Thursday, February 22, 2007

Mada mada da ne

Being miserable does not make you special, it just makes you… miserable.
-Dr. Wilson, House M.D.

Just waiting for my blogging mood to arrive.

Pakiramdam ko ngayon, gusto ko lang humilata o kaya naman ay tumingin sa kawalan at tumunganga. Tinatamaan ako ng pagkabagot… Sinumpong na naman ako ng aking lumang karamdaman… katamaran.

Marami pang gagawin pero mas gusto ko munang magblog. Isa sa mga perks ng pagiging member ng skulpaper e ang pagiging last man sa conveyor belt ng documentation. Kapag sinuwerte, nasa kanila na ang input at taga-edit ka na lang. Syempre minsan, major edit talaga, pero mas mabuti na yung may ieedit kaysa mag-iisip ka pa ng pangbabarbero na gagamitin mo sa documentation nila…at nasa waiting mode pa ako ngayon.

Ang pinakamalaking disadvantage sa ganitong set-up ay dahil mahilig silang gumawa ng documentation kapag malapit na ang deadline. Kaya gahol na lahat sa oras pag natanggap ko ang kailangan ko…tsk tsk…

Anyway…

Kung mabibigyan lang ako ng karapatang pumili ng aking superpower e gusto ko talagang hilingin na mapatigil ko ang oras. Kahit may specified time limit, pagtyatyagaan ko. Kunyari mapapatigil ko ng 1-2 hrs a day ang oras. Solve solve na ako dun.

Yung parang sa OK Ka Fairy Ko. Pipiktik lang ang mga diwata este engkantada e freeze lahat sila. Tapos pipitik lang uli e back to normal na. Teka, pumipitik ba? May problema na naman ang memory ko. Parang sinasabi ata nila “Freeze” tapos “Defrost”. Parang refrigerator. Ewan. Basta ganun. Pag pinatigil nila ang oras, parang walang nangyari. Hindi alam nung iba na tumigil pala ang oras. Minsan nga naigagalaw pa yung mga body parts nung mga nakafreeze. Gusto ko ng ganung kapangyarihan.

Magagamit ko yan pag emergency. Pag malapit na ang mga deadline. Pag parang gasolina na ang oras at tumataas na ang halaga. Kasi kapag ganun, kailangan mo talaga ng marami. Parang law of supply and demand. Pag mataas ang demand, bumababa ang supply. At ang presyo, syempre tumataas. At kapag oras ang pinag-uusapan, e lalampas pa yan sa gold.

Pag exam, pwedeng pwede rin gamitin ang power na yan. Pero sige, hindi ko na gagamitin sa exam. Partida na. Hehe.

O kaya, pwede rin akong humiling ng kapangyarihang mahati ang sarili ko sa dalawa. Para hati kami ng gagawin. Teka, hindi pala hati…dapat doble. Para masaya. Hati kami ng gagawin, ako ang gagawa ng blog, maggigitara, magdrodrowing, magbabasa, magsusulat, tutunganga, mag-iinternet, magbibilyar...

Tapos sa ka-double ko na lahat ng schoolwork, mga assignment, project, pagpasok sa klase, pakikinig sa lecture, pagsagot ng seatwork, report, recitation… sige kahit puro schoolwork na lang ang gawin nya ako na bahala sa iba. Akin na rin ang household chores para wala siyang reklamo.

At tutal power ko naman ito, e gusto ko na yung mga natutunan ng ka-double ko e napupunta rin sa akin pag nagsama na kami ulit. Yun ang astig dun. Ibig sabihin lahat ng natutunan nya e matututunan ko rin. Dapat lang. Pareho lang naman kami e.

Naalala ko tuloy yung hunter x hunter. Isa sa mga branch ng Nen ay ang Gugenka o Materialize… ibig sabihin yung aura mo kaya mong gawin na kahit anong power. Yun ang ginamit ni Kurapika para sa mga chains nya e. Astig yun.

Ganun din yung kay Kuroro sa pagkakaalam ko. Pero wais sya, kasi ang pinili nyang imaterialize ay isang libro na nangunguha ng powers ng iba. Ako naman, ok na para sa akin na maging pangalawang ninong ang aura ko. Hehe.

O kaya naman, mapagtyatyagaan ko na rin ang kapangyarihang magteleport. Kahit saan. Para tipid sa pamasahe. Tipid sa oras. Kukurap lang ako nasa skul na ako. Ibig sabihin pwede ako tumambay sa bahay kapag vacant ko. Pag tinatamad ako, pwede na ako umuwi agad. Pag sinipag bigla, pwede ring pumasok agad. Pwede rin akong magworld tour ng walang kahirap hirap. Pwede ko magawa yung past time ni sir armand. Yung pag-aalmusal sa hongkong tapos dinner kinagabihan sa London.

Ako naman, pwede na ako maglunch sa Tokyo, tapos magdessert sa New York. O kaya mag-luch ulit sa Milano. Hehe. Makakita na ako ng snow at makakagawa ng snowman. Tapos bago pumasok sa skul, dadaan sa Hawaii o sa Florida para maligo muna sandali.

Pero dahil napakaimposible ng long distance teleportation kahit sa pangarap e ok na ako sa teleport ability ng sorceress sa Diablo 2 na laro. Kasi dun pwede ka magteleport hanggang sa kayang abutin ng line of sight mo. Ok na ako dun. Lalo naman yung teleportation ni Nightcrawler with matching effects, but I think I can do without the skin.

n_n
______________
Napanood ko sa Golden Globe awards ata yun, na nanalo ng best actor si Hugh Lorry ng House M.D. Nakalimutan ko na yung eksaktong category pero para sa kin tama lang na nanalo sya. Bagay sa kanya yung role, at ang nakakatuwa may British Accent sya. Pero pag pinanood mo sa tv, e American accent naman ang gamit nya. Hehe. Galing. Ayos nga rin yung House M.D. salamat kay Drei sa pagmulat sa akin. Hmmm… pinapanood ko rin yung Scrubs. Ayos din, nakakatawa. Napapanood ko sila dahil sa mga DVD. Sayang at wala pa akong makitang bagong season ng Monk.

Congrats sa’yo pareng Hugh, mamaya na yung libre mo, wag mo kalimutan. o_O

Pero tinigilan ko muna yung House M.D. at Scrubs kasi masyadong medical e di naman ako nagmemedicine. Sinubukan ko isaksak itong DVD ng Numb3rs pero alangjo, hindi nare-read ng DVD, ibabalik ko nga ito.

Kaya naman pinapanood ko ngayon ay Prince of Tennis. May DVD ako ng Ep 1-188 ata ito… hehe… nakakatuwa pala itong anime na ito. Hehe. Dati ko na kasi napapanood sa channel 11 kaya lang nagcocomputer ako nun kaya hindi ko napapanood lahat. Kaya inulit ko ulit at nasa episode 10 na ako. Ok naman.

Parang gusto ko na ring maglaro ng tennis!!! Hehe.

Mada, mada da ne!!!

Hehe. Nakakarelate si ate yunisee, kasi sya ang princess of tennis… hehe! Ate yunisee, yung bayad mo sa akin pag nagkita na lang tayo ha.. hehe.

Si sir armand hinihintay ko pa yung promotional fee… tsk tsk…O_o
_________________________

Ngayong term, marami akong iniwasang tao sa Mapúa. Una na sa listahan ang mga kagrupo ko sa design. Ewan ko ba, pero parang ayoko nakikita sila. Para kasing may mga sticker sila sa noo na ang nakasulat ay “TRABAHO AKO”. O kaya naman, “LAGOT KA, ABALA AKO”.

Kaya hanggang maaari ayaw ko silang nakakasalubong. May mga taong di maiiwasan dahil kaklase ko sila pero hanggang maaari talaga e wag ko sila makita. Gusto ko naman gumawa at tumulong kaya lang ewan ko ba. Pag may natatanggap akong text sa cellphone, napapahiling ako sa taas na sana hindi ko kagrupo ang nagtext. Minsan kasi masyado silang demanding… Oh well.

Minsan, iniiwasan ko rin ang mga ka-org ko sa MICRO. Kasi naiilang ako, palibhasa di na ako palatambay dun. Minsan nga hindi ko ginagamit yung isang hagdanan sa Mapúa kasi halos tumbok nun e yung table namin sa org. Minsan naglolong-cut pa ako para hindi lang ako mapadaan dun. Pero dahil nitong mga nakaraang araw ay daan na ako ng daan ng table, at tumatambay na rin… e unti unti na akong nagiging medyo komportable ulit.

May isa pa pala akong taong iniiwasan sa Mapúa. Babae naman. Ang nakakatawa dito e noong first year ako sa Mapúa e halos sya lagi ang kasama ko. Ang nagmulat sa akin sa mga blogs. Tsk tsk. Memorize din nya ang Sobakasu….kaya nyang kantahin ng buo kahit hindi sya marunong ng Hapon. Yung pinakapaboritong anime ang Samurai X. Yung main topic ng Merely Hopeful post ko nung December 2005.

Iniiwasan ko itong tao na ito dahil ilang na ilang sya sa akin. At ilang na ilang ako sa kanya. lalo na dahil inaway ko sila dati. Nagalit kasi ako e. At dahil bihira lang ako magalit, pag nagalit ako, ang lakas ko manira at makasakit… Yung tipong talagang lalayo sila pagkatapos. Hindi ko nga sila pinansin ng isang taon. At nung pinansin ko na e, wala na. sira na ang pagkakaibigan (kahit saan mo ilipat yung punto sa word na ito ay applicable). sayang lang, kasi parang best friend ko na sya nun. Ay naku, pinakamalapit na taong napalapit sa akin. Tsk tsk.

Lumala ang pagkadada ko dahil sa kanya. tsk tsk. Naalala ko yung isang quote na ang sabi e may mga taong dumadaan sa buhay natin na sa pag-alis ay tuluyang nababago tayo. Isa sya dun. Isa rin sya sa dahilan kung bakit pessimistic na akong tao, at napagtanto kong may mga masweswerte sa buhay...pero di nga lang nakukuha ng isang tao ang lahat ng gusto nya. At pag minalas sya, yung pinakagusto nya pa ang di nya makukuha.

At sabi nga ni sir ean at Melissa, minsan kapag iniiwasan mo ang isang tao e lalo mong makikita. Kaya nga yung mga kagrupo ko sa design e lagi kong nakikita. Tsk tsk. At nitong nakaraang linggo, lagi ko rin syang nakikita. Pag nakikita ko sya. Wapak. Naghahang ako ng ilang segundo. Syempre iba pa rin yung pagkaka-hang ko kay Jocelyn pero anyway…natitigilan pa rin ako.

Ewan ko kung nakikita nya ako. Pero hindi nya pinapahalata. Hindi nya ako pinapansin o napapansin. Alangan namang ako pa ang pumansin sa kanya. Sabi nya noon, magkaroon naman ako ng konting pride. Ayan, nasobrahan nga ata ako e. Hindi nya siguro naisip na sa kanya ko gagamitin. Hehe.

Siguro nga tama sya ng desisyon at yung kagrupo ko sa design ang pinili nya. Na kaibigan ko rin pala noon. Na inaway ko rin dahil backstabber nga yun e. Na kinampihan nya pa. Tsk tsk. Pero siguro nga, tama sya ng pinili… kasi hanggang ngayon, sila pa rin e. Natagalan nila ang isa’t isa. Haha. At nakapagrevert kaagad ako bago tuluyang maging baliw. Yun nga lang e wala rin nangyari dun.

Gusto ko sana, e kahit ano lang…friend na lang ba. Kahit wala na yung dati. Kahit kausap lang. Tsk tsk. Kaya lang laging ako pa ang dapat gumalaw. Wala rin naman nangyayari. Ilang pa rin siya. Ilang pa rin ako. Sana lang hindi ko na sya nakikita para hindi ko na naaalala…

Mada mada da ne.

Hehe. Yan. Si sir ean kasi ang drama ng post napadrama tuloy ako… hohohoho. Ang haba ng post na ito ah.

Ngapala kung di mo pa rin gets yung title. Pakigoogle na lang. tamad na akong mag-eplain e… hehe. 1600+ word na ito.

Wednesday, February 21, 2007

Design 2 Blues

Motto touku made isshoni yuketara nee
Ureshikute sore dakede
Omoi de wa itsumo kirei dakedo
Sore dake ja onaka ga suku wa
Honto wa setsunai yoru nanoni
Doushite kashira? Ano hito no egao mo omoi dasenai no

Siguro di nyo na-gets ‘no? Excerpt yan dun sa unang opening song ng Samurai X. Sobakasu ang title nyan. Astig yang kanta na yan para sa akin. Ewan ko ba kung bakit, pero gusto ko yung mga kanta na mabilis ang bato ng lyrics…parang nakakatuwa kantahin… hehe… para kang naglalaro… wordplay…kaya may mga kanta rin si Jason Mraz na gusto ko…

Pero sa totoo lang, wala akong hilig sa rap. Lalo na sa pinoy rap. Minsan, sa sobrang walang kwenta nun e mas maganda pa sa pandinig ang platong paulit ulit na nababasag. Gusto ko lang talaga e yung mabibilis ang lyrics…

Anyway, para sa mga di biniyayaan ng linguistic talents, ibibigay ko na ang meaning nung mga lines na nasa taas…eto yung meaning nya per line…pinalitan ko yung his ng her kasi asiwa naman yun…hehe…

I wished we could go together farther,
It would be joyful enough to...
Memories are always beautiful,
But with only that you can't live.
Tonight should be a really sad night,
But why? Actually I can't remember her smiling face.

Nakakatuwa ang mga hapon. Parang napakadali lang sa kanilang gumawa ng kanta. May kadayaan din ang lenggwahe nila… biruin mo yung mga syllables e napakaflexible… kaya kahit anong hati pwede… kahit nahahati na yung word e astig pa rin pakinggan… kaya may mga kantang pang-anime na sinasabayan natin kahit di natin alam ang lyrics…

Sawang sawa ako dyan sa mga anime songs kapag linggo. Simula 3rd week ng February e parang naging simbahan ko na ang skul… kasi nandun ako tuwing linggo. Gumagawa ng design. Nagpapanggap. Nag-uubos ng oras. Apat na lang kami sa grupo dahil nagdrop na yung isa. At yung mga natira sa grupo ko e puro intsik.

Ni hao? Kamusta naman? At ang mga intsik na ito ay mahilig sa kantang hapon. Ay walangjo, kahit yung mga super bagal na kantang anime na parang love song ay di nila pinalampas… tsk tsk…

Akala ni sir ean ok na ang prototype namin. Aba, akalain mo, akala ko rin e… Pero mukhang mali tayo ng akala. Si mamsir kasi…aaargh…. Out of 10 points para sa prototype e 3 points lang pala binigay nya sa amin… samantalang gumagana naman ang prototype namin… tsk tsk… Ay naku, nakakapang-init ng laman.

Pipilitin pa rin naming magdefense sa kanya, kahit na nagpapahiwatig syang di kami aabot… E di nya ba napansin na napaka-unfair nya… Ay naku, ayoko muna magkwento ng details… saka na lang. Sapat nang malaman mong nakakaasar sya dahil ang dating e napakainconsiderate nya sa amin… kumpara dun sa ibang grupo… natural matatapos nila yung project nila dahil kumpara sa amin wala sa kalingkingan nung nakaassign sa kanila… kaya nga walang makalusot sa mga kapareho namin ng design problem e… kasi nga sobrang hirap…battery pa lang na ginagamit namin e luging lugi na kami e… tapos sila PC based samantalang kami kelangan microcontroller-based… tapos daming patsutsu…daming paarte… ayan…magtaka pa sya kung di kami umabot sa expectations nya…e di sana wag na sya mag-expect…sino ba nagsabing mag-expect sya?

Ang dating kasi, akala mo kung sino silang magaling…lalo na yung kasama nya… e sana lang nagawa nila yung pinagagawa nya sa amin…para malaman nila. Atsaka, feeling ata nila yung kanila lang subject namin e… Nagpalit-palit ng schedule… e alangjo, kaya ko nga kinuha yun ng sabado para plantsado schedule ko e… wala… nangyari tuloy lalong nagkasabog sabog…

Ang masakit, kahit bumagsak ako ngayon sa kanya…next term, sya pa rin ang prof ko, 98%... Tsk tsk.

Argh. Ayoko na ng ganyang usapan…palagay ko nga isa ang DESIGN 2 sa mga dahilan kung bakit natuyot ang aking writing powers sa ngayon… tsk tsk… + yung zero lovelife nakadagdag din yan…ohohohoho…

Nagdebut na pala ang kapatid ko nung sabado. Nagpunta pa ako ng Batangas, dahil dun ginanap yun kina lolo’t lola…wala…parang timang ako nung pumunta ako dun kasi wala pa akong tulog. Ayun…tinamad na naman ako magkwento… tsk talaga…

Malapit na rin akong mag-“debut”… hehehe…

Tuesday, February 20, 2007

Dry Spell

Gumawa na ako ng ilang draft para sa post na ito… pero wala… hindi ako natutuwa… kung di ako natutuwa, matuwa pa kaya kayo?

Parang ayoko magpost dito kung di lang din ako matutuwa.

Siguro natutuyuan lang ako… o kaya kapag oras na magpost…wala na ako sa mood.

Kapag nasa mood naman ako…wala akong time. Dahil sa totoo lang, nakakaubos din ng oras ang pagpapanggap…

Ang susi siguro ay nakasalaylay sa hindi pagmamadali. Hindi naman kayo mamamatay kung wala kayong post na makita dito. Siguro malulungkot kayo… Nyehehehe.. More likely, mananabik kayo… hehe…

Pero teka… habang type ako ng type..baka may lumabas at may matype akong maganda… baka humaba ang post na ito… hindi rin natin masasabi… inuunahan ko lang kayo na wag kako kayong pakakaasa masyado…

Ngapala, may idinagdag pa ako sa aking link list… dyan oh…yung iba pang may topak… hmmm… after 1 year or more, nalaman ko na rin ang blog ni ate pia… at yun, nakalink na sya dito. Sya ang ultimate commander ni Sir Ray. Ang supreme umpire ni Armchair Quarterback. Kumbaga sa C.A.T. sya ang commandant, kumbaga sa Great Britain sya ang prime minister. Hehe.

Yung isa ko pang dinagdag ay si sir Enrique Villasis. Kung hindi nyo pa siya kilala, sya ay isang graduate ng Mapúa. At isa ring manunulat. Nanalo sya ng ikalawang gantimpala nung isang taon sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa kwentong De Lata… I-google nyo lang ang pangalan nya para malamang ako’y nagsasabi ng totoo… hehe…

Palagay ko magdadagdag pa ako ng ibang link… pero hmmm… baka next week na… gusto ko kasi kapag nakalink dito medyo nabasa ko na yung blog nila… hehe… wala lang, trip lang… angal ka?

Waw. Mahaba na ah… Hinihintay kong mag-OL siya ngayon. Hehe… wala lang… baka kako mag-online yun tao e… pero palagay ko hindi sya magpapakita ngayon… kasi madalas bago magnine yun mag-online e… saka 30 mins lang lagi. Siguro busy na naman. Haha. Nakausap ko ngapala ulit sya nung 15. Wala na naman masyadong napag-usapan kasi wala na akong masabi e. E wala rin sya gaanong masabi. Damnit.

Tuesday, February 13, 2007

Valentine's Special

Some people come into our lives and quickly go. Some stay for a while, leave footprints on our hearts, and we are never, ever the same.
~Flavia Weedn

The lover is a monotheist who knows that other people worship different gods but cannot himself imagine that there could be other gods.
~Theodor Reik

Where you used to be, there is a hole in the world, which I find myself constantly walking around in the daytime, and falling in at night.
~Edna St. Vincent Millay

Missing you could turn from pain to pleasure, if I knew you were missing me too.
~Author Unknown

Have you ever been hurt and the place tries to heal a bit, and you just pull the scar off of it over and over again.
~Rosa Parks

Ask me why I keep on loving you when it's clear that you don't feel the same way for me... the problem is that as much as I can't force you to love me, I can't force myself to stop loving you. ~Author Unknown
_______________________

Hello readers, you are now reading ninong’s Valentine special.

Bilang pampagana, dinamihan ko na ang mga quotations sa simula ng post… para magmukhang special talaga… kasi kumbaga sa regalo, andaming balot.

Nararamdaman ko na ang simoy ng hangin sa labas. Malamig… At dahil hindi naman Pasko, malamang Valentines Day na… hehe…

May date si ninong.

Hahaha… Asa naman. Besides, matagal ko nang sine-celebrate ang Singles Awareness Day. You can’t just break tradition like that.

Hmmm… ano ba ang gagawin ko bukas. Papasok ng maaga sa skul, mag-aaral para thermo exam kunyari, tapos tutulong sa pagdidistribute ng skulpaper, pupunta siguro sa EB ng MapuaOwnage ng 12, papasok sa lecture ng 3pm-6pm. May vacant hanggang 730, tapos lecture ulit 730-9pm. Uwi. Tapos ang araw.

Ok lang. Walang date dun ah… Kaya wala ring gastos. More money for me.

Nandayo!

Binalikan ko ang tinype ko at napansin kong wow, sourgraping pala si ninong dun ah. Haha… Gusto ko lang sabihin na no big deal. Arrrgh, di nga e… kulit mo…. Arrrgh… Alam ko iniisip mo, bad ka… di nga e… di nga big deal… di nga big deal. Period.

Sino ba nagsabi na kailangan may date kapag Valentines Day. Hoy! Gumising kayo… ang Valetines ay pakulo lamang ng mga negosyante at komersyalismo para lumaki ang kita ng mga bulaklak, tsokolate, malls, restaurants, sinehan, hotels, cards, at kung ano-ano pang pwede puntahan at ibigay sa taong gusto mong bigyan ng regalo.

Haha. Teka ninong, parang bitter ka nyan ah.

Wala lang. Nag-online ngapala siya kanina sa ym. At aba, may webcam pa. Tinanong ako kung may webcam ako… nye…wala e… tanong ko musta, sabi nya ok lang, tanong ko ulit musta work, sabi nya ok lang…marami raw naiinggit… bakit naiinggit? Kasi raw matatanda na sila. Sabi ko dahil lang dun? Blah blah. Di nagreply. Send message. Walang reply. Message. Message. Message. Walang reply.

Kaya naman nagkasya na lang ako sa panonood ng webcam nya. nasa computer shop kasi sya e. DAMN. May lumabas na view my webcam option. Hindi ko dapat pinindot yung VIEW MY WEBCAM… hindi dapat. No no no. Dapat may warning yun e... Don't Click Me Unless You Want to Die.

Ayun napindot ko pa rin. kahit may warning pa yun, alam nyo namang pipindutin ko pa rin yun paulit-ulit... At yun tuloy, parang natadyakan na naman ako sa ulo. I’m numb.

Naka light blue syang tshirt… tapos naka lugay ang buhok. Medyo lampas hanggang balikat. Mukhang bagong gupit na naman sya. Simple lang pero.... WHOA... WHOA talaga mga pare... WHOA WHOA WHOA... Haay… bigla akong nalungkot…kasi kung gumaganda sya lalo, lalo akong lumalabo…ganun lang yun kasimple…

teka, di ko na dapat iniisip yun ah. tsk tsk... the vision is short-circuiting the switches that actually make me think. Houston, we have a problem.

Tingin lang ako. Ngiti sya. Tapos type. Sino kaya kachat nya at tawa sya ng tawa?

Samantalang di man lang sya nagrereply sa akin. 'Tong Pangit na to… message ako ulit.

Still no luck. We are now entering radio silence, Houston.

Ano ginawa ni ninong? Ang siraulo, pinindot ang printscreen… open ng word document. Paste

Printscreen paste… printscreen paste… printscreen paste printscreen paste… printscreen paste (repeat until fade).

Nagsign out sya. Wala man lang bye?

LUL!
_______________

“When will it be over? When will it be over?” – Adrian Monk

That’s just too damn frustrating. And to think, I even stopped working on that picbasic pro compiler to chat with her. Aaargh. She is making me pay every single time for the things that I didn’t do… And it’s really sad.

Should stop thinking about her. Should stop. It’s hopeless.

I wish I could stop.

Let it end.
__________________________

I had spent the whole day trying to work on that data communication protocol for that stupid design project I’m losing precious hours to. That it is very sickening is an understatement. I was almost wishing that murder is not punishable by law. That way, I could kill professors at will and get away with it.

I even had to code that stupid protocol I was conceptualizing. And “commanding” a microcontroller is very difficult. You might think computers are “wise”, but they’re so stupid… I find it hard to talk with them using machine language.

I was able to create a feasible code, I think, only to find out that my groupmate who assigned that task to me was already done with what I was doing. What a waste.

I should have started that powerpoint presentation in COMORG.

Life is filled with things we should have done and yet we did other things for nothing.
-ninong

_____________________

dahil nga special post ito... we will wrap it up with a song...

Linger
by Cranberries

If you, if you could return
Don’t let it burn, don’t let it fade
I’m sure I’m not being rude
But it’s just your attitude
It’s tearing me apart
It’s ruining everything
And I swore, I swore I would be true
And honey so did you
So why were you holding her hand
Is that the way we stand
Were you lying all the time
Was it just a game to you

But I’m in so deep
You know I’m such a fool for you
You got me wrapped around your finger
Do you have to let it linger
Do you have to, do you have to
Do you have to let it linger

Oh, I thought the world of you
I thought nothing could go wrong
But I was wrong
I was wrong
If you, if you could get by
Trying not to lie
Things wouldn’t be so confused
And I wouldn’t feel so used
But you always really knew
I just wanna be with you

And I’m in so deep
You know I’m such a fool for you
You got me wrapped around your finger
Do you have to let it linger
Do you have to. do you have to
Do you have to let it linger

And I’m in so deep
You know I’m such a fool for you
You got me wrapped around your finger
Do you have to let it linger
Do you have to, do you have to
Do you have to let it linger

You know I’m such a fool for you
You got me wrapped around your finger
Do you have to let it linger
Do you have to, do you have to
Do you have to let it linger

Monday, February 12, 2007

Aargh

nakalagay sa lower right ng pc ko 2:20 am. gising pa ako... gusto ko nang matulog... pero heto nagblog muna ako... may dapat pa akong gawin pero walang pumapasok sa utak ko... gagawa pa ako ng powerpoint para sa COMORG... pero kailangan pang mag-isip ng protocol para sa design 2... argh...

nanood ako ng interschool game kagabi... ME vs. CE... mechanical engineers vs civil engineers... andaming tao... 9:00 na pero punong puno pa rin ang gym.... Yung mga ME pala 6 times na champion na ng interschool. Tanungin nyo ako kung bakit madaming tao? Ganun ba karami ang CE sa Mapua at napuno nila ang lampas kalahati ng gym?

Madaming tao kagabi dahil gaya nga nung sabi nung isang manonoodl...

"Maraming kinabukasan at date ang nakataya sa labanang ito!!"

arghhhhh...saka ko na lang ito itutuloy...

Saturday, February 10, 2007

Iba Pang May Topak...Noon at Ngayon

Writing is a socially acceptable form of schizophrenia. ~E.L. Doctorow

Ok so may gusto pa akong sabihin, kaya eto may part 2 pa ulit.

Haay naku, ayoko na isipin kung medyo ayos ba itong post ko… ok so pasensyahan na lang kung hindi kayo masyadong matuwa.

Palagay ko habang dumadami ang naliligaw dito sa site na ito, e parang lalo akong naprepressure na gandahan ang mga post na nakalagay dito. Na talagang hindi naman dapat. Kasi dapat para sa akin ito e. Nagbloblog ako dahil gusto ko at di para sa inyo. Pero kung nagustuhan nyo ang mga post ko, aba bonus yun.

Nakakatuwa lang yung mga post ko kasi minsan pag binasa ko ulit, parang iba ang nagsulat at hindi ako. Huh? Ewan ko malabo din e… Ayaw ko iexplain. Tinatamad ako. Asa ka.

Inayos ko ulit yung mga links dito sa blog ko. Dahil may mga links dito na walang update. At may mga blog na wala na.

Unang una, tinanggal ko na yung kay badz, tutal parang ginawa nya lang yung blog nung kainitan ng mga blogs sa opisina… nung nag-lielow ang mga bloggers, nakalimutan na ata nya na may blog pa sya.

Siguro dapat tanggalin ko na rin yung link kay sir namre dahil tapos na rin ang kanyang blogging days… pero saka na lang yun, tinatamad din ako…

Tinanggal ko rin yung kay dothz dahil wala ring updates. Siguro may bago syang blog na di ko alam…at yun yung na-uupdate.

Tinanggal ko na rin yung kay fritz dahil panahon pa ata ni kopong kopong yung huli nyang post. Tapos yung bago nyang site daw e…page cannot be found naman. So erase erase erase.

Dun sa mga taong ito, pakisabihan lang ako kung may bago kayong site…at kung gusto nyong ilink ko pa kayo dito… tutal marami naman akong fans… haha. Asa ulit.

At nakakalungkot, dahil wala na rin yung www.ronibats.com. Nakakalungkot yun dahil para sa akin magaling pa naman na blogger itong si Ronnie. At nakakatuwa rin ang mga posts nya. May mga short story pa yan na astig. Simple lang pero, nakakatuwa. Ang problema lang ata siguro e medicine ang kinuha nya sa UP. At wala siyang time.

O baka naman doctor na sya di ko lang alam. Isang taon na ata yung huli nyang post. Pero sayang yung site, nirerentahan nya pa noon yung domain name nya, baka siguro wala nang pambayad. O baka sineryoso na ang pagdodoktor.

Kung natuwa kayo sa mga posts ko, well, malaki rin ang naging impluwensiya nya. Kahit di nya ako kilala, at nirefer laang ang site nya sa akin nung hayskul klasmeyt ko na di pa naliligaw dito, e kudos sa’yo ronibats. Sana buhayin mo ulit ang site mo.

_______________________

Kung may mga nawalang link, syempre may mga nadagdag.

Isa na dito si sir armand… ang chickboy ng TNB. Ang taong palagay ko magiging politiko pagdating ng araw, o kaya social worker. Model rin sya. Hehe, Lumabas na sya sa isang commercial na nakita sa MTV Pilipinas. Ang kinahuhumalingan ng mga babaeng COED of the Month pati na rin ng mga kandidata sa mga pageant. Miyembro ng student council, member sa isang Unicef group, maraming koneksyon sa loob at labas ng skul, news editor, miyembro ng debate team, magaling sa badminton, mayaman, habulin ng mga babae at feeling babae, wafu, may latest weighted average na 1.10 last term, ang kaisaisang Armando “Brando” Ricardo J. Aguado, a.k.a the armand…lahat lahat na.

ayun naimpluwensyahan na rin syang gumawa ng blog. Sa vox naman nya nilagay, at yung mga link nya dun syempre mga babae pa rin…mga high level na tao…hanep talaga ang aura ng tao na ito. Kaya lang di open access ang blog nya. Ganun talaga pag high profile na tao… maingat sa internet… mahirap na raw… hehe…

Ang blog ni armard ay syempre pangpolitiko, tungkol sa mga world affairs. Iba talagang antas. Sir armand, sa ofis mo na lang ako bayaran ng public relations at blog promotion fee mo. Don’t worry, may discount ka. Hehe.

Nilagay ko rin si kate dito. Di ko sya kilala, basta alam ko nag-exam sya sa tnb qualifying exams last year. Nakita ko syang nagpost sa blog ni namre. E di na rin active yun. Atsaka Di ko naman ipinagdadamot ang links ko. Kaya nagkaron sya ng link dito. At nakalink din ako sa blog nya. Wala nga lang syang post lately.

Nakalink na rin si tessa, isa sa mga probationary staff sa aming skulpaper. Nakalink din ako sa blog nya. Medyo naligaw lang ako sa blog nya dahil di ko makita yung sinasabi nya navigations…yun pala yung mga box dun. Tapos late ang pag-update ng tagboard pero ok yung blog…hehe.

Tapos habang nagsesearch ng quote ni bob ong, yung tungkol sa essay ang buhay…naligaw ako sa isa pang blog. At mukhang target ko talaga ang buong mundo dahil nasa france naman sya. Si Glenna. So, meron akong mga visitor na taga- New Zealand, may taga- England, may taga- Canada, taga-Makati, taga-Laguna, atbp… at ngayon e taga- France este Italy naman. Yey!!! Welcome po dito. Hehe. Maganda rin ang blog nya. At yung mga link dun, parang advanced ang mga layout nila tulad nung sa kanya. hanep. Andaming nakalagay na mga effects and the like. Glenna, pwede rin pong itseke mo na lang yung blog promotion fee mo. Hehe… mga 8 Euro…negotiable. Hehe.


Nakakainggit yung mga layout nila. Samantalang itong akin, black space pa rin, dalawang taon na. Computer Engineering ngapala ako. Ewan ko lang kung may bearing ba dapat yun, pero well, may excuse ako bukod sa gasgas na rasong “wala akong oras”. Wala lang talaga akong time. Hehe. Pero sabi nga ni kuya ray nasa laman daw yan…di lang sa layout… pero ok pa rin ang medyo advanced na layout… hmm...

Random Rants and Ramblings

It's such a pleasure to write down splendid words - almost as though one were inventing them. ~Rupert Hart-Davis

Di ko maalala kung saan ko nakita ang pinagkuhanan ko ng title para sa post na ito... Pero maganda sya sa pandinig at dahil wala lang, nauna kasi yung post mismo bago yung title(nauna rin ang post body bago ang introduction na ito) at feeling ko kalat kalat ang thoughts sa post na ito...kaya ayan..para magmukhang coherent pa rin.. hehe.
_________________
Hmmm… sabi ko sa sarili ko i-uupdate ko ang blog na ito madalas… pero wow… mag-iisang buwan na ulit bago ako nagkaroon ng time… ibig sabihin, ngayon ko lang ulit na-tripan…

Haay… nakakapagod ang mga sumunod na linggo pagkatapos ng “foundation week” ng Mapúa. Ang alam ko hindi ako palamurang tao pero ******* talaga, nakarami ako nitong nakaraang tatlong linggo...

Napasisip din ako kung bakit ba mura ang tawag sa mura? At bakit naging masama ang pagmumura. Siguro kung mumurahin mo yung ibang tao, baka masama yun, pero pano kung sinabi mo “t*ng-i*a talaga”… wala ka namang minurang tao dun di ba? Expression lang naman yun di ba?

Gusto mo lang naman sabihin na “haay naku nakapasobrang ubod naman ng sama ng araw ko lalo na sa oras na ito bakit ganito nakakaasar na talaga naiinis na ako ah nagtitimpi lang ako sa lagay na ito”…e sa sobrang haba nun, kailangang gawan ng shortcut dahil asar ka na nga, sasayangin mo pa ang hininga mo, samantalang lahat ng yun ay “(insert mura word here)!!!” lang ang katumbas.

____________________________
Asar ako nitong mga nakaraang araw. Pikon. Urat. Buraot. Basta asar talaga. Haay, isang malaking pagkakamali ang pagsabay-sabayin ko ang 3 design ko last term…at napagtanto kong mali pa rin ang pagsabayin ang dalawa ngayong term. Lalo na kung topak pareho prof mo…

Kasabay pa ang issue ng skulpaper na kailangan mong gawin. Nagtataka lang ako dahil mas gusto ko pa gawin itong layout ng dyaryo kaysa yung design subject ko sa skul… pero walangjo talaga… nakatatlong layout ata ako ng sports section ngayong issue na ito… buti na lang tapos na.

Pinakamalaking abala sa term na ito ang aking design 2. sa tanang buhay ko, ngayon lang ata ako nag-wish na sana ibagsak na lang nya kami para matapos na ang paghihirap ko. Ganun kabwisit ang prof na ito… haay…

Ok, so may kagrupo nga akong taga-Mapúa Robotics… waw. Super galing. Aba, adik sa robots at electronics. Ang daming alam… yun nga lang komplikado mag-isip… May kagrupo rin kaming magaling sa programming, member naman ng SDCAT (Software Development C. A. Team, nakalimutan ko yung C at A) pero meron kaming rift three years ago.

At ako ang taong di nakakalimot.

Wala naman, ok lang naman. Naprepressure lang ako. Kasi magaling sya. At ako’y nagmumukhang mangmang. At minsan ok lang sa akin yun, dahil wala naman talaga akong pakialam. Pero dahil sya yun…aba, parang kailangan kong laging makipagkompetensya at patunayang magaling din ako. Pero di ko ata talaga gift ang Computer Engineering.

___________________________
Makalipas ang kalahating buwan ng pagpupuyat sa mga walang katuturang bagay ika nga ni inay…sa paggawa ng mga proyektong tila ba hindi mabuo-buo…sa wakas…medyo balik ulit tayo sa slightly dormant period…

Isa sa mga nakabawas sa tensyon ay ang katatapos ko lang na lay-out ng sports. Yup-yup. Sa palagay ko may mandatory one month ako ng contemplating sa kung ano ang gagawin next issue…so parang pahinga na rin. Ang hirap hirap hirap hirap gawin ng isyung ito…isa sa mga dahilan ay yung unang deadline na naset na medyo mahirap gawan ng news.

Supposedly dry dapat ang sports section. Sa pagkakaalala ko, last year e apat lang ang articles namin para sa feb issue. Tapos pre-emptive pa yung isa. Kaya madami akong inassign na news, anticipating na dahil konti lang ang info e maikli lang ang mga balita. Wala pa akong headline. Dun nagsimula ang mga problema.

Nagpostpone ng mga events sa NCAA. Yung mga dapat gaganapin ng 2nd week ng January, naging February. Tapos yung mga nagsimula naman agad…walang ka-info info. Ewan ko ba kung bakit yung lawn tennis natin, ni hindi alam ng athletics kung nanalo… alangan namang ilagay namin sa news na, “Lawn Tennis scored some wins and some losses in the opening..blah blah blah” di ba? Masyadong malabo. Argh.

Tapos yung ipapalabas namin na isa pang feature, ipinahold muna… ipapaayos muna nila daw yung facilities. Tsk tsk. Kaya ginawa kong table tennis compendium ang buong page 11. kasi sabi ni sir armand, lilipat ang sports column ko sa page 3.

Tapos biglang wala pala akong space sa page 3. so nilagay ko yung column ko sa page 11. Naputol yung features ng table tennis…kasi hindi na kasya. Nagbawas pa ako ng mga words. May headline na…yung exhibiton game nung foundation. Hindi sya ganun ka-headline material, pero I don’t have the luxury to choose.

Tapos sabi ni sir armand e kasya na ako sa page 3, kasi maikli lang yung columns nina Jennibeth at sir ean. Kaya ayun, lipat na naman ako. Tapos nailatag ko uli yung mga article na wala dapat…pinagkasya ko ulit sila. Sa news, problema ko yung mga kulang na info… yung sa interschool nagkaproblema din dahil naging outdated yung news agad nung nagkaroon ng sunod sunod na laban. Tapos yung table tennis na move ulit. Tapos yung tungkol sa bagong coach ng Mapúa, namove din ng January 27.

Pagdating ng Jan 27, namove naman ng Feb. 3. E ang press run supposedly ay Feb 2. Ibig sabihin dapat Feb. 2 nasa printing press na. Ang problema nun e di pa ako tapos ng layout. Dahil estudyante din ako… meron pa akong CURRICULAR activities. At yung 2 lecheng design ko, napakademanding sa oras. Nasabi ko bang leche sila?

Kaya naman naging blessing na rin na hindi natuloy nung Feb 2 yung press run. Ang problema natuloy naman yung coaches article…

Pagdating ng Feb 3, habang naglalay-out aba, *kring kring… tawag sa telepono. Sinagot ni sir ean. Pinapupunta ang kahit sino mula sa staff na pumunta ng President’s Office dahil may event daw. E walang staff. Pumunta kami ni ean. Yun pala yung coaches na. Ayun. So ininterview pa namin yung mga candidates. Tapos gawin daw headline. Asa naman sila.

Sabi ko ifeafeaturized ko na lang. Kasi di sya pwedeng i-headline kung gusto nila ilagay yung mga interview, strengths and weaknesses, career…feature yun di ba?

So palit latag na naman ako ng page 11. yung tungkol sa table tennis varsity na lang natira. Tapos ginawan ko ng space. Pagdating ng lunes nagbigay pa si sir beni ng karagdagang info, na pang-feature din talaga. So binigay ko yung article kay dothz at nash. Nung nagawa na nila yung article at naedit na aba, *kring kring ulit. “TNB punta President Office Bago Coach Pirma Kontrata RAPIDO!!!!”

Ayun pagbalik nung mga pumunta. May headline na ako. May bagong coach na ang varsity team. Headline material. So major revamp ng layout. Na naman.

Pero sa wakas. Tapos na ang layout. Habang tinatype ko ito malamang nililimbag na ang dyaryo sa press.

May sikreto ngapala dun sa column ko. Pero talaga naman, may nagkamali ng pindot at voila!!! Lumitaw ang mga pangalan. Oh well.

Haay. Medyo kalat kalat ang mga pinagdadadada ko dito… Ewan ko ba… hmm…