“Malawak ang dagat” – Kuya Ray
Gaano kalawak ang malawak?
Bad news. Bagsak ako sa Control Systems…siguro sa mga galit sa akin hindi naman talaga bad news un, kaya magpakasaya na kayo…bwahahaha. NOT TAKEN na ang nakalagay sa curriculum ko e…
Hindi tinablan ng awa…
Ang masakit dun, mukhang ako na naman ang naiwan…mukhang pasado na naman yung iba…mukhang ako lang ang nagpabaya…kasalanan ko rin naman siguro, dahil hindi ko dinamdam…ayoko man bumagsak ulit…eto bumagsak na naman ako…at baka hindi lang control systems…
Sobra naman kasi ang term na ito…ang dami kong prof na may topak. E may topak din ako…syempre mas lamang ang prof…sila lang ang masaya sa huli e…
Nakakadepress talaga kapag bagsak…
Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung tama ba itong napasok ko…
Hindi kasi ako talentado sa mga numero…ayoko na ng mga f of x, x prime, y triple prime raised to the nth power times the square root of the natural logarithm of pi…isinusuka ko yan… bilib nga ako kay Gauss, kay Seidel, kay Newton, Rhapson, Jacobi, Leibnitz, Descartes at kung sino pa mang Pontio Pilatong mathematician na nakadiskubre ng kanilang sariling paraan para lutasin ang mga problemang iilan lamang ang may alam at nakakaintindi!!!
Pero aminado akong hindi ako ganun.
At wala talaga akong intensyon na maging.
At ayoko na ng mga control systems, Laplace, Crouts, Doolittle, matrix, linear equations, non-linear equations, steady-state, axial, stress, strain, helical springs, roots, x, y, z, m, e, k, n, i, j, r, a, b, c, d, g, J, G, D, ln, log, integral, differential, method of joints, sections, ayoko na ng mga circuit ke-series pa yan o parallel, RLC, RL, Two-port, o Three Port…AYOKO na ng mga bagay na dapat pang kinokompyut!!!….AYOKO!!! AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH….!!!
______________________________________
Tanong: Gaano kalawak ang malawak?
Formula: Determine the volume of water contained in the Pacific Ocean and multiply it to the cube root of the Philippine Area of Responsibility. Use Least Square Regression and Crouts or Doolittle Method. Construct a five by five matrix and determine the quadratic equation that will result in 100 iterations in the regula-falsi method. Limit your answer to five decimal places only.
Sagot: undefined.
Thursday, March 16, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Gaano kalawak?
Pano mo malalaman ang sagot dyan kung hindi ka maglalakas loob mamangka sa dagat..
kaso di naman ako marunong lumangoy e....
natututunan naman yun eh. ang tao di ipinanganak na marunong lumangoy.. pwera na lang kung kalahti-tao kalahati-syokoy ka.. :P
Post a Comment