ang linggong iyon, kailangan ko pang maghanap ng kumpanya na papasukan para sa aking OJT, ang huling balakid sa mumunting papel na tinatawag nilang diploma.
Kabado ako. Mag-isa kong tutunguhin ang lungsod ng
Bago gumala, tumingin ako sa internet ng mapa ng
Gusto ko
Bukod sa Level-Up, minarkahan ko rin ang Petron. Maganda raw dun mag-ojt sabi nung isa kong kakilala. Tapos minarkahan ko rin ang Accenture.
Gumising ako ng maaga. Mga alas-otso. Almusal. Ligo. Bihis. Nagpolo ako. Sabi rin kasi sa akin na mas maganda kung naka-semi formal ka habang naghahanap ng OJT para mukhang presentable. Baka interviewhin din agad kasi. Blah blah blah.
Maraming daan papuntang
Ooooh.
Nung nagbayad ako sa “dispatcher”, sabi ko sa Landmark ako bababa. Yun lang alam kong lugar e. Hahaha. Halatang taong-bahay. Binigyan ako ng “stub”, isang piraso ng kulay pink na papel (2x2) na nababalutan ng Scotch tape at may stamp ng kung ano mang asosasyon nila. Baka Samahan ng Mga May-ari at Drayber ng Colorum na Van at Shuttle Papuntang Makati Assoc. of the Philippines.
Tapos.Sumakay ako at sinilip ang aking munting map sketch. "Ok, eto na tayo," sabi ko sa sarili.
Binagtas ng L300 van ang kahabaan ng SLEX at SKYWAY hanggang marating ang
Dumating kami sa Landmark. Pano ko nalaman? Sabi nung drayber e. Haha. Landmark na raw yun. Napansin kong hindi bumaba lahat ng pasahero. Kaya naman hindi rin ako agad bumaba. Naisip kong aantayin ko na lang bumaba yung mga pinakahuli.
Dumaan ang van sa Paseo de Roxas hanggang kumaliwa ito sa may
Nung bumaba sya dun sa tinatawag nilang Bus Stop 2, bumaba na rin ako…
(itutuloy)
6 comments:
Wahahaha! Walastik ninong! Ganyan talaga ang "unang salta". Ako nga eh sobrang nalilito sa mga loading at unloading stations. Akalain mong pinababa ako sa fx dahil unloading pala yun eh samantalang trapik naman! Haha! Strikto.
Isang bloke lang naman ang business district ng Makati. Di ka na din maliligaw kasi parang U-belt, magkakatabi ang mga kumpanya.
Gudlak ninong!
goodluck sa training mo. binibigyan na nga pala kita ng pahintulot na mambabae.
Sir I just wanna invite you here
http://techathand.net/2007/10/i-want-to-know-more-bloggers/
By the way what batch ka sa MIT
Ako 93 - ME
Welcome back!
Ninong, kelan ka matatapos ng OJT mo?
Ha ha. Napaka-exciting pala ng trip mo papuntang Makati sir. Text mo ko next time nasa Makati ka, isang sakay lang Pacific Star galing sa bahay ko. May Starbucks katabi nun, nagppart-time barista yung isang Co-Ed ko dun. Sabi ko dadaan ako minsan. Sabay ka na rin! Ha ha ha.
Post a Comment