“You can never know everything and part of what you know is always wrong. Perhaps even the most important part. A portion of wisdom lies in knowing that. A portion of courage lies in going on anyway.”
- ‘al Lan Mandragoran (Robert Jordan’s WOT: Winter’s Heart)
Malakas pala talagang umubos ng oras ang internet.
Walangjo.
Sa sobrang lakas e andami nang DVD sa bahay ang di ko mapanood. Andami ko nang dinownload na mga episodes na hindi pa rin nasisilayan ng mata ko ang nilalaman.
Di na ako nakakalaro ng computer games.
Pwede ka pala talaga mabuhay dito. Tsk tsk.
Last November lang kami nagka-internet. At alam kong Computer Engineering ako pero alangya, minsan nangangapa pa rin ako… kulang pa rin ang alam ko. Sa skul kasi, kadalasan nangyayari, sasabihin ng prof,
“Ah di mo ba alam ito? ASP? SQL? VB.NET? HTML? C? FLASH? PICBASIC PRO? Kawawa ka naman. Di kasama sa curriculum e. Mag-aral ka kasi mag-isa mo. Bwahahaha.”
Ang dami daming kailangan pag-aralan. At sa lawak ng lugar na ito e napakadaling maligaw. Lalo na akong tila may attention deficiency at bipolar tendencies – kuno… napakadali kong madistract. Haha.
_______________
Anyway.
Napakahabang intro. Samantalang gusto ko lang sabihin na blog-hopping naman ang kinaaadikan ko ngayon. Haha. Mula sa torrents, tapos sa forums e blogs naman ang pinagkakaabalahan ko.
Napakarami na pala talagang tao ang nagblo-blog ngayon… napakarami na nilang may topak… kagaya ko. Andami ko nang napuntahang blogs at halos lahat ng napuntahan kong site e napansin kong may cbox na tagboard. Haha. At dahil sa cbox, marami na rin silang naligaw dito. Marami na akong fans (ipinipilit ko lang..hehe)… dumadami na ang comments ko.
Huwaw.
Maraming magaling magblog… at may mga blog na hanep sa layout… ayun. Haha. Yabang! Hahaha.
_________________________
Tiningnan kong mabuti ang blog ko.
Hmm… bakit nga ba walang picture dito ni isa?
______________________
Paubos na ang gamot ko.
Haay… di ko sya matyempuhan. Anak ng baka. Kapag MWF halos alas onse na ng gabi bago ako makarating ng bahay… kung bakit ba naman kasi ke-haba-haba-haba-haba-haba na lang ng byahe ko mula skul papuntang bahay.
Bakit walang gateway? Walang shortcut? Bakit hindi ako pwede mag-teleport?!
Gusto kong lumipad.
Aywan. Di ko naman kelangan nun e… Adik lang ako.
____________
Tuyot. Nakakatuyo ng utak ang gumawa ng documentation. Nakakatuyo rin ng utak ang magpanggap. Nakakatuyo ng creative powers. Kaya ang post na ito ay wala lang... Nagbubura lang ako ng mga files sa desktop ng utak ko. Cluttered na e.
2 comments:
hallooo! wala ka ng gamot? nanunuyo? wawa ka naman... haha! tipid tipid... matutong mamaluktot? ano ba sinasabi ko... wala lang din! nyahahah! napadaan at nagbasa kaya pinilit magcomment kaso nalula bigla. oh sya! bloghop... yup, kakaubos talaga ng oras! tamo, yun nanaman ginagawa ko. asteeg! ;)
Lan rocks.. killer na philo pa :D
Post a Comment