~Jennifer Yane
today...
i am free
free to fly
free to be what they tell me I cannot be
happy birthday to me
~Bamboo, These Days
Maligaya... maligaya... maligayang... bati.
Dahil malakas kayo sa akin, SKY IS THE LIMIT. Order lang ng order kahit saan. Sa mga hotels, sa restaurants, sa pinakamalapit na mga cantunan at karinderya, lahat ng pwedeng kainan. Espesyal ang araw na ito. Kumain lang kayo ng kumain, tutal kayo rin ang magbabayad e. Hehe.
Dun sa mga meron ng autograph ko, maari na ninyong makuha ang inyong special discounts sa pinakamalapit na suking tindahan, kasama na rin ang sobre kung saan nyo pwedeng ilagay ang inyong monetary gifts. I prefer cold cash, by the way. n_n
Maaari na ring maka-avail ng special discounts sa mga malls (SM, Glorietta, Robinson’s Rustan’s) at fastfood chains ang mga taong may authentic picture ko, depende sa quality ng picture
Maaari ring makatanggap ng special gifts ang mga taong magcocomment sa post na ito. Wahaha…Mas maraming comment, mas malaki ang tsansang manalo. Ano pang hinihintay mo? Comment na! Hahaha.
Dahil nga malakas ako sa Malacañang, e sinabi ko kay GMA na gawin naman nyang special holiday ang May 14, tutal naman minsan lang sa tanang buhay ko ako magiging beinte-uno. Once in a lifetime, ika nga.
Hmmm… pumayag naman sya agad. Baka raw kasi magtampo ako, mahirap na. Yun na lang raw muna regalo nya, saka na raw yung private jet pagkatapos ng eleksyon. Hehe. Kaya kung gusto nyo rin ipa-holiday ang mga birthday nyo e sabihan nyo lang ako, hahanapan natin yan ng paraan. >_<
Ngapala, gusto ko rin sabihing tumatanggap pa rin ako ng regalo hanggang 11:59pm ng May 21, 2007. Kaya kung gusto nyo talagang matanggap ko ang regalo nyo e ipadala nyo na yan AS SOON AS POSSIBLE. Mahirap nang sumabay sa dagsa ng mga regalo ko sa last day, kayo rin.
________________________
Haha. Tama na. Pagpasensyahan na ang debutante.
Bakit nga ba iba ang edad ng “debut” ng mga lalaki kumpara sa babae, ibig sabihin ba nun mas mabilis magmature ang mga babae? Sino naman ang nakaisip nun, at bakit pumayag ang mga lalaki? Kung ako ang masusunod dapat mga 11 years old pa lang, debut na ang mga lalaki. Hahaha.
Hmmm... dahil beinte-uno na ako, ok lang naman sigurong humiling ng 21 gifts, di ba? Parehas lang ng 18 gifts sa babae. In no particulat order ang mga ito. Hehe.
Una sa listahan ng aking gusto matanggap ay ang SONY PSP.
Pangalawa, gusto kong makatanggap ng Wheel of Time: Crossroads of Twilight.
Book 10 na ito, nabitin kasi ako sa book 9 e, tapos ang hirap magbasa ng ebook. Kung tutuusin, kaya itong abutin ng budget ko. Kaya lang, sa ngayon hindi sya priority. E kung maibibigay nyo naman sa akin, e di hindi ko na kailangan problemahin. Sa National bookstore nagkakahalaga ng P335 ang libro na ito. Kung kaya ko itong bilhin, kaya nyo rin. Hehe.
_______________
Gifts 3-10: Tutal 21 gifts ang kailangan kong punuin e lulubusin ko na ang paghiling ng abot kayang mga libro. Hehe. Gusto ko rin ng:
Wheel of Time: The Eye of the World (P335)
Wheel of Time: The Great Hunt (P335)
Wheel of Time: Knife of Dreams (P335)
Wheel of Time: New Spring (P300+)
Harry Potter and the Half-Blood Prince (paperback: P435)
Eoin Colfer: The Supernaturalist (P???)
Artemis Fowl: The Eternity Code (P???)
Ung libro ng ERAGON, gusto ko kasi matingnan kung maganda (P???)
________________________
Ikalabing-isa: isang 2GB na flash disk.
Lugi na kasi ako dun sa 128MB na flashdisk na binili ko 2 years ago sa halagang P650+. Wala nang 128MB ngayon, nahihirapan akong magtransfer ng malalaking files kasi kulang na kulang ang 128MB. At least kung 2GB, di ko na kailangang magburn pa ng cd para lang kumopya ng mga 256MB+ files. Mura na lang ito ngayon, ang isang
Update: Meron na ako nito kanina lang, eto na ang niregalo ni nanay at tatay. Hehe. Ayos!
___________________
Ikalabing-dalawa: nais kong magkaroon ng cellphone na may camera. Stick figures lang ang kaya kunan ng 3315 ko, kelangan ko pang icreate. Haha. Gusto ko
______________________
Ikalabing-tatlo: Gusto ko magkaroon ng PS2.
Alam kong may PS3 na pero ok na sa akin ang PS2. Kahit second hand lang. Mahal naman kasi ng PS3. Riddikulus. Di ko na rin naman masyadong magagamit, pero kung mapilit ka at PS3 talaga ang gusto mo ibigay sa akin, sino ba naman ako para pigilan ka, di ba? (P8000+(?))
_______________________
Ikalabing-apat: Digi-cam.
Di ako mahilig sa picture, pero pag may okasyon, syempre kailangan ng mga litrato. Matagal nang sira yung automatic camera naming ginagamitan pa ng film. Wala kasi akong alam sa digital photography kaya basta camera na tamang tama lang ang specs. Di naman kailangan magarbo o sobrang hi-tech. Kahit yung mga P6000 lang or less, ok na yun. Mas maganda kung pwede rin kumuha ng video at malaki ang capacity ng memory card. Hehe. Abusado na ata ako. Haha.
_______________________
Ikalabing-lima: video card.
Ang alam ko, walang video card itong PC kong maganda, kaya laging nagha-hang kapag masyadong maganda ang graphics ng laro. Hmm… hindi ko rin alam kung ano ang maganda, pero bigyan nyo na lang ako nung mga nasa P4000 ata yung presyo, sa pagkakaalam ko e maganda na yun.
________________________
Ikalabing-anim: RAM. Hanggang ngayon, nasa 256 MB pa rin ang RAM namin. Hmm… masasabi kong mabagal po sya, kaya naman matagal ko nang
_______________________
Ikalabing-pito: Isang portable DVD player. Yung pangsasakyan, nextbase ata ang brand nun, yung may kasama nang screen…kaya lang sobrang mahal nun, mga P25000 ata. Kaya sige, kahit yung ordinaryong DVD player na lang. Hehe. Ilalagay ko sa opisina namin, sayang kasi yung TV, minsan walang mapanood. E ang laki pa naman ng vacant ko. At least kung may DVD player dun, mapapanood ko yung mga nakaimbak na DVD sa bahay. Sabi nina venz, sa raon daw, mga P2000 lang, meron ka nang matino-tinong DVD player.
_______________________
Ikalabing-walo: Isang laptop.
Sobrang kailangan ko nito, kasi Computer Engineering ako. Haha. Wala lang, maganda ang may laptop kang dala-dala sa school. Gusto ko
Sa ngayon, wala na akong maisip pang ibang regalo. So hanggang 18 pa lang muna. Hmmm, siguro ibabalato ko na lang sa inyo yung natitira pang tatlo, kayo na ang bahalang pumili ng ibibigay, pero maganda kong tatanungin nyo muna ako kasi baka meron na ako nun e. Wahaha. Sabihin nyo lang sa akin kapag ready na ang regalo nyo, at ako nang bahala magbigay ng mga detalye kung paano nyo ito maipapadala sa akin. Ahahaha.
Kung hindi kayo dumadalaw dito di ko alam kung mapagtyatyagaan kong gumawa ng post na ganito kahaba. Hahaha. Aaaack. Nagiging dramatic na ang post na ito. Hmmm… dapat masaya.
Sana matupad ang mga wish ko. Sana hindi pa rin ako late.
