Friday, March 27, 2009

Pampalubag-loob

Ayun. Kahit paano medyo ok na ako. Matagal-tagal rin akong hindi nakapagrelease ng ganun at maayos naman kahit pano ang naging resulta. Gumaan naman ang loob ko. Dismayado pa rin ako, oo, pero di na kasing dismayado kagabi. Halos maligaw ako sa Makati Avenue kagabi sa kakalakad. Nakakatulong din yun.

Pumalag pa pala ako dun sa resulta. Napatameme ko rin yung manager nung nag-explain ako. May punto naman kasi ako. Nagkaroon naman talaga ng... "dayaan". Pero para kaming nasa school. Makakapalag ka pa ba pag nandyan na yung grade? Marami akong kilalang pumalag. May mga punto rin silang magreklamo. Sabi pa nga nung nanay nung kaklase ko nung elementary, "Sobra naman kayo, di nyo lang niluto, ginisa nyo pa." Pero ang dulo't dulo pa rin nun...

Walang nagbago.

Kinausap ulit ako kanina. Kesyo nagmeeting na raw sila ulit at ayun nga pinagkaisahan nila ako. Ayun walang nagbago. Ang di ko lang matanggap, wala naman yun sa metrics, pero ginamit nila laban sa akin. At paiba-iba sila ng rason. Kahapon ang sabi nila, ganito kasi, kanina e kasi sabi nila kahit ganun daw ganito pa rin. Wushu.

Ang sabihin nila ayaw nila ako tumaas. Ewan ko kung bakit, sadyang galit lang ba sila sa akin o galit sila sa mundo. Sila na ang magaling. Sila na ang mahusay mamahala. Pero sinisigurado ko, walang natuwa sa aming lahat sa naging resulta. May nabalitaan pa akong tatamad-tamad pero mas malaki pa ang nakuha sa akin. Haha. E mas magaling pa ako dun e. Pano nangyari yun? Natatawa na lang ako. Kabalintunaan talaga. Makarma sana kayo. Wahaha.

Nagbigay pa nga ako ng feedback sa appraisal nila kanina e. Ingles din. Tigas nila pag di sila tinablan dun. Alam nila kung gaano kalaking kabulastugan yung ginawa nila. Malamang tuwang tuwa sila sa sarili nila at nakaisa sila. Pero asa sila sa 100% ko. Di sila karapatdapat. Hahaha.

Pero ang galing tumayming ng HR. Nahalata siguro nilang andaming dismayado. Andami nga leave kanina. Haha. Lahat nagbakasyon para mawala ang inis. Ayun, namudmod sila ngayon ng vb. Bonus. Isang one time big time. Para makalimutan namin ang sama ng loob namin.

Di ko pa nakakalimutan. Pero sasamantalahin ko na rin.

At oo, yung taong mas tamad sa akin na mas malaki ang nakuha.... mas malaki rin ang vb nun.

4 comments:

Anna said...

kahit nakakainis, lahat naman yata tau dumadaan sa ganyan. welcome to the corporate world. ewan ko kung nararamdaman mo rin na parang isinangla mo nang kaluluwa mo sa kanila. tiyaga, tiyaga na muna, lahat tayo gusto nang murahin ang mga nagpapasueldo sa atin. relax. gala na lang tayo nina ray kapag dating ko. hehe

siomai said...

Ninong!!!!

Ganyan talaga ang corporate world. sabi nga ni Sir Santiago dati, wag ka masyadong magmagaling sa trabaho. kasi ang kahihinatnan ay puro iyon na lang ang gagawin mo sa buong stay mo sa company.

Ang payo ko e makipaglaro ka lang sa kanila. Tapos saka mo resbakan nang bonggang-bongga.

:)

Work at Home Online Jobs said...

blog hopping lang. nakita kita sa mylot eh. take care.

i added you in my blogroll. hope you can add me too. my sites:
Earn P160,000 per month!
Best Online Jobs!
How a Pinay Makes Money Online!
Call Center Jobs. Apply Here!

Unknown said...

ahm, masarap ba sa pakiramdam? Ahihihi.

Ala naman yatang walang reklamo sa trabaho. Wala pa ata akong naririnig na perpektong high ops na tao na sobrang effective ang pamamahala.

Tamang timbang lang ng katamaran at sipag.

Ika nga, work hard, play harder. Kung ano mang ibig sabihin nun.