Writing is a socially acceptable form of schizophrenia. ~E.L. Doctorow
Ok so may gusto pa akong sabihin, kaya eto may part 2 pa ulit.
Palagay ko habang dumadami ang naliligaw dito sa site na ito, e parang lalo akong naprepressure na gandahan ang mga post na nakalagay dito. Na talagang hindi naman dapat. Kasi dapat para sa akin ito e. Nagbloblog ako dahil gusto ko at di para sa inyo. Pero kung nagustuhan nyo ang mga post ko, aba bonus yun.
Nakakatuwa lang yung mga post ko kasi minsan pag binasa ko ulit, parang iba ang nagsulat at hindi ako. Huh? Ewan ko
Inayos ko ulit yung mga links dito sa blog ko. Dahil may mga links dito na walang update. At may mga blog na wala na.
Unang una, tinanggal ko na yung kay badz, tutal parang ginawa nya lang yung blog nung kainitan ng mga blogs sa opisina… nung nag-lielow ang mga bloggers, nakalimutan na ata nya na may blog pa sya.
Siguro dapat tanggalin ko na rin yung link kay sir namre dahil tapos na rin ang kanyang blogging days… pero saka na lang yun, tinatamad din ako…
Tinanggal ko rin yung kay dothz dahil wala ring updates. Siguro may bago syang blog na di ko alam…at yun yung na-uupdate.
Tinanggal ko na rin yung kay fritz dahil panahon pa ata ni kopong kopong yung huli nyang post. Tapos yung bago nyang site daw e…page cannot be found naman. So erase erase erase.
Dun sa mga taong ito, pakisabihan lang ako kung may bago kayong site…at kung gusto nyong ilink ko pa kayo dito… tutal marami naman akong fans… haha. Asa ulit.
At nakakalungkot, dahil wala na rin yung www.ronibats.com. Nakakalungkot yun dahil para sa akin magaling pa naman na blogger itong si Ronnie. At nakakatuwa rin ang mga posts nya. May mga short story pa yan na astig. Simple lang pero, nakakatuwa. Ang problema lang ata siguro e medicine ang kinuha nya sa UP. At wala siyang time.
O baka naman doctor na sya di ko lang alam. Isang taon na ata yung huli nyang post. Pero sayang yung site, nirerentahan nya pa noon yung domain name nya, baka siguro wala nang pambayad. O baka sineryoso na ang pagdodoktor.
Kung natuwa kayo sa mga posts ko, well, malaki rin ang naging impluwensiya nya. Kahit di nya ako kilala, at nirefer laang ang site nya sa akin nung hayskul klasmeyt ko na di pa naliligaw dito, e kudos sa’yo ronibats.
_______________________
Kung may mga nawalang link, syempre may mga nadagdag.
Isa na dito si sir armand… ang chickboy ng TNB. Ang taong palagay ko magiging politiko pagdating ng araw, o kaya social worker. Model rin sya. Hehe, Lumabas na sya sa isang commercial na nakita sa MTV Pilipinas. Ang kinahuhumalingan ng mga babaeng COED of the Month pati na rin ng mga kandidata sa mga pageant. Miyembro ng student council, member sa isang Unicef group, maraming koneksyon sa loob at labas ng skul, news editor, miyembro ng debate team, magaling sa badminton, mayaman, habulin ng mga babae at feeling babae, wafu, may latest weighted average na 1.10 last term, ang kaisaisang Armando “Brando” Ricardo J. Aguado, a.k.a the armand…lahat lahat na.
Ang blog ni armard ay syempre pangpolitiko, tungkol sa mga world affairs. Iba talagang antas. Sir armand, sa ofis mo na lang ako bayaran ng public relations at blog promotion fee mo. Don’t worry, may discount ka. Hehe.
Nilagay ko rin si kate dito. Di ko sya kilala, basta alam ko nag-exam sya sa tnb qualifying exams last year. Nakita ko syang nagpost sa blog ni namre. E di na rin active yun. Atsaka Di ko naman ipinagdadamot ang links ko. Kaya nagkaron sya ng link dito. At nakalink din ako sa blog nya. Wala nga lang syang post lately.
Nakalink na rin si tessa, isa sa mga probationary staff sa aming skulpaper. Nakalink din ako sa blog nya. Medyo naligaw lang ako sa blog nya dahil di ko makita yung sinasabi nya navigations…yun pala yung mga box dun. Tapos late ang pag-update ng tagboard pero ok yung blog…hehe.
Tapos habang nagsesearch ng quote ni bob ong, yung tungkol sa essay ang buhay…naligaw ako sa isa pang blog. At mukhang target ko talaga ang buong mundo dahil nasa
Nakakainggit yung mga layout nila. Samantalang itong akin, black space pa rin, dalawang taon na. Computer Engineering ngapala ako. Ewan ko lang kung may bearing ba dapat yun, pero well, may excuse ako bukod sa gasgas na rasong “wala akong oras”. Wala lang talaga akong time. Hehe. Pero sabi nga ni kuya ray nasa laman daw yan…di lang sa layout… pero ok pa rin ang medyo advanced na layout… hmm...
1 comment:
Buti nalang di u pa binura ung link ko. hehehehe... buhay parin ako. nag lie-low alng ^^
Post a Comment