Sunday, April 08, 2007

Hello World

We only part to meet again.
~John Gay


Why can't we get all the people together in the world that we really like and then just stay together? I guess that wouldn't work. Someone would leave. Someone always leaves. Then we would have to say good-bye. I hate good-byes. I know what I need. I need more hellos.
~Charles M. Schulz

I’m back.

Matapos ang apat na araw na pagbabakasyon ay nakabalik na rin ako sa aming bahay. Tama si anonymous sa pagsasabing "there’s no place like home". Wala nga. Namiss ko ang bahay namin e. Hehe.

Namiss ko rin ang internet. Haha. Iba pala talaga kapag nasanay ka na na merong internet. Pag nawala yun, para kang naputulan ng ikatlong kamay. Alam mong dalawa lang talaga ang kamay mo, pero parang naputulan ka pa rin.

Umalis kami sa bahay nung huwebes ng madaling araw. Ang gara kasi parang kakapikit ko lang nun (3 am na ako nakatulog), aalis na agad.

Hindi ako makatulog sa byahe. Siguro dahil may katangkaran akong tao, di na ako halos magkasya dun sa owner na sinasakyan namin. Di ako makahilata nang maayos. Siguro dahil hindi naman talaga dapat tinutulugan ang isang owner-type jeep na two-thirds na ng edad ko.

Habang nagpapaantok e tiningnan ko na lang ang langit mula sa bintana habang nagpapalit-kulay ito. Ang galing, parang ipinipinta ang mga kulay unti-unti, pwedeng gawan ng music video. Pang Semana Santa ang ambience. n_n

Matapos ang dalawang tollway, ilang lubak, ilang kalsada pang matrapik at isang almusal sa Jollibee, e nakita ko na ang simbahang landmark sa aming baryo. Tinanong ko si tatay kung bakit “bukid” ang tawag sa lugar nila e wala namang bukid. Bukid raw kasi yung buong baryo noong unang panahon. Kahit na mula sa Quezon Province si lolo, si lola naman ay may namanang lupa dun sa “bukid” kaya dun na sila tumira.

Ok, isang misteryo ang ating nabigyang linaw. Ang alamat ng bukid.

Napansin ko rin na marami na rin palang jeep sa Lipa. Parang makakakita ka na ng isa hanggang tatlong jeep kada isang minuto.
__________________________

Nakakatuwa umuwi sa amin. Ang mga pinsan ko kasi, halos mga chikiting pa. Para silang nakakita ng artista o pulitiko kapag natatanaw ang sasakyan namin. Nagtatalunan at tinatawag ang mga iba pa naming kamag-anak para salubungin kami. Tuwang tuwa si lolo at lola. Ako ngapala ang pinakaunang apo nila.

Dumating at umalis ang huwebes at biyernes. Bumibilis lang ang oras kapag natutulog ako, pero napakabagal talaga ng oras sa probinsya. Madalas na pampalipas oras nila ay TV. Dahil dadalawa lang ang channel, may mga napansin ako sa mga palabas nila.

  1. Napansin kong karamihan sa pinalabas ng Kapamilya at Kapuso e puros love story ang theme ng pelikula.
  2. Parang si Angel Locsin at Richard Guttierez lang ang artista ng GMA Films. Biruin mo yung mga pelikula nila pag gabi sila lagi bida.
  3. Nakakasawa ang mga trailer lalo na kung paulit-ulit. Halos mabaliw ako sa commercial ng Lupin at ng Ang Cute ng Ina Mo dahil paulit-ulit na lang ang kakapromote ng mga channel na ito. Palibhasa walang product commercials.
  4. Paulit-ulit lang ang mga cartoons ng channel 2 kapag holy week. Napanood ko na yun nung elementary pa lang ata ako.

Dapat uuwi na kami nung sabado. Kaya lang nagyaya ang tito ko, pumunta raw kami sa dagat…


Sa susunod ko na lang itutuloy. Napagod ako sa byahe at ako’y wala sa mood. Nagpunch-in lang upang ipadama ang aking pagbabalik sa tinagurian nilang blogosphere. Hehe.

9 comments:

laarni lopez said...

hello! astig na blog!

tina said...

well.. welcome home.. at pahinga ka..

ganyan talaga pag umuwi... sa mga kamag-anak mo na wala sa city... :)

ara said...

hahaha... pansin ko nga... grabe talaga ang Pilipino pare sure2 cla...ay naku! abs at gma...

marielitams said...

wah si ninong nakabalik na. hehe.

ako rin, pagkatapos ng tatlong araw hindi ko na kaya ang walang internet.

at minabuti ko na rin ang hindi manood ng tv. nanood na lang ako ng mga sunset at sunrise. oh ha. hehe.

miz tamtam said...

sosyal naman... nagbakasyon :D

beshan said...

nice update sa blog...parang brand ng potato chips..ayos sa entry...parang aku yung napagod sa byahe nyo...hehe...parang ganun din kasi ang vacation trip namin...haha...nice observations too...utol kaya kita??? parehong-pareho sa mga pangyayari eh...(",)

jeniffer said...

kuya.. di lang ikaw ang vistor dito..count me in.. ;) galing ka pala lemery.. wala lang.. :)

ninong said...

salamat jennifer :D

Anonymous said...

So tired of chasing rainbows,chasing dreams. too tired of being soaked in the rain, alone. my eyes are too tired too look beyond, my heart has now feared hope. never needed someone better to come my way... all i need is someone to be there all along.