May bagong hard disk na kami…binili na ni kuya noong last last week. 160Gb. Nakakalula kasi kung tutuusin, yung pinagtyagaan naming hard disk ng 5 taon, 20Gb lang yun. Wahaha.
Hindi ako ang nagkabit. Huhu. Yung officemate ng nanay ko. Nilagyan nya ang pc namin ng bagong photoshop at illustrator (yung CS). Pero nawala naman yung Pagemaker saka yung Flash. Pero salamat kay sir ean at nalagyan ko na ulit.
At nawala rin yung 1.5Gb kong folder…lahat ng mga documents, e-books, anime, pictures at “scandals” na nandun, ayun, wala na dito sa bagong hard disk. Tsk Tsk. 40% lang ata nung folder na yun ang may back-up ako. Tsk tsk. bye scandals. Haha!
Gusto ko sana maglagay ng games dito…pero lahat ng games ko dito sa bahay, pati na rin yung mga galing kay sir ean di ko mapagana…pati yung kay sir ray na visual basic di ko pa rin maiinstall. Tsk tsk…
Nailagay ko na yung Fable dito galing kay sir namre, pero parang nahihilo ako sa graphics…nagha-hang kasi yung pc namin. Napag-alaman ko na yung RAM ko ay 224MB lang…kaya nahihirapan magload yung game. Kaya medyo masakit sa ulo.
Sabi pwede ko raw taasan yung virtual memory…tutal 97GB pa ang free sa drive C ko…pero hindi ko alam kung gaano ba dapat kataas ang virtual memory…nilagay ko yung minimum sa 512MB tapos yung maximum sa 1024MB, pero kung tataasan ko ba yun, mas malalaro ko yung game? Saka bibilis ba ang pc ko?
Help ninong! Text COEKB?BKTTaNGaK? (space) HELP (space) Your Message, then send to 0922#7#35#4! (Pakiscratch na lang sa screen yung # sign. Hehe)
Tumulong sa mga mapagpanggap na computer engineering students! Magtext na!
_________________________
Sa palagay ko hindi ko ata “calling” ang pagiging COE… biruin mo 4th year na ako at malapit nang grumaduate (sana…) pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masyadong naiintindihan yung sarili kong pc.
Bukod diyan, ang mga nagustuhan ko lang ata na major subjects ko ay yung computer fundamentals, saka C++ programming. Saka…ano..yung ano…yung…yung may ano… yung parang ano… haay…wala na ata. Haha.
AYOKO ng mga subjects na may kinalaman sa hardware…ayoko ng Logic, ayoko ng Microprocessors, ayoko ng Memory / IO, ayoko ng Assembly, ayoko ng Electronics, ayoko ng Circuits, ayoko ng Control Systems!
Ayoko rin ng mga may mahahabang calculations, ayoko ng Numericals, ayoko ng Calculus, ayoko ng Advance Math, ayoko ng Differential Equations, ayoko ng CONTROL SYSTEMS! Grrr…
Pero mukhang mamalasin ata ako ngayong term…malamang magkikita pa rin kami ni Controls sa mga darating na terms…kung hindi maaawa sa amin yung prof ko na kamukha ng bokalista ng Kamikaze!
Haay. Lima ang lecture ko ngayong term. At mukhang 2 subject ko lang ang may pag-asa…yung iba, nakabitin pa silang lahat…
Haay…medyo nagpapasaring na nga sila sa bahay e… pano ba naman yung kapatid ko masama na ang loob nya kapag sampu yung mali nya sa isang quiz nya. SAMPU! Samantalang ako, masaya na ako kung medyo malapit na sa passing percentage ang score ko. At ang masakit, bihira na lang din mangyari yun.
Mas nakakagulat pa nga kapag pumapasa ako sa exam
____________________________
Hindi naman talaga ako palaaral kahit noon pa. Nung six years old nga ako sabi ko sa kuya ko kahit tumanda na ata ako hindi ko pa rin mame-memorize ang lupang hinirang… Napakadaming words!
Hindi ako mahilig magmemorize. Malakas ang tiwala ko sa stock knowledge ko…yung kapatid ko kasi hindi sya komportable kapag hindi nya alam yung lahat ng detalye. Minsan tuloy hindi ko alam kung maiinggit ba ako sa kanya o maawa. Kasi parang pinapagod nya lang ang sarili nya.
Ayoko kasi ng masyadong nagpapagod para sa isang bagay na hindi ka naman sigurado. Baka masayang lang ang pagod mo. Sayang ang effort. Ilang beses nang napatunayan sa akin ng tadhana na mali ang ganitong pananaw. Pero anong magagawa ko, matigas ang ulo ko. Ayoko makinig. Naya yolut orup detsub! Tsk!
_____________________________
Ang dami-daming gagawin…pero parang kulang lagi ang oras…samantalang napakabagal ng oras kapag lecture…haay. Bakit ganun?
____________________________
Nagpalit na si sir ray ng kanyang layout. Nagulat ako pagbukas ko sa blog nya…mukhang sumali na rin sya sa TNB Battle of the Blogs… hehe.
Pero mukhang malayo pa ako sa patimpalak na iyon…ang tagal ko nang hinahanap sa memory warehouse ko yung html lessons ko, kaya lang hindi ko na sila makita… sinunog na ata sa utak ko nung nagclean-up wizard ako last last year. Haay.
Kaya si ninong ay nag-aaral ulit ng html…atsaka yung CSS (Cascading Style Sheets) para makapagpalit ng medyo maganda-gandang lay-out. Baka sakaling dumami pa ang fans niya dito. Hahaha.
Kaya lang, ang problema…gusto rin nya matuto ng Flash, ng visual basic, ng paggamit ng layers sa photoshop…tapos finals pa nila next week…tapos ngayong lingo na ang last lecture week ng term…ibig sabihin, ito na ang Mapua Hell Week para sa 2006 First Term! Grr…
Mayroon akong dalawang quiz sa probstat sa biyernes (take home yung isa), dalawang games saka isa pang quiz (Friday)sa compiler, tapos isa pang quiz sa controls sa sabado, tapos isa pang quiz sa mem/io, sa sabado rin. Tapos isa pang takehome quiz daw sa pricomm. Tapos may powerpoint presentation pa na dapat gagawin para sa mem/io to be passed next Wednesday. Tapos may mga portfolio pa yung mga subject ko na yan saka yung finals pa…
Ano bang tingin nila sa amin?
Tao lang po ang karamihan dito sa Mapua, hindi mga balawis…
And I can only do so much!
Tuesday, September 12, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hehe..
Gusto ko rin matuto ng Flash! Ibang level pa rin sina Sir Namre at Ean..
At ayoko din ng Numericals.. Sa tingin ko nga nasusunog na at binubugbog na sa Impyerno sina Newton, Jacobi, Seidel, Richardson, Mclaurin, Taylor at yung iba pang nakaimbento ng polynomial deflation, bracketing techniques, open methods at kung ano-ano pang iterative calculations!
Post a Comment