Tapos na ang botohan. At di mo ako binoto. Oo, ikaw.
Tamad ka. Tsk tsk.
Ayoko na. Tampo na ako sa’yo. Kapag ako ay hindi nanalo, sisisihin kita. Lahat ng hindi bumoto sa akin ay magsisisi… magdurusa… mag-iisip na
Pero wala nang pagkakataon pa.
Magkalimutan na tayo.
Hahaha.
Biro lang. Pero pag nanalo ako, hindi ko kayo kilala.
Hahaha ulit.
Pero di biro yun. Hahaha pa rin.
Hmmm… Kahit na hindi ako binoto ng karamihan sa inyo… umabot ako siguro sa mga top 11 o mas mababa dun. Ok na rin. Kaya pa.
Oo, ok na. Bati na tayo ulit.
______________________________
At
Nagsimula ang araw na
Pero 6:00 am daw kasi ang call time. 6:30 raw aalis ang bus.
At si ninong, na hindi na natuto at ayaw paiwan sa bus ay umalis na ng bahay ala-singko pa lang. Tamang-tama 6 :00 impunto nasa skul na sya.
PERO ang bus ay umalis ng 8:15 am. Hinintay pa nila ang kaklaseng 6 am na nang nagising.
Ang Mapuan time, lagi talagang delayed.
Nakarating kami sa APC mga bandang 10 am na siguro. Sa Canlubang, Laguna daw yun pero ang dinaanan namin ay yung Silangan exit. Bale yung lugar ay isa sa mga bagong Industrial zone sa CALABARZON (
Isang testing facility ang APC at bahagi ng Atmel Corporation na gumagawa ng mga semiconductors at Integrated Circuits. Bale ang tinetesting nila dun ay yung mga wafers o kumbaga yung “mapa” ng mga circuit. Temperature testing, stress testing, mga ganun.
First time raw ng APC tumanggap ng plant visit request. Kaya naman kahit sa seminar nila sa amin parang medyo nangangapa sila. Kahit anong pilit ko, hindi ko matagalan ang atensyon ko sa mga sinasabi nila. Pero nakuha ko naman yung gist, kaya ok lang.
tulog na...
Tapos, syempre may line tour. Tiningnan namin yung ibang ginagawa nila sa pabrika. Baka kasi hindi totoo. Hahaha.
Napansin kong ang mga machine operator nila puro mga bata pa… mga nasa 20’s lang. Mga graduate kasi ng technical courses ang kinukuha nila at binibigyan ng training. May mga cute, sabi nga nung kasama ko. Mas marami sa kanila ay babae. Sabi nga nung kaklase namin e dun na raw sya magtratrabaho. Hehe. Parang nakita ko na rin ang ginagawa ni Jocelyn sa trabaho nya.
Maayos ang assembly line nila. Metikuloso. Interesante. Talagang mahigpit at maingat. Sensitive kasi ang mga wafers sa static at dirt. Sabi nga nung guide, hanggang .5 microns lang ang diameter ng alikabok na tolerable sa ilang rooms nila. I-imagine mo na lang.
Sa unang tour, pinakita yung probe testing na ginagawa nila sa mga wafers. Dun sa pangalawang tour, pinakita naman yung “assembly line” nilang matatawag. Mahal raw ang mga makinang ginagamit… nasa six figures at dollars ang halaga bawat isa.
Ang nakakatuwa, pagkatapos ng tour ay meron pang pagkain. Oo. Nagulat ako. May meryenda na, may lunch pa.
Yun nga lang parang minaliit nila ang kakayahan ng mga Mapuan mag-imbak ng pagkain sa mga bituka nila. Kasi naubusan yung iba ng ulam para sa tanghalian. Buti na lang ibinalik nung iba yung sobrang kinuha nila. At naging maayos ang lahat nang walang foodfight, batuhan ng plato o kaya sasaksakan ng mga tinidor.
2 pm na kami nakaalis na pabrika…para mag-“sidetrip”.
(ITUTULOY...)