Wednesday, January 28, 2009

Mandatory Post 1

1/29/09 10:15 am

Being a writer was never a choice, it was an irresistible compulsion.
-Walter J. Williams

dahil nangako ako sa sarili na mas magiging masigasig na maglathala kaysa dati, kung kelan 1 beses lang sa isang linggo akong gumawa ng post, eto susubukan kong gumawa kada 2 o 3 araw. o kaya kada 7 days, depende sa mood. hanggang kailan natin mapapanindigan ang pangako na yan? hindi ko alam. tinitingnan ko lang kung babalik ang aking dating hilig.

maaga ako sa opis ngayon. kasi hindi pa ako umuuwi. sipag no? hindi rin. kasi hindi naman ako nag-OT kagabi... ...

Pero isa sa gusto ko dito sa opisina e parang yung opis namin sa dyaryo... may tulugan. Kaya nga kahit na bihasa na akong matulog na nakaupo (bunga ng matinding sage training sa Mapua), iba pa rin yung kumportable kang nakakahiga.

may paliguan din. ang galing. para akong may condo sa makati at malapit lang sa trabaho. nakakainis lang at nasira yung heater nung shower. kalamiglamig tuloy ng tubig. ramdam mong nanunuot hanggang kaluluwa. para akong naligo sa er... yelo.

oo may baon din ako ditong damit, sabon, shampoo, toothpaste, toothbrush, tuwalya, unan, noodles... pwedeng-pwede na nga ako maistranded dito pag binaha ang buong makati. pero 2 days lang.

yun nga lang kung kelan ako maagang pumasok, dun naman kami walang ginagawa. training kasi dapat ngayon. 4th day na. At dahil model employee, 3 days na akong late. dapat talaga di ka na maglalaro bago umalis ng bahay. tatanghaliin ka talaga.

noong mga nakaraang araw pag dumadating ako sa training room, may ginagawa na sila, nagsasalita na yung nagtuturo. ok lang naman kasi hindi sya mahigpit, saka kaya nga may katabi e, para may matatanungan di ba? saka quick learner naman ako... ata.

baka may meeting ulit yung trainer. may general meeting kasi mamaya. reorganization daw. basta dapat may pakain sila, yun lang masasabi ko.

5 comments:

Meryl Ann Dulce said...

Hoy ninong, nakita kitang pakalat-kalat sa ibang site... at kita mo nga naman! May bago pala dito!

Wala ka pa ding kupas. Hahaha.

Mariano said...

Tama si Meryl, wala ka pa ding kupas. Nananatili ka pa din sa puso ko bilang isa sa paborito kong manunulat. Yihee!

Anonymous said...

tae kayo
meryl at mariano
(annoyed)
bahahaha


sige na
tumira ka na diyan
wag ka na umuwi
kei?
adik lang




ps:
bakit kasi walang option na anoynymous?
nahihirapan tuloy ako
magsign in sa blogger
sus yan

siomai said...

Ang cool naman ng office ninyo! hahaha...at parang mga overnight lang dati sa design ang buhay mo ngayon.

good luck naman sa pagiging model employee mo. :)

FerBert said...

maligayang pagbabalik ninong!

sana sa pasko wag kang maghiatus! haha