Tuesday, November 21, 2006

Gulo

"The dark side clouds everything"
-Yoda

Hmmm…napansin ko na karamihan sa mga bloggers ng tnb ay nagpost na sa kani-kanilang mga blog. Samantalang ako, ang last post ko ay nung birthday pa ni Jocelyn…nakngbaka. Sa loob ng mahabang panahon na iyan lumampas na sa 100 beses nagpabalik-balik ang mga tagahanga ko sa blog na ito para lang madisappoint dahil wth wala pang post si ninong…nananadya na ata.
_____________________________

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako busy. Oo nga maraming “ginagawa” sa mga design pero walangjo parang wala talagang ginagawa e…haay… ang gulo. Kasi lahat ng mga ka-group ko gusto ata magcramming…o baka gusto lang nila akong mamatay ng maaga dahil sa stress… Ang alam ko mapapaaga ang hell week ko…later this week hanggang next week…kaya kapag nagpost ulit ako dito, ibig sabihin buhay pa ako…at hindi nagtagumpay ang mga kagrupo ko na patayin ako sa stress.
______________________________

Haay…lately nanggugulo lang ako sa mapuaownage…unofficial forums ng mga mapuans. Mga mapuans na marami ring ibang dapat gawin pero inuuna ang gusto nila gawin. Ayun, ang ginagawa ko lang dun nang-aaway ng mga k*pal na ayaw sa tnb…nagpopost ng kung ano-ano…wala lang, nanggugulo. Kasi dun medyo buhay ang mga tao…magpost ako ng konti may nagrereact kaagad…di katulad dito medyo…hmmm…silent types ang mga mambabasa ko.
______________________________

Habang tinatype ko ito, nagtampo na naman ang nanay ko sa akin. NAMAN. Wala naman akong ginawang masama e. Nagpapaliwanag lang ako…nagtataas na raw ako ng boses… e kasi naman e…ipinaliwanag ko na parang di naman sila nakikinig, magtatanong ulit e sinagot ko na nga di ba? Siyempre di naman ako ganun ka-patient na tao…lalo na pag may ginagawa ako…pero wala, di nila naiintindihan yun. Walangjo. Samantalang kapag sila ang naiirita wala kang karapatan magreklamo. Di ba unfair yun. Unfair e. Asar. Syempre eto ako naguiguilty kahit alam ko dapat hindi. Dahil alam ko tao lang ako, syempre may mga times na mahirap itago ang pagkairita…lalo na pag parang di ka nila naiintindihan tapos tanong ng tanong e inexplain mo na nga. haay, gulo. Sigurado ako pag inamo ko si nanay…medyo di ako papansinin nyan mga 2 days…samantalang kung tutuusin…naman…naman…haay…minsan talaga ang mundo, hindi pantay makipaglaban. Madaya. Magulo. Asar.
_______________________________

Nakachat ko si **** mga ilang beses pagkatapos ng birthday nya…pero 2 weeks nang hindi. Ok lang. Medyo wala akong pake ngayon. Dahil marami akong ibang badtrip para magpakabadtrip pa lalo…wala lang…wala lang nga e…kulit mo. o sige na nga bibigyan kita ng pahapyaw...

*edit: tinanggal ang pangalan... di ko lang maintindihan kung ano ang ikinagagalit nya... wala naman akong sinabing masama. Ni hindi lumabas na masama sya dito. :( wala lang...


ninong_osprey11:
may gusto sana ako itanong kaya lang di ko alm kung dapat ko pa itanong...
****
: ano un??
ninong_osprey11:
medyo matagal na ito nangyari e...wala lng gusto ko lang linawin...
ninong_osprey11:
ikaw ba tlaga yung nagtext sa cel ko (gamit number mo) nung last year...yung galit ka sa akin dahil makulit ako...at miscall ng miscall pag madaling araw....ummm. un lng.
****
: hmm...secret
ninong_osprey11:
bakit secret pa...

****: wala lng
ninong_osprey11: ngee...
ninong_osprey11: ngeeeeeeee...
****: ehheh
ninong_osprey11: bad ka
ninong_osprey11: uy
ninong_osprey11: sige na
ninong_osprey11: 1 year na akong nag-iisip oh...db?
****:: di ko na maalala eh..
ninong_osprey11: *headdesk (3x)

ninong_osprey11: naayos na ba yung friendster mo?
****: di pa..
ninong_osprey11: wla lang...di ko makita profile mo
****: wg mo ng tignan...hehe
ninong_osprey11: bkt?
****: wa lng
ninong_osprey11: alam mo naman ako..obsessed
****: cra...
****: he!
ninong_osprey11:
****: hmmp
ninong_osprey11: nakakaobsessed ka e...
****: cra ka talaga noh???
ninong_osprey11: kaya kahit profile lang...pwede na
ninong_osprey11: tingin ko rin e
****: tumigil ka nga
****: cra
ninong_osprey11: may mga taong sadyang baliw...
ninong_osprey11: hahaha
****: alam ko...baliw din kc ako
ninong_osprey11: o yun naman pala e
****: anong un nmn pala??
ninong_osprey11: yun nmn pala e..baliw ka din...e di ok lng n baliw ako
****: ngak...
ninong_osprey11: haay...bkt mo nmn nasabi n baliw ka?
****: there are things n ginagawa ko na iam not suposd 2 do
****: haha
ninong_osprey11: like...
****: oi...have to go home..galing pakong Sm...antok nako eh...
ninong_osprey11: huh? ah..cge. ?_?
****: cge po till here na lng po muna ulit...nyt

corny no?
_______________________________

May iba pa akong pinoproblema ngayon…at malaki syang problema…at maraming mga tao ang apektado. Asar pa, hindi ko pwede ikwento dito dahil baka masabihan ako ng “get out of my face”…with matching amylase spray…

Ikwekwento ko na lang yung nabasa ko sa Wheel of Time ni Robert Jordan. Sa kwento may grupo ng mga babae na ang tawag ay Aes Sedai. Mataas sila sa lipunan, minsan mataas pa sa mga hari at reyna dahil kaya nilang mag-channel ng One Power. In short, kaya nilang magmagic.

Isa silang society na may hierarchy…ngayon ang tawag sa lider nila ay Amyrlin Seat. Ngayon nagkagulo ang mga Aes Sedai dahil nagkaroon nang rift nung nag-“coup d’ etat” ung iba at tinanggal sa pwesto yung amyrlin seat. Nahati sila sa dalawa. Ngayon yung mga rebel aes sedai wala silang amyrlin seat. Ayaw naman nila irecognize yung amyrlin seat na bago dahil yun nga yung lider ng kudeta.

Ngayon base sa rules nila hindi kailangang Aes Sedai para maging amyrlin seat. May levels kasi bago maging full aes seadai…magiging Novice ka muna tapos Accepted bago Aes Sedai. So in-assume ng mga gumawa nung rule na amyrlin ka aes sedai ka muna kaya di nila nilagay sa rules na kelangan full aes sedai yung magiging amyrlin.

Pero yung mga rebel kasi hati rin sila…may kanya-kanyang agenda. So nagkaroon ng iba-ibang kandidato para sa amyrlin…pero naisip isang party na bagaman mas marami sila, wala silang malakas na representative na ilalaban sa amyrlin…kaya pumili sila ng taong alam nila na malaki ang tsansa manalo (kahit na Accepted pa lang yun) at kaya nila makokontrol dahil nga Accepted pa lang yun samantalang Aes Sedai na sila. At nanalo nga yung representative nila. Pero kung akala nila na makokontrol nila sya dahil mas marami silang alam kaysa sa kanya, nagkamali sila. Dahil handa siya matuto.

So kung marunong kang mag-“read between the lines”, alam mo na ang problema ko…Accepted pa lang kami. Pero di kami ignorante. Sana.

Ang gulo na naman ng mundo ko! Wala pang babae nyan…tsk!

2 comments:

Anonymous said...

Nice analogy ha. Hulaan ko yan..

Kalbo ba problema niyo?

Yun na lang..

-ray

Anonymous said...

Maybe you want her
Maybe you need her
Maybe you started to compare
To someone not there.

Maybe you want it
Maybe you need it
Maybe it's all you're running from
Perfection will not come.