Time to go slow
Maupo ka na lang
At panoorin ang mundo
Kalimutan muna natin ang trabaho
Masisira na ang ating ulo
Kailan ka ba naman huling tumambay
Patapusin ang walang hanggang paghihintay
~Parokya ni Edgar, Swimming Beach
Una sa lahat e gusto ko lang sabihing natutuwa ako. Natutuwa dahil sa stats ng mga dumadalaw dito. Maniwala ka sa hindi, hindi lang ako yan. Haha. At kahit na sabihin mong 50% ng bilang na yan ay ako, napakarami pa rin kung ikukumpara noon. Halos isang taon ang hinintay ni Murmurs bago dumating ang bilang sa 1000 naligaw.
Ngayon, wala pang dalawang buwan e nasa 3300+ na beses na akong nakauto nakapag-inspire. Hahaha. At ang nakakatuwa e dumadami pa sila. Hehe. Umuulit pa rin. Salamat. Weee...
Patapos na naman ang aming bakasyon. Napakabilis ng tatlong linggo. Kulang na kulang. Ewan ko sa mga taong bored sa mga bahay nila pero ako
Itutuloy ko na yung dagat episode…
__________________________
Maagang gumising ang lahat. May mga pinsan nga ako na hindi na natulog. Ang mga chikiting talaga, sobrang excited kapag may lakad. Mas nauna pa silang nagising sa amin. Naaalala ko, nung bata pa ako, kahit kumain ng almusal di ko magawa kapag may field trip.
230 am pa lang e ang ingay na ng angkan Perez. May mga may dalang kaldero, bag, damit, softdrinks, karne, chichirya, candy, spaghetti, kanin, ihawan, sandok, baso, plastic, mga tuwalya, salbabida, goggles…lahat na. Aakalain mong di na kami uuwi. Haha.
Hindi na naman sumama si lolo. Kahit nung isang taon hindi sumama yun. Ewan ko ba dun. KJ ba sya o natatakot lang syang mawala yung bahay namin. Baka gumulong kasi sa kawalan, lamunin ng gubat, tirahan ng mumu. Ewan ko, nagpaiwan rin yung isang tito ko. Yun e KJ talaga, tiyak ko.
Mayaman ang isa kong tito kung tutuusin. May business sila na coco lumber. May Pajero pa. May 6 wheeler truck para sa mga coco lumber. Dun kami sumakay sa truck. Kung makikita mo kami, aakalain mong evacuation ang nagaganap. Maraming bata, dala-dala ang kanilang mga damit, kasama ng tita ko. Haha. Yung iba e sa pajero napunta. Waw.
Maliwanag ang buwan. Walang ulap, wala rin masyadong bituin. Tatay ko ang drayber ng truck. Tatlo sila sa harap kasama ang nanay at tita ko. Tapos yung wala sa pajero ay nasa likod, kasama ako. Ilan kami? 20? 25?
37 lang naman.
Hindi ko alam kung pano kami nagkasya dun (may mga gamit pa) pero naalala ko ulit ang feeling ng mga sardinas sa lata. Kawawa naman sila. Ang masakit, may walong alien pa kaming kasabay! Alien sila dahil hindi naman namin sila kamag-anak. At hindi sila imbitado. Pamilya yun (at kaibigan!) nung totoong drayber nung trak. Bakit ganun, pag mabait ang amo, abusado ang empleyado. Tsk! Asar. Kapal nila. Binalak namin ng mga pinsan kong itulak sila isa-isa habang nasa daan. Hahaha. Sayang!
Bilang patunay na malamig sa amin, magtataka ka, kasi yung mga pupunta ng beach kung hindi nakajacket e nakasweater. Haha. Ang lamig talaga ng hangin lalo na sa byahe, pag hinawakan ko nga ang braso ko parang galing sa ref!
Hindi namin alam kung saan pupunta. Sabi nila sa
Sa Lemery pala ang punta namin. Magbubukang liwayway na nung makarating kami dun. Nagkukulay asul na ang silangan. Dun kami sa isa sa mga cottage na mukhang bahay na. Bato, tapos may dalawang kwartong may tig-isang
Itim ang buhangin sa Lemery. Pino. Maputik kung basa ka. Nagtakbuhan na ang mga pinsan ko sa dagat. Syempre ako, di naman nagmadali. Matanda na e. Haha. Tiningnan ko ang dagat. May mga bangka. Nag-alok pa si manong, beinte raw ang sakay, baka gusto ko raw. Sabi ko ayaw ko. Ang kulit ni manong ayaw ako tigilan, sabi ko sige mamaya. Sabay alis.
Bumalik ako sa cottage, nakita ko nagluluto na mga tao dun, sinigang, nag-iihaw na rin. Naging bata ulit ako. Lalangoy na lang ako kaysa magluto. Hahaha. Lumublob sa dagat. Malamig ang tubig at maalat syempre. Brrrrr. Malayo na ako hindi pa rin ako lumulubog. Mababaw ang tubig. Low tide?
Hindi ngapala ako marunong lumangoy.
Umahon na ako bandang alas-otso. At nag-“hilaw” na. Nagpakuha pala sila ng videoke. Ang mga tito ko kasi adik sa videoke pag lasing na. Dahil hindi pa sila lasing, sa amin muna napunta. Napansin kong napakahusay ko palang kumanta, ang tataas ng score ko e. Haha. Tatlong score lang pala ang alam nung videoke, 95, 97 at 99. Haha.
Ok lang. Narinig naman ng madla, ng mga isda, sirena at syokoy ang malamig kong tinig. Narinig ng dagat at hindi naman umulan. Magandang senyales. Nagsawa akong kakakanta. Mga kanta ng eraserheads, teeth, mayonnaise, kamikazee, lahat ng kantang panlasing na hindi pa mula sa sinaunang panahon ang mga kinanta namin ng pinsan ko.
Tanghaling tapat, lasing na ang mga tito ko. At may libreng floor show na. Nagsasayawan na sila at kumakanta, mga tinamaan na ng alcohol sa ulo. Haha. Inawit na nila ang mga classic, Larawang Kupas, Delilah, Laklak, Luha. Buhay pa kaming lahat kaya malamang walang kumanta ng My Way. Hehe. Di ako uminom. >_< Di nga. Hahaha
Naglakad-lakad kami ng mga pinsan ko at naghanap ng bilyaran. Naglaro sa bilyarang walang borax at iisa lang ang tako. Bulok. Sabi namin magsara na sila. Tatlong table, dadalawa lang ang tako? Ni wala man lang borax, tisa o tiririt tapos P10 kada laro wala man lang nagseset. Waw naman, aakalain mong gold-plated ang bola’t tako nila ah. Hahaha.
Tapos maya-maya ay naglakad-lakad kami sa dalampasigan… para maghanap ng chicks. Hahaha. Wala naman. Puro bata o kaya nanay na ang nakita nila. O kaya mga babaeng may mga kasama na o kaya hindi naman pala babae. Hahaha. Di naman ako naghanap. >_< Di nga. Wahaha
Natulog ako sa cottage, at paggising ko ng alas tres e uwian na pala. Ayun. Sumakay ulit sa trak. Sa di malamang kadahilanan e sumikip kaming lalo.
Dalawang oras ang pabalik ng baryo, tapos muntik pa kaming banggain nung isang bus sa daan. Tsk tsk. Ang gara nga e. Bakit kapag parang mamatay ka na, nag-sslow motion ang lahat. Ang galing. Parang special effects e. Kitang kita ko yung malaking bus e, pang-field trip pa. Bus No. 1. Naisip ko nga nun, “walangjo, oi…mu…khang …ta…ta…ma …ta…ta…ma… ooops…false alarm.”
Kitang-kita ko pati yung driver na ang sarap duraan… nakita ko syang nakangiti. Tsk tsk. Sarap batuhin ng kaldero. Nanadya atang manakot ng mokong. Kung hindi kasi sya nagpreno, sapul na sapul ako sa trak. Dun sa side ko tatama e. Walangjo. Wala sanang ninong ngayon. Hehe. Marami sanang mas nakamiss sa kin. Hehe.
Nakarating rin ng maayos ng walang iba pang aberya. Pagod. Diretso kama ang mga chikiting at diretso hilik ng mga pwit. Haha. Kami naman e nag-ayos na ng mga gamit dahil umuwi rin kami sa Maynila kinagabihan.
8 comments:
hai nu kba ninong nkaka aliw kc site mu kea lagi dinadaanan ng mga tao! ^_^! grabe! andami nyo naman na lumarga! sandamukal ang pamilya pro sbi nga the more the merrier hehehe haii ninong bkt d kna nag yym?? kakamish ka nman! hihihi
wow, nabanggit ang beach, grabe apat na taon na rin pala akong hindi nakakalangoy sa dagat. well last year, nakapunta naman ako sa isa sa mga beaches sa oriental mindoro, pero di ako nakalangoy kasi trabaho ang ipinunta ko dun at hindi lamyerda, sayang.
:)
pede palang singer si ninong,,
buti ndi bumangga yung bus, dami talagang nagkalat na loko loko
kasama ba ako ninong sa mga nauto mo? LOL
ang galing ng kwento mo ninong! pati ako nag enjoy sa pasyal niyo hahah...
aba at record breaker ka pala sa videoke congRats!
more visitors to come.
ganda ng story :) kakatuwa naman..at least kahit pano ngenjoy ka rin sa maikling panahon ng bakasyon mo at ang importante e kasama mo ang family mo. :)
take care. have a good weekend! :)
nga pala..buti na lang pinalaki ako ng nanay kong uto uto ako.hahahaha!
wow! mukhang masaya ang naging swimming nyo... ganyan din ako pag excited, di makatulog! hahaha...
pareho tayong di marunong lumangoy, maituturing ba tayong mga sawing-palad? =)
hello!..hehe..aq dn date pg may trip d aq mk2log tpos d nrn aq makakain bgo umalis..gusto q na agad umalis..hehe..wla lng..aheh!
Post a Comment