~Robert Benchley
Nothing is so fatiguing as the eternal hanging on of an uncompleted task.
~William James
I want to be -- complete.
~Centrum commercial
Pinagkakaabalahan ni ninong...
front page
back page
Pagod na si ninong.
Alam ko lagi nya na lang sinasabi yan. Lagi na lang pagod. Puro reklamo. Haha. E totoo naman e. Andami dami dami dami dami dami dami naman kasi ng kailangan gawin. Saka pa siya sinusumpong ng katamaran. Ano ba ang gamot sa katamaran? Saan ba nakakabili nun?
Wala bang free taste?
Kailangan ko nang i-complete ang mga incomplete ko... kung gusto ko grumaduate agad. Parang ayaw ko. Ayaw ko iwanan ang kolehiyo. Magpakaestudyante na lang kaya ako habangbuhay?
Sayang, hindi ako mayaman para maraming magawang wala.
Hanggang ngayon ba e naliligaw pa rin ako?
Inaantok na ako. Gusto kong patigilin ang oras. Gusto kong magbakasyon ng isang linggo. Na walang alalahanin. Walang iniisip na deadline. Walang kinakatakutang completion. Walang naghihintay na project pagbalik.
Time travel.
Para kasi akong naglalaro ng brickgame e. bagsak ng bagsak ang bricks galing sa taas. bagsak ng bagsak ang mga kailangan ko gawin. Syempre aayusin ko yung bricks, gagawan ng paraan para mawala sila.
Left, left, right, rotate, down.
Ayun. Score.
Pero kahit andami ko nang score, tuloy-tuloy pa rin ang paglaglag ng mga bricks. At bumibilis ang pagbagsak nila. San ko ito ilalagay? Rotate, rotate...aack barado. aaaah... left, right, right... ngee... bara na naman... Amp. Waah... walang paglalagyan!
Ayan na... tumataas na ang tambak ng mga kailangan ko gawin. Di pa ako nakakaiscore... puro bara na. Puro nakatenggang gawain. Di matapos-tapos. Di mawala-wala. Nalaglag pa rin ang mga bricks.
Ala na ba katapusan?
Malapit na ata ma-game over...
Asan ang PAUSE?
13 comments:
Sir Ninong, ok lang yan. Hayaan mo, makakapagbakasyon naman tayo pagdating ng June 9 hanggang 11. Dun ka nalang magpahinga. hehe.
Syangapala, sama ka ba sa outing?
sana nga may pause
pero mas gusto ko yatang hanapin kung nasaan ang restart
naku ninong mishu! hehe tagal aku d nka comment paxenxa na ninong ang computer namin hanggang ngaun may topak parin
eh ninong lasap lasapin mu ang buhay college!! buti ka nga eh patapos na aku d pa nagccmula at d pa alam kng kelan magccmula hehehe kaya mu yan ninong!!
ok lang yan.. basta go ka lang ng go kahit nakakatamad. ako din sobrang tamad din eh
Ninong, comeng ka pala, kaya naman pala eh balita ko madugo yan. Pero yakang-yaka mo yan ninong. Moral support.
Kaya mo yan ninong!
ninong! musta na super busy break ka muna have a kitkat heheh...
goodluck! kaya mo lahat yan di pa game over may 8 lives ka pa eh.
Kaya mo yan Ninong! Konting kayod pa...
Pag di na kaya ng Centrum, try mo Pharmaton...
Pwede din Korgivit-E... (*wink*)
iba ata yun, try mo na din!
All the best!
Com. Eng... ako magte-take niyan, dudugo ilong ko... whew...
Good luck! Woohooo...
Happy Saturday
Why pause, sir Feddie?
Try OFF instead, ha ha ha.
naku... busy pala... sana nga din may pause.. pero wala eh? make the most of it na lang.. and keep up.
ninong, i like your style of writing. :D the quotes and everything!:D
pa-link po wah! :D
haay... I know the feeling nang parang pagod na talaga... haay ulit...
Post a Comment