Naiistress na naman ako sa trabaho...
Hindi dahil sa dami ng gagawin o hirap ng ginagawa. Gumawa na naman kasi ako ng kalokohan. Ok lang naman ata yun dapat. Siguro. Kasi yung isa kong kasama mga 1 month na nya ginagawa wala naman nangyari sa kanya. Nakigaya naman ako. Tsk tsk.
Talaga naman.
Tapos bigla-bigla may magkakalat ng tsismis na may natanggal sa ibang team. Sa ibang lugar. Di ko alam kung ano yung ginawa nun at ganun kabigat ang parusa nya. O kung pano nahuli. Baka naman sobrang nawili. Pinabalik daw e. Tapos ayun last day na raw. Ngi naman. Di ko nga alam baka pakulo na naman yang mga rumor na yan para masindak kami.
Epektib. Nasindak ako e. Ambilis kasi e. Iba talaga pag 1st world ang internet. Nakakaadik ang bilis. Nakarami tuloy ako. Sabi ko pa naman di ko gagawin yun. Ginawa ko rin. Sana kung nagkalat sila nyang rumor na yan, pasimula pa lang ako. Emp talaga.
Nastress talaga ako. Inaantok ako kanina, nawala antok ko. Di rin ako makatrabaho. Langya. Nainception ako. Di ko maalis sa isip ko. Baka di ko pa maenjoy weekend nyan. Asar.
Sana tinatakot ko lang sarili ko. Naku. Kahirap pag nagkataon.
Sana katulad lang nung di kami nakapasok sa building. Hay. Experience talaga. Minsan kahirap kunin. Lalo na yung mga ganitong kasakit sa ulo.
Sana wala lang sa kanila dito yun. Gusto ko magtapos ng february dito.