Monday, July 17, 2006

Happy Birthday Toyo

“But words, once spoken, can never be recalled.” – Wentworth Dillion


gusto kong magblog ngayon kaya lang wala akong maisip na ikwento… napaka-“dull” ng buhay ko lately dahil yun at yun na lang ang nangyayari lagi…puro wrong mistakes…minsan may konting up tapos puro down…dahil wala namang up sa ngayon, at may topak ako, kaya heto, magta-type lang ako ng magta-type tingnan natin kung ano ang lalabas dito…

dahil malamang nasa drawing board pa ang writer ko, walang anumang interesanteng nangyari sa nakaraang linggo. first day ulit ng term. wow. big deal? e parang isang linggo lang ako nawala ah, ni hindi ko pa nga namimiss yung skul, pasukan na kaagad?

napansin ko lang na pang-apat na taon ko na pala sa Mapúa pero COE-3 pa rin ako…ibig sabihin kulang pa ako ng units para matawag kong senior ang sarili ko…wala namang nagbago sa skul, ok… so whiteboard na sa karamihan ng rooms since last year at aircon na ung karamihan ng room sa north and south buildings since last term…

aba, nakonsensya din sila. walangjo, parehong tuition fee mo per unit pero di naman aircon ang room mo? ano binabayaran mo dun? quality education? Pah! ibig sabihin ba nun mas malaki ang kita ng prof mo? hindi rin. sa skul lang din naman napupunta yun di ba? maintenance fee?

oo nga naman, kelangan i-maintain nila yung natural air current na pumapasok sa mga room na walang aircon. pero dahil may aircon na ngayon, sige, tatahimik na lang ako.

nagwhiteboard nga, yung mga prof naman kadalasan walang marker…walang eraser. May prof ako dati papel lang ang pinambura nya sa whiteboard. tsktsk. buti pa yung office namin may dalawang pambura kahit yung isa magreretire na… atsaka mahirap kaya magbasa kapag malabo yung marker. yun bang binubura ng marker mo yung gusto mo isulat…tsktsk.

at bakit ang pangit ng schedule ko? walangjo. bakit ang sagwa nila gumawa ng sections? bakit may tths lang na subject o kaya mwf lang? pano kung yun lang ang epal sa sched mo? isa lang ang papasukan mo? ibig sabihin gagastos ako ng 60 pesos pamasahe pa lang yun (wala pa yung pangkain at panglaro..hehe) para lang makinig ng isa’t kalahating oras na lecture? mas mahaba pa ang ibiniyahe ko papuntang skul at pabalik ng bahay kaysa sa ipinasok ko. di ba? haay… mahirap talaga pag “irreg”.

nalulungkot ako dahil parang napag-iiwanan lang ako…hindi naman dating ganito, hindi na nga kayo maniniwala kung ano dati e. hindi ko alam kung kailan nagsimula magbago…pero nagyari na, at nangyayari pa rin…
__________________________________

medyo malungkot na sa ofis ngayong term. parang halos lahat ng tao may mga “pinagkakaabalahan”. PWERA AKO. wala na ring nagpupusoy. tsk tsk. kalat-kalat ang mga sked, hindi ko na nga nakikita yung iba. pero palagay ko pag may issue na ulit ang tnb, dadami na naman kaming mga nagkukumahog para sa pc…tapos may entrance exam pa…makapagpapahirap na din ako. bwahaha.

dapat ata, tumambay muna ako sa org, baka mas maraming tao dun.

may mga ugong-ugong ukol sa editorship exam…I just don’t want to think about it. wala namang hindi nangangailangan ng scholarship. nalulungkot ako at wala si sir stephen sa flour este fluor daniel scholarship, dahil dapat malaki ang chance nya dun. dapat kasama sya dun. yan tuloy, baka may masagasaan pa ako…at ayoko sana nun hanggang pwede iwasan. yun na lang maipagmamalaki ko e. kahit sinagasaan na nila akong lahat, hindi ako ang nauna…
______________________________

for some reason napaka-iritable ko nitong mga nakaraang araw. kaya pasensya na kay sir ean kung medyo nabadtrip ako sa kanya nung humiram sya ng t-shirt…hindi dahil sa humiram sya ng tshirt, kahit nga hiramin nya pa yung brief dun e. ang problema, hindi nya kasi binalik ng maayos yung mga gamit ko…e medyo nainis talaga ako, walang kaplastikan…nainis talaga ako. e kasi po, wala namang twenty seconds ang mauubos mo para ibalik lang ng maayos e.

kagaya nung nagalit si kuya ace dun sa ink na tumapon. medyo nakakainis lang po kasi talaga kung pinipilit mong panatilihing maayos yung mga bagay, tapos ginugulo lang basta. ganyan-ganyan sa bahay e. naku, yung kapatid ko parang walang pakialam minsan, lagi kami nag-aaway dahil diyan e. ligpit ako ng ligpit, kalat naman siya ng kalat. sabi ko nga sa kanya parang awa na nya, kahit wag na sya magligpit kahit kailan, sana lang hindi sya nagkakalat. pero nilista nya lang sa tubig.

anyway, hindi na ako galit sayo sir ean. ok na yun. hehe. sanay na ata ako.

nakakalungkot na rin kasing pumasok sa klase. parang laging first day ko. wala akong kausap madalas. parang lahat sila may sariling mundo. at hindi ako kasama sa mundo nila. tatawa na lang sila bigla ng di ko alam ang dahilan. may sari-sarili silang joke na sila-sila lang ang nakakintindi… kung hindi ka ba naman ma-out of place dun kung ikaw lang ang hindi natatawa, e bato ka na. dati akala ko bato ako, hindi rin pala.

madaldal ako sa klase noon. (parang ang tagal na panahon na…) at madali ring mapapatawa. somehow, hindi na ganun kababaw ang kaligayahan ko tulad ng dati… hindi na ganun kadaling matawa sa kanila…

and some people are still not talking to me.
_________________________________

mukhang nagpalit na ng number si little goth… the number you dialed is unavailable at the moment. pls try again later. wtf. kung ayaw nya magreply, e di wag…***** nya. sino ba sya? ni ha ni ho? ok fine. ewan ko ba kung bakit nangungulit pa ako…di na talaga ako matuto.

bakit, text lang naman ah. ******, ikamamatay ba nila yun?! oo lahat sila. mamamatay ba sila kung magrereply sila sa akin?! e bakit ayaw nila magreply? at bakit tinetext ko pa rin sila kahit alam kong nagmumukha lang akong ****?

nalulungkot lang ako dahil akala ko, kahit pano naka-impact ako sa buhay nila. pero kung magbalewala sila parang hindi ako nabuhay sa mundo. akala nyo ba masaya na hanggang “uy!”-“uy!” na pilit na lang lagi. at bakit kailangan ako pa ang lalapit? birthday nyo ba araw-araw?! labo nyo naman. palibhasa masasaya kayo sa buhay nyo kaya wala kayong pake sa akin…badtrip e. badtrip talaga… buti pa yung nakabundol sa akin nung 1st year kinakausap ako na parang walang nangyari… pero kayo… ay grabe. parang ako pa ang may kasalanan.

ok. tiis na lang lagi. fine, ipakita na may pride pala akong tao… I don’t need you people…you can do all you want, for all I care…

maghintay sa darating… yan ang laging sinasabi nila. MATAGAL na ako nag-aantay ah, ano ba ang nangyayari? ok, ok so hindi dapat ako nagrereklamo… pero anong gusto nyo gawin ko? hindi naman napipilit na maging masaya kung hindi…mababaliw ako pag di ko nilabas yung angst na ito…filtered pa nga yan sa lagay na yan e… I try not to think about it, pero pag tinotopak ako lalabas at lalabas yang toyo ko na yan.

gusto ko lang sabihin na mabait naman akong tao… pero bakit yung iba, ayaw nila nun?

No comments: