Sunday, May 13, 2007

Debutante

Inside every older person is a younger person wondering what happened.
~Jennifer Yane


today...
i am free
free to fly
free to be what they tell me I cannot be
happy birthday to me
~Bamboo, These Days



Maligaya... maligaya... maligayang... bati.

Kayong lahat ay imbitado sa selebrasyon ng aking kaarawan na gaganapin sa buong Pilipinas ngayong araw na ito.

Dahil malakas kayo sa akin, SKY IS THE LIMIT. Order lang ng order kahit saan. Sa mga hotels, sa restaurants, sa pinakamalapit na mga cantunan at karinderya, lahat ng pwedeng kainan. Espesyal ang araw na ito. Kumain lang kayo ng kumain, tutal kayo rin ang magbabayad e. Hehe.

Dun sa mga meron ng autograph ko, maari na ninyong makuha ang inyong special discounts sa pinakamalapit na suking tindahan, kasama na rin ang sobre kung saan nyo pwedeng ilagay ang inyong monetary gifts. I prefer cold cash, by the way. n_n

Maaari na ring maka-avail ng special discounts sa mga malls (SM, Glorietta, Robinson’s Rustan’s) at fastfood chains ang mga taong may authentic picture ko, depende sa quality ng picture at kung gaano ako kagwapo dun. Hahaha.

Maaari ring makatanggap ng special gifts ang mga taong magcocomment sa post na ito. Wahaha…Mas maraming comment, mas malaki ang tsansang manalo. Ano pang hinihintay mo? Comment na! Hahaha.

Wag maliitin ang dami at yaman ng aking mga sponsors.

Dahil nga malakas ako sa Malacañang, e sinabi ko kay GMA na gawin naman nyang special holiday ang May 14, tutal naman minsan lang sa tanang buhay ko ako magiging beinte-uno. Once in a lifetime, ika nga.

Hmmm… pumayag naman sya agad. Baka raw kasi magtampo ako, mahirap na. Yun na lang raw muna regalo nya, saka na raw yung private jet pagkatapos ng eleksyon. Hehe. Kaya kung gusto nyo rin ipa-holiday ang mga birthday nyo e sabihan nyo lang ako, hahanapan natin yan ng paraan. >_<

Ngapala, gusto ko rin sabihing tumatanggap pa rin ako ng regalo hanggang 11:59pm ng May 21, 2007. Kaya kung gusto nyo talagang matanggap ko ang regalo nyo e ipadala nyo na yan AS SOON AS POSSIBLE. Mahirap nang sumabay sa dagsa ng mga regalo ko sa last day, kayo rin.
________________________

Haha. Tama na. Pagpasensyahan na ang debutante.

Bakit nga ba iba ang edad ng “debut” ng mga lalaki kumpara sa babae, ibig sabihin ba nun mas mabilis magmature ang mga babae? Sino naman ang nakaisip nun, at bakit pumayag ang mga lalaki? Kung ako ang masusunod dapat mga 11 years old pa lang, debut na ang mga lalaki. Hahaha.
________________________

Hmmm... dahil beinte-uno na ako, ok lang naman sigurong humiling ng 21 gifts, di ba? Parehas lang ng 18 gifts sa babae. In no particulat order ang mga ito. Hehe.

Una sa listahan ng aking gusto matanggap ay ang SONY PSP.

Align Center

Gusto ko yung kulay puti. Sana may case na rin para di na ako bibili. Haha. Hmmm, naiinggit na ako e… Brick game pa rin lang ang maipagmamalaki kong portable gaming device e. Haha. E sobrang layo lang talaga ng presyo nito sa net savings ko. Di ko kayang bumili mag-isa. Kailangan ko ang tulong nyo. Tulungan nyo akong tuparin ang pangarap ko. (P13000+)
________________

Pangalawa, gusto kong makatanggap ng Wheel of Time: Crossroads of Twilight.

Book 10 na ito, nabitin kasi ako sa book 9 e, tapos ang hirap magbasa ng ebook. Kung tutuusin, kaya itong abutin ng budget ko. Kaya lang, sa ngayon hindi sya priority. E kung maibibigay nyo naman sa akin, e di hindi ko na kailangan problemahin. Sa National bookstore nagkakahalaga ng P335 ang libro na ito. Kung kaya ko itong bilhin, kaya nyo rin. Hehe.

_______________

Gifts 3-10: Tutal 21 gifts ang kailangan kong punuin e lulubusin ko na ang paghiling ng abot kayang mga libro. Hehe. Gusto ko rin ng:

Wheel of Time: The Eye of the World (P335)
Wheel of Time: The Great Hunt (P335)
Wheel of Time: Knife of Dreams (P335)
Wheel of Time: New Spring (P300+)
Harry Potter and the Half-Blood Prince (paperback: P435)
Eoin Colfer: The Supernaturalist (P???)
Artemis Fowl: The Eternity Code (P???)
Ung libro ng ERAGON, gusto ko kasi matingnan kung maganda (P???)

________________________

Ikalabing-isa: isang 2GB na flash disk.

Lugi na kasi ako dun sa 128MB na flashdisk na binili ko 2 years ago sa halagang P650+. Wala nang 128MB ngayon, nahihirapan akong magtransfer ng malalaking files kasi kulang na kulang ang 128MB. At least kung 2GB, di ko na kailangang magburn pa ng cd para lang kumopya ng mga 256MB+ files. Mura na lang ito ngayon, ang isang Kingston 2GB ay nagkakahalaga lang ng P980.

Update: Meron na ako nito kanina lang, eto na ang niregalo ni nanay at tatay. Hehe. Ayos!

___________________

Ikalabing-dalawa: nais kong magkaroon ng cellphone na may camera. Stick figures lang ang kaya kunan ng 3315 ko, kelangan ko pang icreate. Haha. Gusto ko sana maranasan magkaroon ng camera. Kaya ko rin naman bumili nito kung gugustuhin ko talaga, hindi lang talaga sya priority. E kung ireregalo nyo na lang, mababawasan ang aking suliranin. Haha. Di naman ako mapili sa regalo. Ok na sa akin yung pinakamurang celphone na may camera basta NOKIA, maraming arte yung ibang phone e.

______________________

Ikalabing-tatlo: Gusto ko magkaroon ng PS2.

Alam kong may PS3 na pero ok na sa akin ang PS2. Kahit second hand lang. Mahal naman kasi ng PS3. Riddikulus. Di ko na rin naman masyadong magagamit, pero kung mapilit ka at PS3 talaga ang gusto mo ibigay sa akin, sino ba naman ako para pigilan ka, di ba? (P8000+(?))

_______________________

Ikalabing-apat: Digi-cam.

Di ako mahilig sa picture, pero pag may okasyon, syempre kailangan ng mga litrato. Matagal nang sira yung automatic camera naming ginagamitan pa ng film. Wala kasi akong alam sa digital photography kaya basta camera na tamang tama lang ang specs. Di naman kailangan magarbo o sobrang hi-tech. Kahit yung mga P6000 lang or less, ok na yun. Mas maganda kung pwede rin kumuha ng video at malaki ang capacity ng memory card. Hehe. Abusado na ata ako. Haha.

_______________________

Ikalabing-lima: video card.

Ang alam ko, walang video card itong PC kong maganda, kaya laging nagha-hang kapag masyadong maganda ang graphics ng laro. Hmm… hindi ko rin alam kung ano ang maganda, pero bigyan nyo na lang ako nung mga nasa P4000 ata yung presyo, sa pagkakaalam ko e maganda na yun.

________________________

Ikalabing-anim: RAM. Hanggang ngayon, nasa 256 MB pa rin ang RAM namin. Hmm… masasabi kong mabagal po sya, kaya naman matagal ko nang plano bumili ng karagdagang RAM. Wala nga lang budget talaga. Ang sabi sa manual ng motherboard ko, (ngapala, iyon ay ECS 741GX-M na may AMD Sempron processor), mga 184-pin 2.5V unbuffered Double Data Rate (DDR) SDRAM memory modules ang pwede ilagay. Gusto ko sana yung 1GB na SDRAM, mga P4000+ ata yun, more or less. Kahit ipadala mo na lang yung cash, ako na ang bibili. Hehe.

_______________________

Ikalabing-pito: Isang portable DVD player. Yung pangsasakyan, nextbase ata ang brand nun, yung may kasama nang screen…kaya lang sobrang mahal nun, mga P25000 ata. Kaya sige, kahit yung ordinaryong DVD player na lang. Hehe. Ilalagay ko sa opisina namin, sayang kasi yung TV, minsan walang mapanood. E ang laki pa naman ng vacant ko. At least kung may DVD player dun, mapapanood ko yung mga nakaimbak na DVD sa bahay. Sabi nina venz, sa raon daw, mga P2000 lang, meron ka nang matino-tinong DVD player.

_______________________

Ikalabing-walo: Isang laptop.

Sobrang kailangan ko nito, kasi Computer Engineering ako. Haha. Wala lang, maganda ang may laptop kang dala-dala sa school. Gusto ko sana yung mataas ang specs, yun bang kahit Red Alert 2 man lang, malalaro nya nang hindi naghahang. Sana malalaki ang capacity at maganda kung may camera na ring kasama. Hehe. Kahit na yung mga P60000 lang ok na. Hehe. Di naman ako demanding. >_<


Sa ngayon, wala na akong maisip pang ibang regalo. So hanggang 18 pa lang muna. Hmmm, siguro ibabalato ko na lang sa inyo yung natitira pang tatlo, kayo na ang bahalang pumili ng ibibigay, pero maganda kong tatanungin nyo muna ako kasi baka meron na ako nun e. Wahaha. Sabihin nyo lang sa akin kapag ready na ang regalo nyo, at ako nang bahala magbigay ng mga detalye kung paano nyo ito maipapadala sa akin. Ahahaha.

__________________________

Pero sa totoo lang, batiin nyo lang ako e ubod na ng saya ko. Dumalaw lang kayo dito lagi at magcomment at magtag, aba, hindi na ako pagsidlan ng kagalakan.

Kung hindi kayo dumadalaw dito di ko alam kung mapagtyatyagaan kong gumawa ng post na ganito kahaba. Hahaha. Aaaack. Nagiging dramatic na ang post na ito. Hmmm… dapat masaya.

Sana matupad ang mga wish ko. Sana hindi pa rin ako late.Italic

27 comments:

Karlo Licudine said...

Sir ninong, HAPPY BIRTHDAY! Wahahahah! Congrats sa pagiging debutante mo!

Yung mga regalo ko ipapadala ko nalang lahat by email. ok? hehehe.

Nagmamahal Karlo Licudine.

Culture Shiok! said...

Muacks! (hehehe...)

Maligayang pagbati sa iyong kaarawan Kabayang Ninong!

Sana tanggalin mo na yung shades mo!

Marya said...

NINONGGGGG!!!!!
HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!!!!!!!!!!
kaya pala pampam ka sa tagboard ko ha..hehe..

anyway, hintayin mo na lang ang regalo ko sa may21 ha? syempre kailangan last day, busy ako eh. hehe.. Actually, gusto ko din ang wheel of time. Pero dahil birthday mo.... Babasahin ko na lang para sayo! hehe...

Apir! :)

Musicero said...

Waaaaaaaahhhhhhhhhh! Birthday ni ninong!!!!!

Sana magkaroon din ako ng bagong SUPER computer tulad ng nasa wishlist mo. :D

karmi said...

happy na birthday pa!! :D hehehe.. May 14 pa rin dito kaya abot pa ung bati ko..

Happy Birthday Ninong!!!!

ninong said...

salamat sa mga bumati... oi sir namre, aantayin ko yang email mo ha... hehe...

@ bean... hehe... sige... minsan. haha.

@ marya.. apir. hayaan mo pag nabili ko yan e ibabasa na rin kita... hehe..

@ carlo... magkakaroon din ako nyan...

@karmi... abot pa... hehe. salamat

cha said...

happy birthday ninong!

pasensya na at ngayon ko lang nabasa,,

ingatz,,
god bless,,

Lalon said...

haha meron na palang kumiss sayo... hug na lang ninong.. happy birthday!

Benjo said...

HOY HAPPY BERTDAY NINONG! regalo? hmmm gusto mo PS2? meron ako.. kaso gusto ko din un eh.. hmm problema un ah... buti nalang makasarili ako hehehe.. jokes! HAPPY BDAY NINONG!!! INUMAN NA BATANG BATA KA PAPALA EH!!

eloiski said...

Happy Beerday!
Maligayang kaarawan po Ninong!
Yung mga gep ko po, don't worry, pili ka lang sa malapit na suking tindahan mo, at twink me discount ka pa!

yun lng pO!

sherma said...

capt. hitsugaya*, busy ako sa soul society kaya hindi ako nakabati kahapon... election din pala doon! akalain mo yun! hehehe... belated po! may you have many more matsumoto rangiku to come, este birthdays pala (pero feeling ko, ok lang kung si rangiku... sexy naman sya, di ba? hehehe!)

ok sa alright ang mga regalo mong hinihingi, ah... nawa'y may magbigay sa iyo nyan kasi parang wala dahil ikaw ang ninong kaya ikaw dapat ang nagbibigay pag birthday...

-rukia

*yan na lang ang itatawag ko sa 'yo! lahat na sila ay ninong ka... para maiba naman... nyahahaha!

tin said...

Belated Happy Happy Ninong. Pasensya na't nahuli. Hehehe.

:D said...

happy birthday po! dme gusto sa bday a...

Sonny belmontz said...

ninong, binoto mo ba si pichay. tutuparin niya lahat ng mga pangarap mo.

yung portable dvd ko na nabili sa raon ay 5000, may 7" LCD monitor na. ayus naman siya, may libreng boso pa sa chinesse chick na may-ari nung pinagbilhan ko. :D

tina said...

uyy belated!! Sorry late huh. Ngayon lang ako nakapag online uli!

Sana makuha mo mga gifts na gusto mo!

Duroy said...

Ninong, punta ako sa 19 at doon ako maniningil bwahahahaha!!!

yeye said...

HAPPY BIRTHDAY!

alin na sa list ang nakuha mo??

MISYEL said...

Belated happy debut po :) Kamusta naging party and dun ba sa 18 na wish lists mo may natanggap kana bukod sa bigay ng mom and dad mo? Kung wala pa hmmm, hilingin mo na lang ulit sa susunod na bday mo hahahah :p

God bless Ninong!

Glenna said...

belated kuya!

take care!

Ava Sharra said...

aba, daming inaasam ni ninong. sana makuha mo lahat yan. pero di ako kasama dun sa magreregalo. belated happy birthday ninong!

beshan said...

ninong pahabol! hapi bertday...ito na ang pinakamadaming nakibato sa lawa!hahaha!!!

tessa said...

gusto ko ng autograph kuya.. hehehehe..

tessa said...

kuya, hayaan mu.. pag nakabili na ako ng video card, su2nod kong pag-ipunan yung iyo.. nyakk.. kelan pa kaya yun?!

mousey said...

ninong happy birthday!!! sorry nahuli na ako naglipat na namn ako ng lungga kasi. ala akong gift kundi wish kita na sana maputapd ang mga wishes mo.

freyah said...

hi po kuya.. wow.. bday nyo pla.. happy bday po.. :)

btw ung tungkol po sa sidebar ko.. firefox din gamit ko eh, and ok nmn xa.. refresh nyo lng pow.. :)

take care kau.. happy bday ulit..!! :D

Dexter said...

Check this out.. a post regarding mapua bloggers..
http://techathand.blogspot.com/2007/07/mapua-bloggers.html

TanniX said...

Umabot na ba ng 30 ninong? Tara, paabutin naten!

Belated, as in Über-belated na hapibertdey.

Gusto ko sanang ipaalam sayo na gusto kong sabihin mo kay GMA na wala na ding pasok sa birthday ko.

Yun lang naman, hehe. Salamat!