~Abraham Lincoln
“I never let my schooling interfere with my education”
~Mark Twain
Pasukan na naman sa Mapua.
Gumising na naman ako nung Lunes ng umaga at pagkamulat ng aking mga mata ay sinumpa ko (sa tila ika-isangdaang pagkakataon) ang quarterm ng Mapua. Imbis na naghihilik pa dapat ang aking puwit sa matulog ulit, kumain ng almusal, magbihis, mag-ayos ng gamit, at pumasok ng paaralan.
Sumakay ako sa escort na paalis ng pabrika para makatipid ng P30.. na pamasahe. Nakatira ako sa pabrika. Pinapatira kami dun nung may-ari. Mahabang istorya. Basta may escort para dun sa isa pang may-ari (yung kapatid). Intsik kasi yun. Takot na makidnap ulit. Sinusundo yun ng escort sa Binondo.
Muntik pa akong maiwan dahil di naman nila alam na sasabay ako. Matagal na rin kasi akong panghapon. Kasabay ko ang dalawang bodyguard at dalawa pang trabahador habang papunta ng maynila. Parang ako na rin ang binabantayan nila. Haha.
Isa lang naman ang topic nila nung umaga na yun. Ano pa nga ba, e di si Money este Manny Pacquiao at ang kanyang pagkapanalo… si Bryan Viloria at ang kanyang “pagkabano”, na kamo e mag-retire na lang siya at wag na raw nya ipahiya ang mga boksingerong Pilipino dahil hindi man lang siya talaga lumaban, nagtatatakbo lang siya sa ring. Usapang pulitika, eleksyon at kung ano-ano pang balita na nagmumula kay Joe Taruc rinig mula sa AM radio ng Isuzu Fuego na sinasakyan namin.
Dahil hindi sila dumadaan ng T.M. Kalaw kailangan kong bumababa sa Luneta dahil sa Binondo pa sila tutuloy. Balik first year na naman ako. Lalakarin ko na naman mula Luneta hanggang paaralan. Bukod sa exercise, di kasi praktikal magdyip. Dahil ang distansya ng Luneta sa Mapúa ay malayo kung lalakarin pero napakalapit para sumakay ng dyip. Kumakanta na lang ako habang naglalakad para hindi nakakapagod.
Hindi ako pumasok sa Luneta. Medyo naiilang kasi ako. May stalker ako dun nung 2nd year ako. Bading ata yun. Ahaha. Tae, nakasabay ko lang yun isang araw tapos kinausap ako, hindi naman siya mukhang bading. Pero ewan ko. Kasi nung kinabukasan ng araw na yun, aba nakasabay ko ulit. Tapos paglabas ko ng Luneta (patawid ng Padre Burgos) e iikot sya at sasakay ata ng dyip. Parang hinihintay lang nya ako kada umaga para sumasabay lang sa akin.
Di naman talaga ako paranoid masyado. Pero anak ng baka, pagdating ng ikatlong araw, nakasalubong ko ulit sa Luneta. At nakaupo lang sya sa isang upuan dun, pagdating ko e tumayo at sinabayan na naman ako. Tapos hiningi ang number ko. Lintik na. Binigyan ko ng false number. Kasi naiilang talaga ako. Bakit naman nya tatanungin di ba? Weird.
Tapos di ako dumaan ng Luneta. Dumaan ulit ako dun after one week, walangjo, nakita ko syang nakaupo pa rin dun. Ano yun, inaraw-araw? At sabi nya e bakit di na raw ako nadaan dun. Stalker?! Kulang na lang ipakita nya sa akin ang log book nya kung nasaan nandun ang schedule ko ng pagdaan sa Luneta. Kamusta na raw ba ako. Blah blah blah. At di raw ako nagrereply. Sheesh. Sabi ko nawala kasi sim card ko e. Ahahaha
Di na ako dumaan ng Luneta ng tatlong buwan.
________________________
Anyway, nilakad ko ang kahabaan ng Padre Burgos. Malinis na ang sidewalk. Noon, kapag dumadaan ako dun mapanghi, lalo na dun malapit sa may MMDA, yung malapit sa Planetarium. At marami talagang mga natutulog sa mga waiting shed. Mga naka-bag. Mga bata, matanda. Ngayon, wala na sila.
Dun naman sa may golf course may mga tao rin dati, mga mag-asawa, mga baby at bata, natutulog sa mga karton. Dumudumi sa tabi ng mga puno. Walangjo. Muntik pa akong makaapak ng tae dati. Tae talaga. Ngayon malinis na. Puro mga metro aid o Pulis Oyster (kung ano man yun), tindero ng ang nakita ko.
Dahil nga bakasyon walang estudyante sa PLM. Dati, kapag naglalakad ako may matyetyempuhan kang mga babaeng taga-PLM na malamig sa mata, paminsan-minsan. Ayos naman. Refreshing. Ahahaha. Gumaganda ang umaga kapag ganun. Hahaha.
Pumasok ako sa Intramuros at nakarating sa paaralan ng 6:38 am. 7:30 pa ang klase ko. Maaga ako. Pero ok lang, nakatipid naman ako ng P30. Marami nang tao. Pumunta ng opisina at naasar dahil kung nag-UNIX lang ako noon at gumastos ng P9000.00 e six units na lang ako dapat. Di ko na kailangang pasukan ang 7:30 class ko. Sayang at di nakukuha ang mga bagay dahil sa gusto mo lang...
Tatlo lang ang klase ko pero aabutin ako ng 11 oras sa paaralan. Dahil anim na oras mahigit ang bakante ko kapag tinotal. Bulok kasi mga available na sections. Haay...
schedule ko ngayong term, parang binaril ng shotgun
Dumating ang 7:30 at pagpasok ko sa klase e nagpasalamat ako sa aking prof. Dahil passable sya. Ang problema ko lang e super boring sya magturo. Reading class ang nangyayari dahil madalas binabasa nya lang din ang nakasulat.
Naglay-out akong muli sa opisina pagkatapos ng klase. Sa init ng panahon e wala naman akong ibang pupuntahan. Matagal na akong walang barkadang maituturing bukod sa mga kasamahan sa dyaryo. Isa ako sa mga nakasira dun sa dati kong "barkada". Dahil sa mga pasaway sila at inaabuso nila ang kabaitan ko. Tsk tsk. Kaya yun. Mas pinipili ko na lang tumambay sa opisina. Naglay-out ng dyaryo. Siguradong ako na naman ang isa sa mga pinakavisible na tao sa opisina ngayong term na ito…
Dumating ang 10:30. Di ako pumasok ng klase. 10:45 na nung naalala ko ang 1030 class ko. At pagdating ko sa room ko (na room ko rin last term) e nakita ko na naman yung prof ko last term. Yung prof na nagbagsak sa akin ang prof ko uli. Isa na namang déjà vu. Di ko alam kung dapat kong ikatuwa yun pero di ako pumasok dahil late at baka pagtripan pa ako. Naalala ko nung first day namin last term e wala naman kaming ginawang matino, kaya hindi rin ako nawalan.
Mabuti na lang at merong blowout sa office. Meron din sa org (MICRO) kaya libre ang tanghalian pati na rin meryenda ko. Pumasok ako ng 4:30 at napansing mahihirapan ako sa OS Lecture ko ngayong term. Dapat talaga nag-unix na ako nun kahit mahal. Sitting pogi na sana ako. >_<
Napansin ko sa notice ng faculty namin na parang lilimang tao lang mula sa batch namin ang eligible for GC class. Tapos hindi pa nag-ojt ang isa. Tsk tsk. Yan ang sumpa ng quarterm. Mga halimaw lang ang gagraduate sa oras. E wala pa ngang 1% ata ng COE batch 2003 yun e. Walangjo talaga. Paano naging effective?
Nakakatamad pa rin ang mga klase ko. At recycled na ang mga kaklase ko. Kami kami na lang ang nagkikita. Kami-kami na lang din ang natira. Mga nagpupumilit maging halimaw kahit class A na lang at hindi na class S.
Napakalapit ko na pala talagang grumaduate. So near yet so far.
May gusto pa
9 comments:
hi ninong hehe ^_^ tagal ko rin d nka comment nways nu ba yan may pasok ka nanaman haii kakapagod tlaga maging estudyante no?? ahihihi aba! may stalker ka pala!!!! ahehe grabe naman yun ninong ang hot ng tingin nya syo matyaga kang hinihintay!!! hehehe bading ba tlaga o bka nman nkahanap lng ng mabuting kaibigan sa katauhan mo?? hehehe ^_^ ingats ka nko ninong bka alam na nya bahay mo!! wakekeke joke!! ang gulo gn schedule mo haha joke (d ko nman naiintindihan) napagtanto ko lng nga na hiwahiwalay yung kung anu mang nka sulat hehehe ingats plagi ninong!!
malamig sa mata ang mga babaeng taga-PLM? ngayon ko lang nalaman yun huh,,
ingat sa paglalakad malapit sa planetarium, balita ko marami na ang nahold-up doon,,
ano?! taga-Mapua ka pala! hmmm... may naalala lang ako... isang kaaway... hahaha!
mas ok nga ang maglakad na lang mula sa Luneta... paano kung nakita mo ulit yung stalker mo? anong gagawin mo kaya? hehehe...
nung April 16 nagstart ang term nyo, di ba? good luck, ah! =)
ninong trisem nga pala kayo sa mapua nuh? ayos lang yan.. kaya lang late ka na matulog kasi eh, ayan puyat ka 2loy.. ahihihi.. :)
@ len...sinabi mo pa... hahaha... kakapagod...n_n.
@ cha... yung iba... hehe... di pa naman ako nahoholdap.. tulog pa ata ang mga holdapper kapag alas-sais ng umaga. hehe
@ sherma / rukia... marami kang alam sa kaaway mo ah, hollow ba yan? hahaha. pag nakita ko yun ulit... wala lang. di na siguro ako ang iniistalk nya... hahaha.
@ jennifer... nocturnal ako e... hahaha.
hahaha... adik. napadaan ako dito ah.. mailink ka nga..
akala ko kasi totoong porn site... sayang...
XD
hahaha.. auko ng topic ng pasukan.. amf.. ncoming college stud na kasi ako eeh.. T_T parang sobrang hirap
hmm stalker. naks.
parang na-tour mo ako sa luneta (sa pagbabasa ko). :)
ninong ang haba ng kwento mo pati sked heheh... oks lang nag enjoy ako kaaliw! ingats sa mga stalkers hahah
wow iba din pala kamandag mo ah? may stalker? ahihihi.
anyhow.. may pasok ka na pala... oh well.. i-enjoy mo na lng.. kahit boring.
Post a Comment