Tuesday, January 12, 2010

Night Sheep

"Night time is really the best time to work. All the ideas are there to be yours because everyone else is asleep." ~Catherine O'Hara

May mga bagay talaga na pag nasanay ka na, mahirap baguhin. 8 buwan na rin akong panggabi sa trabaho. Nasanay na akong
natutulog habang tirik ang araw. May mga ayaw sa panggabi, nahihirapan daw matulog sa umaga. Nagiging sakitin. Di ako nagkaroon ng ganung problema. Nocturnal lang siguro talaga ako. Kahit noon pa, napupuyat ako ng walang dahilan. E di mas ok ngayon kasi pinagkakakitaan ko pa yung passive ability ko.

Masarap ang panggabi dito. Mas malaki ang sweldo kasi may night diff, may allowance pa. Malayong-malayo sa kita ng pang-umaga. Mas marami akong nabibigay sa bahay tapos may natitira pa sa akin pambili ng kung anu-ano.

Wala pang bossing. Ako ang team lead sa gabi. Ako ang project manager, ako ang people manager. Ako ang presidente. Akin ang mundo.
Kung gusto ko matulog, nakakatulog ako. Kung gusto ko magwarm-up at magbrowse, manood muna ng pelikula, magbasa ng ebook, maglaro ng DOTA (<-noob) walang makakapigil sa akin, wala kahit isa... pwera sa IT department (kasi 24hrs sila).

Oo nga walang social life. Pero wala naman talaga ako nun, kaya di naman talaga yun kawalan. Nakakaalis din naman ako dito kung may kailangan talaga puntahan. At kung papipiliin lang din naman sa pagitan ng social life at salapi e wala tayong magagawa, pera-pera lang yan.

Haay. Kaso ibabalik na ako sa umaga. Babalik sa mga pagiging alipin. Andun ang mga bossing, kanila na naman ang mundo. Balik sa sweldong maliit. Patay ang lifestyle sabi nga nung kasama ko.

Dapat siguro maghanap na ng ibang trabaho.

4 comments:

Tina said...

buti naman enjoy mo night shift. ung iba ayaw na ayaw nila. pero un rin malaki ung kitaan eh.

ienjoy mo na rin ang day sheep. hehe.

ung angelblush.blogspot.com na talaga blog ko. wala na ung angelblush.net ko eh. :)

tina said...

oops ako yang si Tina. ibang account nagamit ko kanina. di ko napansin. ung angelblush.blogspot.com ung current blog ko.

Anonymous said...

Ako naman, hindi ko maintindihan ang body clock ko. Nung estudyante pa ako, sanay akong gising hanggang 3 o 4 am, kahit hindi naman talaga ako nag-aaral, madalas nagdi-DVD marathon lang kami ng mga flatmates ko.

Nung nagturo naman ako, palaging binibigay sa akin yung mga 7am classes. Kaasar nga. Pakiramdam ko tuloy, lagi akong pagod kahit maaga naman akong natutulog. Demonyo yung dati kong boss. Hehe

Ganyan, pabago-bago. Pati regla ko, hindi laging on the 28th dumadating. Minsan, nale-late ng 3 hanggang 5 araw.

Gustung-gusto ko 'yung sinabi mong "akin ang mundo." 'Yan din ang gusto ko pag gabi, pakiramdam ko, solo ko ang mundo. Naalala ko tuloy sa LB dati, pwede akong humiga sa gitna ng kalsada (sa loob ng campus) nang hindi nag-aalalang may sisita sa akin. :)

ninong said...

@ tina

nasa kita talaga yung pang-akit ng panggabi. hehe.

@ kel

kaya nga siguro naging nocturnal ang body clock ko. may mga oras na gusto ko akin ang mundo. hehe.