Monday, May 21, 2007

Estudyante Blues Part 1: Kindergarten

“All grown-ups were children first, but few remember it.”
~Antoine de Saint- Exupery, The Little Price


SALAMAT.

Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin nung aking kaarawan, kahit nauna ka o sakto o masyado nang huli, salamat. Hmmm… dahil sa dami ng bumati sa akin, naisipan kong iextend pa ang deadline para sa pagpapadala nyo ng regalo. Hehe.

Siguro, tatanggapin ko pa ang mga regalo nyo hanggang June 1, 2007. O ayan ha, binibigyan ko kayo ng pagkakataon upang makahabol pa. Huwag nyo nang sayangin. >_<

Salamat. Lumampas na sa 20 ang comments ko. Haha. I’m fulfilled.

Paabutin naman natin ng 30 ang comments ko!
________________

Hmmm… wala namang nangyayari sa buhay eskwela ko ngayon kundi two words. Impending doom. Wala lang, nakakatamad gawin ang mga dapat gawin. Bumibilis ang mga araw, parang kaka-lunes lang kanina ah tapos linggo na ulit. Tapos lunes na naman.

Pakiramdam ko kakabirthday ko lang kanina e…

May gusto ako sabihin dito pero wag na lang muna… baka lalong mawala. <_>
___________________

Habang naghahalungkat ng mga lumang gamit nung isang araw, natagpuan ko ang aking mga class pictures mula pa nung unang panahon. Binalak itong itago ni nanay pero nakuha ko agad kaya naman ako na ang nagtago. Hehe.

Habang tinitingnan ang mga larawan, pati na rin kung gaano ako ka-ubod ng cute nung bata pa e may mga naalala akong mga bagay. Kaya naman naisipan kong gawan na lang post ang buhay-eskwela ko… hehe. Hmmm….

Bakit hindi natin simulan sa kindergarten?

Alam nyo ba ang ibig sabihin ng kindergarten? Kung alam mo na, kunyari hindi pa… kasi sasabihin ko sayo, ok? Magpanggap ka na lang muna na mangmang para lahat tayo ay masaya.

Ang “kindergarten” daw ay nagmula sa salitang Aleman na ang ibig sabihin ay “children’s garden”. Ito ay antas na pinapasukan ng mga batang edad 4 hanggang 6 na taong gulang (minsan mas bata pa) bago makatugtong na elementary. Minsan tinatawag itong nursery at minsan naman ay daycare, depende sa trip ng may-ari.

Naintindihan nyo ba mga bata?

Sinimulan ko ang aking unang pagtungtong sa paaralan sa St. Francis Academy dito sa Paranaque. Isang sakay lang yun sa jeep mula sa bahay. Tatawid ka, sakay ng jeep, tawid ka ulit ayun na.

Hindi naman sikat yung school, wala nga ako makitang logo e… Sayang. Cute pa naman ng logo nila. Parang crest na nahahati sa tatlo. Tapos sa right side may parang dragon. Yung left side naman nahahati sa dalawa, sa taas isang armor helmet, yung sa baba naman diagonal stripes.

Saka na yung pic...

Hindi ko na maalala kung bakit dun ako pinag-aral. Wala na rin akong maalala sa first day ko sa skul. Sayang. Naaalala ko lang yung minsan pag hinahatid ako ng nanay o kaya ng tatay ko e hinihintay ko pa sila umalis bago ako pumasok ng klasrum. Wala lang, gusto ko sila makita umalis. Kahit pinapapasok nila ako, hindi ako papasok hanggang hindi sila umaalis. Nagtatago pa nga tatay ko minsan sa poste e… Haha. Pero hinihintay ko sya lumabas. Haha.

Hmmm… first time ko sa piling ng maraming bata, dahil ang bahay namin, walang kapitbahay na ka-age-bracket ko. Kaya medyo kinailangan din mag-adjust... Haha... Blah blah blah.

Naalala kong sinasabihan ako ng nanay kong wag patulan ang mga nanunuksong bata. Kapag pinatulan mo raw ibig sabihin totoo. Bakit ganun no? E kaya mo nga aawayin e kasi nga hindi totoo. Asar ako sa mga nanunukso. Yung mga taong bata pa lang e binigyan na ng masamang budhi. Tsk tsk.

Naalala kong nanonood muna ako ng sesame street bago pumasok (insert Sesame Street theme here). Panghapon kasi ako kaya naabutan ko. Bata pa lang hindi ko na talaga talent ang paggising ng maaga. Hehe. Natutuwa ako sa Sesame Street, kahit hindi ko naiintindihan kasi English. Tinitingnan ko lang yung mga gumagalaw galaw na picture. Saka yung mga puppet si Kermit the frog, Big Bird, Cookie Monster, Pong Pagong, Kiko Matsing (teka mali na ata) blah blah blah and blah.

Antagal na nung panahon na yun, badtrip, di ko na talaga maalala. Basta alam ko kahit wala akong sundo hindi ako umiiyak kasi andaming bata. At masaya akong nakikipaglaro kapag uwian. Pag umuuwi ako pinapakita ko ang kamay kong may stamp ni kerokeroppi… ibig sabihin nun 100 ako sa isang seatwork. Lagi ako merong ganun.

Dahil ayoko na kayo bitinin pa e… eto na ang class picture ko… tingin ko eto lang inabangan nung iba… haha. Hmmm… hanapin nyo ako dito. May premyo. Syempre makikita nyo ako. Hehe. Ako ngapala yung pinakacute na lalaki dyan. Bawal kumontra. Hehe. Ang mga naiinggit ay magpost din ng kindergarten class pic sa blog nila.



Nasan si ninong?

Clue: Cute din yung babaeng nasa tapat ko. Di ko na nga lang maalala kung ano pangalan nun.

Isulat ang inyong hula sagot kasama ang pangalan, address, telephone number at suking tindahan, pangarap sa buhay at isang nakakatawang joke kalakip ang kahit anumang proof of purchase mula sa ating mga sponsors tulad ng Yellow Cab, Max's, Aristocrat, Rustan's and many more.

Ihulog lamang ang mga entries sa pinakamalapit na trash bin na nakalagay sa mga piling lokasyon sa buong metro manila. Mas maraming entry, mas malaki ang tsansang maloko manalo. Sali na! See posters and print ads for nothing.
______________________

Hindi ko talaga gusto ang uniform namin. Siguro yung sa mga babae ayos lang, pero yung sa mga lalaki masagwa, mukha kaming mga waiter. Naka-bow tie na, naka-suspender pa. Overkill sa pagkabaduy. Sino kayang topak ang nagpauso nun... Hmmm.

May anomalya nga sa skul namin. Madalas kasing absent ang teacher ko. Alam nyo bang yung nasa class picture namin ay hindi talaga namin teacher. Sa kabilang section yan e. Nagulat nga kami kung bakit sya kasama namin. Haha. Usap-usapan ng mga magulang na janitor daw ng skul minsan ang nagtuturo ng lesson sa amin. Hanep sa tsismis no? Hehe. Kaya naman isang taon lang ako dun.

Nakita nyo na ba ako sa class pic? Maging tapat. Para sa mga sirit na...


hehe

hehe... ay mali pala...hahaha... hmmm.... eto na talaga.


nakita mo na?

Para sa maswerteng mabubunot na tama ang sagot, paki-claim ang iyong libreng papremyo sa pinakamalapit na suking tindahan. hehe.

19 comments:

sherma said...

ako, naaalala ko pa yung first day ko sa school nung nag-kinder ako... nagpatahan kasi ako ng classmate nung time na yun kasi iniwan sya ng nanay nya...

Saka yung mga puppet si Kermit the frog, Big Bird, Cookie Monster, Pong Pagong, Kiko Matsing (teka mali na ata)

alam mo bang hindi ako nanonood ng sesame street dati? kasi feeling ko, ginaya ni count dracula si kapitan bilang! e favorite ko si kapitan bilang ng batibot! hahaha!

ninong said...

hehe... si kapitan basa ang paborito ko... hehe.

cha said...

ano naman kaya ang gustong sabihin ni ninong pero wag na lang daw muna?

naalala ko nung kinder ako, pinatawag ng adviser ko si mama kasi may napaiyak akong 2 na classmate ko,,

bihira lang ako makapanood ng batibot at sesame street kasi pang-umaga ako,,

ninong said...

@ cha... nakita mo ang hindi nakikita ng iba...haha.. mahusay. >_< saka na...

ang tindi mo palang klasmeyt... tsk tsk... buti na lang di kita klasmeyt...

Virginia said...

nasan kaa??

cha said...

hahah,, di naman ako ganun kasama,,

gawain ko rin kasi yan kaya nakita ko,,

A said...

Ninong! Naghulog na ko sa trash bin ng mga entries ko. Kelan mo ba iaannounce yung panalo?? ^_^

timawa said...

ninong, sayang mali ang hula ko..sayang talaga..tsk.tsk.tsk. akala ko kase ikaw yung panglima(from left) dun sa pinakataas na row. Pero parang wala atang pinagiba yung ninong sa kindergarten at ninong present. hehe :)

ninong said...

@ a ibubulong ko na lang sayo sir... hehe

@ timawa... malayo po ang hula nyo... as in... haha... :D

sa mga picture ko, yung ngiti daw ang hindi nagbabago... haha.

utakGAGO said...

hoy tsong belated. SORRY :( di kita nabati. awww di na ko nakakadaan dito eh.

ahihih

the little prince was such a good book. kahit na ilang oras ko lang siyang binasa, it's worth my time! really.. it's more than a children's book.

anyway, ang natatandaan ko nung kinder ako - nakakaperfect ako ng test *henyo eh*. tsaka sinukahan ko yung teacher ko!!!

tanginang gago, hahaha! im so bad back then.

nakita ko na naman mukha mo sa prenster eh. ahihihiih

yunisee said...

ninong, ang cute mo sa picture! XD;;;

alam ko yung st. francis academy. nag-aral dati roon ang tita ko. green sand restaurant na ngayon ang lugar na yun di ba? :P

eloiski said...

hindi ko nahulaan! natatawa ako sa uniform nyo! naalala ko 2loy nung kinder, may napaiyak ako! At may napatahahan na rin! Nyahahah! Yung mga klasmyt ko na lalaki, nakapink sila na damit! nyahaha! kami nmn blue!

Musicero said...

Pano napunta si Shinichi dun? :)

Medyo ok naman yung logo via description pero tulad mo, thumbs-down ako dun sa waiter uniforms. :/

MISYEL said...

cute naman ng class picture nyo noon, ako ata di ko na mahalungkat kung nasaan na...

tina said...

hanep talaga storytelling mo! haha. :P

aba'y akalain mo laging 100 sa quiz upang may kerokeroppi stamp? ahihihi. :P ang dami ko ding childhood memories... hayyy..

tina said...

tsaka ung uniform nyoo.. ok lang ung sa girls pero sa boys? hehe.. pero cute naman sa boys kasi bata pa kayo nun eh. ahihihi

:D said...

hnd n q bblk micro. nttkot aq.. bka torturin nyo n q.:)

anywy.....

buti ka pa kuya ninong.. asau pa class pic nung kindrgten ka.. ako, wla n ian.:) haha.:)

Lyza said...

Si ninong yung teacher sa pic! bleh. haha joke

kel said...

natutuwa din ako sa sesame street non, lalo na dun sa creature na mukhang elepante na maraming hair sa katawan, ewan ko kung anong pangalan nun. nga pala, belated happy birthday sayo ninong!:)