Tuesday, January 31, 2006

Gamot...Reseta at iba pa

Nobody knows who i really am
I never felt this empty before
and if i ever need someone to come along
who's gonna comfort me and make me strong? - Life is Like a Boat (Bleach)


gusto man magblog nitong mga nakaraang araw...di ko nagawa... medyo busy e... kapag gusto ko magblog...maraming gumagamit ng pc dito...malapit na kasi yung paglabas nung issue...

saka di ako komportable kapag may nagbabasa ng tina-type ko...parang nakakahiya ang dating... iba pa rin kapag nakapost na ung binabasa nila...at least kahit ano sabihin nila, hindi na makakaapekto sa tinatype ko.

nakakalungkot ung mga results ng quizzes ko ngayong term...mababababa kasi. alam ko medyo kasalanan ko rin...hindi kasi ako nag-aaral... pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga talent yun. nung naghagis ng kasipagan sa mga tao, nadapa ako sa pila... konti lang tuloy ang nakuha ko...

nakakatamad mag-aral...medyo minsan nga sumasagi sa isipan ko, pano kaya pag grumaduate na ako? san na ako pupulutin? pero hindi sapat ang pag-iisip nun para sipagin ako...

ano bang magandang gawin kapag gusto mo mag-aral pero tinatamad ka? may gamot ba dun? parang pampagana sa pagkain?

ha? lovelife? di ba minsan mas pampagulo pa un?

inspiration? ngek. nag-expire na e...di na pwede, tama na, baka malason na ako...gusto na nga isuka ng katawan ko, bakit ko pa ipagpipilitan...

baka naman may kilala kayong gamot diyan, bigyan nyo naman ako ng reseta...

nakakapagtaka lang, bakit ganun, mapapansin mo, konting pagkakamali lang ang naglalayo sa'yo sa ibang tao...sabi nga ni sir pokemon sa numericals...

"magkamali ka lang ng isang pindot sa calcu...kumbaga sa DOTA... KILL! (with matching sound effects at pagbaba pa ng boses)"

dapat pasado ako sa test ng micro e...ung tatlong number na nasasgutan ko ng mali, 30 pts na kaagad? dahil dun sa tatlong tanong na un, bumagsak ako? di ba daya...kung tutuusin, nag-aral ako dun ah...haay... saka bakit pag may nagawang anomalya ung isang tao sa akin....lalo silang sinuswerte...ang saya naman nila...hahaha.

oh well, minsan masaya din naman ako...at kung tutuusin (ulit)...mas masaya ako dito.

1 comment:

sushi said...

hirap ng problema natin ha... ako rin tinatamad mag-aral... pero isipin na lang natin ham ang palaman... err... mali... isipin na lang natin na lalagpas rin ito. hirap muna bago ang kaginhawaan.

astig! ung prof naglalaro ng dota? (O__O)