Sunday, October 15, 2006

Distracted

How come great minds like us are not so lucky in love yet love like there are no other people to love anymore?
– tina (hana ga-eul)

Haha. Masaya si ninong ngayon.

Nakachat kasi nya si Jo….

Palagay nyo ba magaling lang talaga siyang tyumempo? O malakas lang talaga siya tsumamba?

Alam ko hindi ko na dapat ikinakatuwa ang mga ganitong bagay… it was hopeless from the start. Pero wala akong magagawa kung natutuwa ako. Saka minsan lang ako matuwa bakit ba makikialam pa kayo… Pakiramdam ko para akong aso, na natutuwa sa konting buto…pero ang asong ito ay masaya. At mababaw lang naman akong tao… kung di makukuha, fine. Beggars can never be choosers, sabi nila. Siguro tama yun.

Wala lang, natuwa lang ako dahil ung chat na nangyari kagabi ay kapareho ang ambience sa text marathon na nangyari noon sa amin last year… iba yung pagkakausap namin.

Matagal na kasi akong parang may kausap na tuod. Bumabato sa hangin. Kung hindi sya sasagot (na madalas mangyari), yung sagot nya puro period. Parang walang continuity, parang ayaw nya ako kausapin. Nung mga panahong yun, di ko alam kung wala lang ba talaga siyang masabi, o itinataboy nya lang ako...

Hindi ko rin alam kung apektado ba siya sa taong nasa paligid nya, kaya ganun. Kasi kagabi, mag-isa lang siyang nag-internet. Unlike before, lagi siyang may kasama.

I’m not expecting anything. I’m just taking in whatever comes to me. Kung meron e di ok, kung wala, magrereklamo siguro ako, pero ok lang. may mga bagay na habang tumatagal, natatanggap na lang ng sistema natin…

Kaya nga masaya ako e. I’ve missed those kind of conversations…

tanungin mo ako kung anong ginawa ko…well, nilagay ko lang naman sa Microsoft word yung pinag-usapan namin tapos si-nave ko sa file. These rare things should be documented para sa akin. Gaya nung mga importanteng text. Kasi may mga bagay na gusto kong binabalik-balikan. Kahit masakit.

No comments: