Thursday, December 28, 2006

Year-Ender

I don’t hate change. I just don’t want to be there when it happens.
-Monk

Mukhang ito na po ang aking huling post para sa taong 2006… dahil kung di mo pa napapansin, kung kelan may internet, dun pa tinamad si ninong magpost sa blog nya…

lagi siyang nawiwili manggulo sa ownage…at sa mga conference sa YM…kasi ambilis magreply ng mga tao dun…samantalang dito…umm…hmm…matipid mga tao sa comment…matipid talaga…

______________

Gusto ko pasalamatan yung mga nagtyatyagang magcomment kahit sa CBOX lang…at least nagkakaideya ako kung sino-sino ba ung mga naliligaw dito…yung mga “loyal” kumbaga, hehe…sina sir armand, sir ray, ate yunisee…si nico, fritz…si erwin…si tannix…si sir ean, si sir namre…sabi nung iba nakakatuwa raw mga blog posts ko… may nagsabing madrama…napagtyagaan nyo lang ito e masaya na ako…

Umikot ang buong 2006 ko sa loob ng The New Builder. Pagkadating sa Mapúa, derecho akong ofis…pagkatinamad sa klase, lalabas at didiretsong ofis…pagkagaling sa klase, ofis pa rin…feeling ko empleyado akong may opisina… pero lagi kong gusto pumasok sa trabaho…

hindi ako masyadong nakagala ngayong taon…kasi yung mga kasama ko sa pagpunta sa malayo ay di ko na kasama…

Nakita ko na ang pangalan ko sa dyaryo. Di lang sa The New Builder kundi pati na rin sa Manila Bulletin… Pero di katulad nung hayskul mas marami na akong naisulat… bumagsak ulit ako ng 6 units…pero after nun 3 terms na akong walang 5.00…sana lang hindi na masira ang winning streak…

Nakalampas sa ilang silent terrors…30 units na lang ako…graduate na…ayoko pa siguro grumaduate…medyo kinakabahan sa paghahanap ng trabaho…ewan ko…di pa rin kasi ako nag-iimprove sa interview…bali-baliktarin man natin…laging palpak pa rin ang aking interview…hmmm…need to do something about that…

Nakapanood na ako ng mga laro sa NCAA…naranasan ko ang kapangyarihan ng mga ID at kung bakit may punto ang slogan ng Libre na “the best things in life are free”.

Nagkatigdas na ako at nalaman kong may astigmatism na rin ako…nadagdagan na naman ang mga libro ko nang mahigit dalawampu…palagay ko nasa 400 na sila…

Naranasan ko na ang feeling ng may “sweldo”…nakabili ako ng MP3 player sa pamamagitan ng pagtitipid…nakapag-“pundar” na rin ako ng DVD-CD Writer at sandamakmak na DVD…ibig sabihin hindi na lang puro libro ang binibili ko…

Inabot na ako ng past 11 sa Mapúa…sa bilyaran…at nakaganti na rin ako sa mga gusto maging builder nung Qualifying Exams nila…n_n peace. Nanalo na ako sa piso pisong pusta sa basketball, sa bayad mesa sa bilyar at pusoy dos…natalo rin naman ako…

Natuklasan ko na pwede ko pa rin palang mapanood yung mga tv series na gusto ko panoorin sa pamamagitan ng torrent…at ng mga dvd sa carriedo…di na ako nahilig maglaro ng mga PC games…feeling ko kulang na ang oras ko para dun…

Nakapunta na ako sa Mapúa Makati…sa SM Mall of Asia, sa loob ng St. Paul QC. Sa España Towers, sa Dad’s Kamayan, sa SKYWAY, sa pasig, sa buong Raon, sa loob ng Araneta Center, sa Rizal Memorial Stadium at Ninoy Memorial Stadium, sa bagong gym ng EAC… Ibig sabihin upgraded na naman ang mga maps sa utak ko… tiyak kong next year, mas marami pa akong kailangan puntahan…

Nakapunta na ako sa Pagudpud…kung saan magkadikit ang dagat at ang silong ng langit…kung saan malalakas ang alon at libre ang manghuli ng hermit crab…kung saan nakatikim ako ng octopus at muntik nang malaglag sa bangin para lang mapuntahan ang maliit na falls, na sobrang ubod ng ganda at napakalamig ang tubig… kung saan may daan sa gilid ng bundok at ang mga tanawin ay tila imposibleng ikahon sa isang magandang painting…

Wala pa rin akong girlfriend. Sinubukan ko ulit…pero dammit talaga... mission failed na naman.
_______________________
Sabi sa akin ni Erwin tama na raw ang pagpopost tungkol kay Jocelyn…tama na… may tama rn syamaybe this would be the last…kung saka-sakali…matagal ko na ito dapat tinype…pinapatagal ko lang…ayaw ko maglast post tungkol sa kanya…

Wala lang…nakakalungkot lang… Some things are not meant to be. And wanting something will not cause it to happen. Kasi kung “wanting” lang naman ang usapan, e dapat matagal na yang natupad yung wish ko…

Naasar lang ako kasi sayang…nanggagalaiti ako dahil nanghihinayang talaga ako…I would have had a story that would rival jed’s sa ownage…would have…kung di lang ako tanga…siguro nanggigigil ako dahil may mga mali na di na pwedeng itama…I still hoped na maitatama ko ang mali…pero gaya ng sinabi ko sa friendster…ayaw ng mga mali ko na itama ko sila…ayaw nila…

Minsan nakakadiscourage lang…nakakadepresss…na may mga bagay na di natin mabago… at may mga bagay na ayaw man natin magbago…nagbabago…
_________________________

I would not end this post on a sad note…dahil ang sagwa naman nun…naging maganda naman ang taong ito para sa akin…at masaya naman ako sa mga nangyayari… and if my lovelife would have to suffer for it…ok na rin siguro… I’m quite happy…and thankful.

And I am looking forward to next year…sana…maging masaya rin ang susunod na taon…di lang para sa kin kundi para na rin sa inyo…

HAPPY NEW YEAR!

Sunday, December 24, 2006

PASKO - PAKSIW

My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party
Or dinner for two
Anywhere would do


Celebrating the yuletide season

Always lights up our lives

Simple pleasures are made special too

When they're shared with you


Looking through some old photographs

Faces of friends we'll always remember

Watching busy shoppers rushing about

In the cool breeze of December


Sparkling lights, all over town
Children's carols in the air

By the Christmas tree

A shower of stardust on your hair


I cant think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend... my whole life with you


-Jose Mari Chan, A Perfect Christmas


Gusto ko sana gumawa ng post...tungkol sa pasko...pero parang medyo tinatamad ako...e naalala kong may post pala ako nung freshman pa lang ako sa Mapua...ipinost ko sa groups namin nung hayskul...ilalagay ko na rin dito...para di na kayo ma-op...hehe...ieedit ko na lang siguro kapag sinipag na ako... MERRY CHRISTMAS...

_______________________
eto yung post ko mybatch_2003@yahoogroups.com
post date: december 15, 2003


Seems like this would be one of the last, if not the last message i'll post for this year... In less than two weeks pasko na…at sori n lng kayo, kasi walang pera si ninong (fiscal crisis e)…kaya ala din kau regalo…besides, ngreregalo lang ako sa mga taong lagi kong nakikita, kasi alam ko kung naging naughty man sila o nice, kaya dahil di ko naman kayo nakikita, malay ko ba kung naging masama o mabuti kaya ngaung taon…antayin nyo n lng si santa. Hehehe.

(^actually palusot lang ito...hehe)


At gaya ng sinabi sa akin sa isang sulat 3 yrs ago, ganito na rin ang sasabihin ko para sa
inyo:

Hope you're fine. Well, gusto ko lng bumati ng Merry Christmas & a
wonderful New Year.
Sana ur happy thru the year (drama no?).
-joe

Like last year, wala naman tayong magagawa kundi umasa na sana, next year, (sana po, parang awa nyo na) ay maging maganda para sa atin. At sana nga magnda ang susunod na taon para sa ating lahat…

sana nga "we'll be
happy thru the year"

=)

Enwei, di ko alam kng ano ang religion nyo, at kung anuman ang paniniwala nyo. Alam ko di ipinanganak ang Cristo ng December 25 (10 month pa ata ang December nung panahong un), pero yun lang ang araw na napagkasunduan nilang italaga.

Ewan ko sa inyo, pero ang alam ko, kaya tayo may dahilan para magsaya, December
25 man o hindi, kasi sabi nga:

"for God so loved the world that He gave
His only Begotten Son, that
whosoever believeth in Him
should not perish, but have eternal life"

john 3:16


Kung korny man ako sa palagy nyo o kung ano, batuhin nyo ako ng kahit
ano, gusto ko un sabihin at un na nga ang gnw ko. Muli, maligaya pong Pasko sa inyong lahat =)

Ingat po. Gud day!
__________________________
may bagong pics na naman sya...at dahil di ko mapigilan sarili ko...ipopost ko dito yung isa...
wahaha...

pinatanggal na yung pic...BELAT!

hindi ako pedophile...childhood pic lang yan....hahaha. kawaii... :(

Wednesday, December 13, 2006

Murmurs

Sharona: Don’t get your hopes up
Monk: Why not? That’s what hopes are for.
-MONK

Para sa ibang Mapuan, tapos na ang term na ito…para sa akin…medyo hindi pa. Konting tulak pa bago mai-“seal ang deal”. By Friday wala na sa akin ang kapangyarihang baguhin ang kapalaran…dahil nasa mga prof ko na ang palakol.

Sobrang stressful ng mga nakaraang araw…ang gara nga kasi dalawa lang ang final exams ko this week. Nakalimutan ko pa yung isa. Umuwi na ako nung bahay, kinabukasan ko na naalala na may exam pala kami sa methods nung Monday. Wow.

Mali pala ako nung sinabi kong tapos na ang hell week ko dun sa last post. Kasi, may bonus stage pa pala.

Dahil daw TNB naman ako, siguro naman madali lang daw para sa akin ang gumawa ng mga paperworks at documentation. Sori, pero sa totoo lang…AYAW ko ng paperwork.At hindi sila madaling gawin. Siguro madali mambarbero ng mga 2-5 pages pero ang isang documentation umaabot ng 30-50 pages. Kahit sino naman mauubusan ng ilalagay…lalo na’t sabay ang methods ko at feasibility.

Sabi na kasi dati pa, gawin na ang mga bagay habang maaga. Kung bakit ba naman kasi napakahirap gawin ang dapat gawin. Kaya tuloy nitong mga nakaraang araw lagi na akong inuumaga magedit at revise ng mga gawa nila.

Mahirap. May mga gawa kasi na hindi kaedit edit…kelangan ko ibalik sa kanila para iparewrite pero di naman pwede yun…kaya ako na ang nagrewrite nung iba… Minsan dahil sa sobrang pagod…di ko na iniisip…grammar na lang chinecheck ko…

Ayun….ok naman kinalabasan…konting revision na lang bukas at ok na ako sa methods…sabi ni sir sy-ete parang medyo sy-ete na rin kami sa feasib ngayong term. Ok na yun kaysa singko…normal lang naman ang sy-ete sa kanya.
_______________________
Nagpapasalamat ako sa mga conferences sa YM na pasimuno nina tannix…Kasi… Wala lang, at least narerelease ko yung topak ko… haha… kaya magulo ako dun e…maingay si ninong sa YM conference.

sa totoo lang, kapag natuloy yung EB na sinasabi nila ng mga tao sa mapuaownage at kung sakaling pumunta at makita nila ako, baka hindi sila maniwalang ako si ninong sa mapuaownage.

Alam naman ng lahat nang nakakakilala ng personal sa akin na medyo tahimik talaga akong tao. Sabi nung iba, suplado daw ako…di naman…mas madalas lang ako mag-isip bago magsalita kaya ang nangyayari, parang naluluma agad yung sinasabi ko… at nangyayari di ko na lang sinasabi…

Madalas, di ko masundan yung conversations…di ko alam baka may attention defiency disorder (ADD) ako kasi madalas akong nadidistract, magaling lang akong sumimple, kaya di nila ata nahahalata.

At naisip ko rin…na bagay na bagay pala ang title ng blog ko na Murmurs…kasi tahimik lang din ako…at minsan yung mga gusto ko sabihin…hindi ko nasasabi…

Pero sabi nga ni Monk… “I am what I am.”
________________________
Natutuwa ako sa pinapanood kong series ngayon…nakabili kasi ako sa carriedo ng mga DVD... ng mga tv series na di ko mapanood… Hindi ko mapanood dahil isa lang ang tv namin at mas gusto nilang manood ng mga telenovelang paulit-ulit naman ang plot at kadalasan sobrang oa ng mga artista…kaysa pagtyagaan yung mga gusto ko panoorin…ayaw nila panoorin dahil di raw nila maintindihan. Ewan.

So, nung nakita ko yung mga yun e binili ko na agad…sa wakas mapapanood ko na ang mga ito kung kelan ko gustuhin. Ang problema kasi pag palabas sa tv hindi mo control ang oras…kaya kung may kasabay sila, hindi ka naman mananalo sa magulang e…kahit minsan may pagka-unfair…minsan talaga kailangan pagbigyan na lang para wala nang gulo. Henyo ang nagsabing mahirap din magpalaki ng magulang. n_n

“Magdamag na kayo sa TV. Kami nga ngayon lang manonood di nyo pa mapagbigyan?!” sasabihin ng nanay ko… sasabihin naman ng tatay ko, “Ano ba yang pinapanood mo, usap nang usap, walang action? Dun na lang sa isa”.

Ang nakakatuwa pa kay nanay, naglalaro sya ng PC (pizza frenzy) pero ayaw nya pa rin ipalipat ang channel ng tv…kasi daw “nakikinig sya”. Di ba madaya yun?

Sa amin kasi ng kapatid ko, usapang matino, kung sino may hawak ng computer dapat walang pakialam sa tv and vice versa… kasi kung pareho mong hawak, ano na lang gagawin nung isa? Di ba tama naman kami?
_______________________
Bale yung pinapanood ko sa ngayon ay yung MONK…

Si tony shaloub yung main actor…isa syang magaling na detective. Kaso lang may sakit sya. Anxiety disorder. Obsessive-Compulsive sya. Tapos ang dami nyang phobia, takot sa germs, takot sa milk, takot sa clowns, takot sa crowd, takot sa heights…lahat na halos… pero dahil nga OC sya, madali nyang napapansin yung mga pattern saka mga pagkakaiba…tapos matindi rin yung photographic memory nya…

Dati pa syang may sakit na ganun. Pero parang medyo nakokontrol nya kahit pano…nagtratrabaho pa nga siya bilang isang homicide detective. kaya lang nung namatay yung asawa sa car bomb…ayun bumigay sya. Natanggal sya sa pagkapulis at nawalan sya ng control sa mga mannerisms nya. 3 years ata syang nagkulong sa bahay, bago dumating yung nurse na tumulong sa kanya makarecover…si Sharona.

Ayun…every episode may kaso…may pinatay, pumatay at may trick. May comedy dahil sa mga mannerisms ni monk tapos minsan may konting drama…. In short, astig.

Sa ngayon, nasa season two na ako. Nasa season 5 na ang Monk sa tv.
________________

May bago nang EIC. Ang bagong “Amyrlin Seat”.

“She comes; She comes! The Watcher of the Seals, the Flame of Tar Valon, the Amylin Seat. Attend you all, for she comes!”

Ang pagkakaiba lang nila, lalaki ang bagong EIC…congrats Nico.

Alam ko naman na hindi ko gusto maging EIC…ang iniisip ko lang, tama ba na wala akong kabalak-balak maging ganun? Siguro madali lang akong makuntento…at alam ko so far, ok na ako sa pwesto ko…yun lang.

I just hate complications. You cannot prepare for everything.

Friday, December 08, 2006

Level Summary

“If you want something done, sometimes you have to do it yourself.”

Nasa mapuaownage ako kanina (hanapin ang link sa tabi-tabi)…pero sa di ko pa malamang kadahilanan…ayun problem loading page…hindi ko na ma-access yung forums. Kaya tutal naman naligaw si sir tannix dito, e naisipan ko na ring i-update ang aking blog…

Tapos na ang aking Hell Week. At nasa katinuan pa po ako. Yehey.

HW Level 14 CLEARED
Gained 103186 experience points
Gained Ability: Semi-Autopilot
Upgraded abilities: Torrent (lvl 6), Orchid Mode (lvl 12), Self-Control (lvl 99999)
Found Items: Pirated DVD’s from the plains of Carriedo
?? Levels more to go

Continue Suicide? Y/N


Saka na lang ulit yung kwento…update lang naman e. hehe.

Friday, December 01, 2006

Pack That Sheet

“Di ko pa masasabi ngayon ang grade nyo…pero pasado na kayo…pinakmababa na ang tres”
- sir paglinawan

Hmmm…dahil walang pasok kahapon at ngayon at bukas…naisipan ko naman gamitin ang aking “free time” para gumawa ng isang post para sa aking blog. Marami pang gagawin pero wala naman pasok ngayon kaya nga mamaya na lang sila…

Matapos ang pitong linggo ng pakikipag-away at pagpapaalipin sa aking mga kagrupo sa design 1, ikinagagalak kong ipaalam sa inyo na nalampasan ko na ang subject na ito…and I quote:

(insert intro quote here)

Kung pwede lang akong sumigaw sa comm lab room na yun ay sumigaw na ako…anak ng baka…salamat po!!! Kung tutuusin, isa ito sa mga una kong ipinaubayang subject sa itaas ngayong term…isinuko ko na lang…hindi dahil mahirap ang prototype, kundi mahirap…as in mahirap, pakisamahan ang mga kagroupmate ko…

Akala ko ok na…andun kasi yung isa sa mga henyong kablock ko nung 1styr 1st term…akala ko pa nga makakaparasite ako ng konti (orchid mode pala)…ibig ko sabihin hindi na ako masyado mag-iisip…sabi nga ni nico..”ah…c ******, ayos yun papasa na kayo nyan…”

Walangjo…mali pala ako… (medyo mali rin si nico…hehe) Ang mga kagrupo ko ay mula sa IEEE…dalawang babae saka isang…ummm…ah…e…hmmm…lalaki…ata. At dahil dito parang lalo kong napagtanto na tama ako na hindi ako sumali sa IEEE, dahil di ko alam kung ano ba ang nangyari sa akin…pero masasabi kong hindi ko sila ka-wavelength at out of phase ako sa kanila…

Syempre dahil binigay ang proposal nung 2nd week, hindi kaagad kami nakapagsimula…una dahil 3 weeks ding nawala si sir pagli at di namin alam kung naaprove ba yung proposal namin o hindi…it turned out na hindi pala…tapos sabay gawa ulit kagrupo ko ng proposal…SCARAB daw ang gagawin namin…prototype na umiiwas pag may harang at may paa na parang scarab…

E walangjo, yung kagrupo ko pala gumawa ng proposal na hindi pa sigurado kung existing ang kit. Una pa lang kasi ay napagdesisyunan nang gumamit ng kit dahil ok lang kay sir ang kit…requirements lang ay may zilog or pic microcontroller tapos may mechanical parts. Kaya naghanap pa kami sa e-gizmo ng kit..wala daw…meron lang sila nung mobot…yung kotse. Nagpunta kaming raon…ayun mga 2 hrs kaming nagpagala-gala pero walang nangyari…pagkatapos nun nagka-tigdas ako.

Lumipas ang mga linggo at puro utos lang ang mga kagrupo ko…”pasa ka ng progress report, ngayon na blah blah…”, “tawagan mo nga si ganito…sabihin mo ganyan…”…, “magpunta ka naman sa OVPSA tapos kuha ka ng student loan…ngayon na…” Syempre dahil akala ko may gagawin naman sila…ayos lang sa akin maging errand boy…

Napansin ko wala naman nangyayari…at yung nakita nilang mapagpapagawaan e 10000 ang bayad…bale 2,500 bawat isa sa amin …pero ala pala sila ganung pera…kinancel nila yung deal 1 week before nung pasahan ng prototype. At yung hambog na kadeal namin humingi pa ng P500 damage fee…breach of contract daw….ewan ko lang kung may pinirmahan sila pero kung ako yung nandun di ako pauuto…

Inaway pa ako nung kagroupmate ko…kasi binabaan ko siya ng cel…e pano ba naman tinatanong ko kung anong gagawin sa akin binubuhos ang galit nya…binabara ako…tapos sabi kung ayaw ko raw tumulong e di wag…sabi ko gusto ko tumulong pero ayusin naman nila makiusap…ginagawa ko naman trabaho ko…tapos sabi nya e wala raw ako initiative, di raw ako namomoblema…kaya para matapos na ako na nakipag-ayos…dahil gusto ko na ring pumasa…

Nung sabado, (Tuesday ang deadline) may kit na kami…ung mobot sa e-gizmo…gagawin namin yung katulad dun sa isang group, maze follower…aba pumunta akong skul kahit la akong pasok…sabi bili daw ako ng ganito ganyan sa raon…bili naman ako…akala ko naman sila magkakabit…ayun pagdating ng 4:30, nalaman ko di pala sila marunong magkabit. Puntang e-gizmo, ako pa ang nagtanong…sa akin din pinauwi yung kit…pagdating sa bahay…walanghiyang kit yan…walang matinong instruction…wala ngang instruction e…so ang ginawa namin ni tatay nilagyan namin ng mount…yung lagayan ng mga pcb…pero di ko masolder dahil alang kwenta yung schematic.

Kaya dumating ang lunes na wala pang mapagcoconnect na mga pcb…icoconnect na lang kasi…problema lang ay kung pano…syempre tawag sila sa cel…”bili ka naman ng soldering paste sa raon saka electrical tape saka wirecutter…”. Sige na para matapos na. Akala ko naman may gagawa na..kasi may kasama silang IEEE na nagsosolder nung una…pero pagbalik ko wala pa rin pala…kaya ang nangyari…ako pa rin ang nagsolder…syempre pagkatapos isolder lahat sinubukan namin patakbuhin…syempre asa pang gagana yun…e di hindi nga…

Punta kaming e-gizmo. E walangjong kit naman talaga yan…napakaraming problema…kelangan daw ayusin pa yung wiring sa battery…e dahil eec night, at kasama silang tatlo aba sa akin pinauwi ang prototype…ako na daw bahala…

Kaya habang nagpapakasaya sila sa metrobar…ako etong nasa bahay nagsosolder…basta gumana lang…kahit ako na gumawa…ayun di pa rin gumana.

Bumalik akong e-gizmo kinabukasan…dahil may pasok daw ung mga kagroup ko…aba pinatroubleshoot ko…mga 1 oras kalahati bago naayos…pero problema pa rin yung battery…

In short, pumunta kami ng school (sumunod kasi sila sa e-gizmo) dala yung prototype na ang gulo-gulo nung wiring na hindi pa namin matesting dahil mahina lang ang battery…dala-dala ang mainit-init pa naming documentation…at nagpresent kami kay sir…pinidot yung ON switch…nagdadasal…

Sana po gumana..kahit 3 minutes lang…”

Ayun umandar yung kotse…tapos umiwas sa mga obstacle tapos bumangga dun sa kanto…tapos humina na yung battery…gumagapang na lang yung kotse…pero umiiwas pa rin…

Kaya summary ay: (insert intro quote here)

So tapos na ang design 1. pasado na… bawas na ang aking mga suliranin.