“Di ko pa masasabi ngayon ang grade nyo…pero pasado na kayo…pinakmababa na ang tres”
- sir paglinawan
Hmmm…dahil walang pasok kahapon at ngayon at bukas…naisipan ko naman gamitin ang aking “free time” para gumawa ng isang post para sa aking blog. Marami pang gagawin pero wala naman pasok ngayon kaya nga mamaya na lang sila…
(insert intro quote here)
Kung pwede lang akong sumigaw sa comm lab room na yun ay sumigaw na ako…anak ng baka…salamat po!!! Kung tutuusin, isa ito sa mga una kong ipinaubayang subject sa itaas ngayong term…isinuko ko na lang…hindi dahil mahirap ang prototype, kundi mahirap…as in mahirap, pakisamahan ang mga kagroupmate ko…
Akala ko ok na…andun kasi yung isa sa mga henyong kablock ko nung 1styr 1st term…akala ko pa nga makakaparasite ako ng konti (orchid mode pala)…ibig ko sabihin hindi na ako masyado mag-iisip…sabi nga ni nico..”ah…c ******, ayos yun papasa na kayo nyan…”
Walangjo…
E walangjo, yung kagrupo ko pala gumawa ng proposal na hindi pa sigurado kung existing ang kit. Una pa lang kasi ay napagdesisyunan nang gumamit ng kit dahil ok lang kay sir ang kit…requirements lang ay may zilog or pic microcontroller tapos may mechanical parts. Kaya naghanap pa kami sa e-gizmo ng kit..wala daw…meron lang sila nung mobot…yung kotse. Nagpunta kaming raon…ayun mga 2 hrs kaming nagpagala-gala pero walang nangyari…pagkatapos nun nagka-tigdas ako.
Napansin ko wala naman nangyayari…at yung nakita nilang mapagpapagawaan e 10000 ang bayad…bale 2,500 bawat isa sa amin …pero ala pala sila ganung pera…kinancel nila yung deal 1 week before nung pasahan ng prototype. At yung hambog na kadeal namin humingi pa ng P500 damage fee…breach of contract daw….ewan ko lang kung may pinirmahan sila pero kung ako yung nandun di ako pauuto…
Inaway pa ako nung kagroupmate ko…kasi binabaan ko siya ng cel…e pano ba naman tinatanong ko kung anong gagawin sa akin binubuhos ang galit nya…binabara ako…tapos sabi kung ayaw ko raw tumulong e di wag…sabi ko gusto ko tumulong pero ayusin naman nila makiusap…ginagawa ko naman trabaho ko…tapos sabi nya e wala raw ako initiative, di raw ako namomoblema…kaya para matapos na ako na nakipag-ayos…dahil gusto ko na ring pumasa…
Nung sabado, (Tuesday ang deadline) may kit na kami…ung mobot sa e-gizmo…gagawin namin yung katulad dun sa isang group, maze follower…aba pumunta akong skul kahit la akong pasok…sabi bili daw ako ng ganito ganyan sa raon…bili naman ako…akala ko naman sila magkakabit…ayun pagdating ng 4:30, nalaman ko di pala sila marunong magkabit. Puntang e-gizmo, ako pa ang nagtanong…sa akin din pinauwi yung kit…pagdating sa bahay…walanghiyang kit yan…walang matinong instruction…wala ngang instruction e…so ang ginawa namin ni tatay nilagyan namin ng mount…yung lagayan ng mga pcb…pero di ko masolder dahil alang kwenta yung schematic.
Kaya dumating ang lunes na wala pang mapagcoconnect na mga pcb…icoconnect na lang kasi…problema lang ay kung pano…syempre tawag sila sa cel…”bili ka naman ng soldering paste sa raon saka electrical tape saka wirecutter…”. Sige na para matapos na. Akala ko naman may gagawa na..kasi may kasama silang IEEE na nagsosolder nung una…pero pagbalik ko wala pa rin pala…kaya ang nangyari…ako pa rin ang nagsolder…syempre pagkatapos isolder lahat sinubukan namin patakbuhin…syempre asa pang gagana yun…e di hindi nga…
Punta kaming e-gizmo. E walangjong kit naman talaga yan…napakaraming problema…kelangan daw ayusin pa yung wiring sa battery…e dahil eec night, at kasama silang tatlo aba sa akin pinauwi ang prototype…ako na daw bahala…
Kaya habang nagpapakasaya sila sa metrobar…ako etong nasa bahay nagsosolder…basta gumana lang…kahit ako na gumawa…ayun di pa rin gumana.
Bumalik akong e-gizmo kinabukasan…dahil may pasok daw ung mga kagroup ko…aba pinatroubleshoot ko…mga 1 oras kalahati bago naayos…pero problema pa rin yung battery…
“
Ayun umandar yung kotse…tapos umiwas sa mga obstacle tapos bumangga dun sa kanto…tapos humina na yung battery…gumagapang na lang yung kotse…pero umiiwas pa rin…
Kaya summary ay: (insert intro quote here)
So tapos na ang design 1. pasado na… bawas na ang aking mga suliranin.
1 comment:
maze follower!?, interesting...
kaso pnapgwa samin maze follower w/ sonar..panu ba un? my idea ka?
patulong nman...ung kit ba sa egizmo pagbibili kmi sbihin lng nmin ung kit ng maze follower?mgkano ba lhat? prob kc ung sonar,dp before pa siya bumangga iiwas na kahit sa harapan lng ung sonar..patulong nmn bro...natawa ako nung basa ko gnwa mo,nkarelate ako...hhehe! -t0n from naga
Post a Comment