skip to main |
skip to sidebar
“’Tis our judgments like our watches, none go just alike, yet one believes his own” – Alexander Pope
Kalalabas lang ng lampoon issue ng TNB last week... The Big Blunder ang pangalan. Muli, nagpapasalamat ako kay Fritz sa kanyang impormasyon ukol kay Jimmy Santos.
May mga natuwa sa issue namin, at siyempre merong hindi… (insert title here) talaga… ang okay sa’yo ay maaaring hindi ok sa iba… sa akin ok lang, pero baka biased ako di ba? ano kaya kung wala ako sa Builder? ano kaya ang masasabi ko? malamang ok pa rin, mababaw naman akong tao e atsaka madaling matuwa…hehe. Atsaka lalong lalo na hindi ako KJ.
May mga tao kasing napakaseryoso sa buhay nila, parang kasalanan sa kanila ang matuwa…hindi ko sila maintindihan…kung habang buhay kang seryoso ano mangyayari sa yo, para saan pa yung ginagawa mo, kung pinagbabawalan mo ang sarili mong maging masaya?
May mga tao naman napakasarado ng mga isip… napaka-conformist. ang pinapakinggan lang nila ay yung gusto nilang marinig. Kapag ganito ang palagay nila eto lang yun…wala nang ibang karapat-dapat na palagay. Kung ganito ang nakasanayan na, hindi na pwedeng baguhin… pag binago mo, sasabihin nila pangit…
kung normal na mga tao ito para sayo…nagpapasalamat ako at abnormal pala ako. ay mali, hindi pala abnormal…special lang n_n
bago ko tirahin ang mga tao na ito, ieexplain ko lang yung term na lampoon…para hindi na kayo titingin sa dictionary…bago nyo sabihin na mayabang ako, this year ko lang din naman nalaman ang ibig sabihin nito e. no need to feel inferior. wahahaha. ^_^
Lampoon - satirical attack in writing or verse: a piece of satirical writing or verse ridiculing somebody or something.
Ngayon, bakit kami naglabas ng lampoon issue? May mga bagay na ginagawa ng walang malinaw na dahilan…bukod sa gusto mo lang talagang gawin ang mga ito. Bakit hindi nyo tanungin ang mga taong nag-imbento ng satire o kaya ng lampoon…baka may maibigay silang dahilan na mas nakakapukaw ng inyong atensyon at diwang makabayan. Dahil hindi ako yun.
Maraming nagcomment, may mga violent reactions , may mga natuwa, may hindi. WTH. Parang blog lang yan e, may kalayaan kang huwag basahin kung ayaw mo. wala naman pumipilit sayo e… Para sa akin hindi porke hindi totoo, kalokohan na yun, at hindi porke kalokohan yun ibig sabihin wala nang kwenta yun. PINAGHIHIRAPAN po yun… hindi po yun kinukuha sa hangin tapos nilalagay na kaagad sa dyaryo…pinag-iisipan din yun.
Tirahin nyo kami kung hindi namin pinaghihirapan…yung iba kasi reklamo na lang nang reklamo nang hindi man lang isinasaalang-alang kung baka sakali, kahit paano, malamang, pinaghirapan din namin itong lampoon issue… yung iba kasi kung makapagsalita akala mo kung sinong magaling…kung talagang magaling kayo, sige nga, sa loob ng kalahating oras gumawa kayo ng isang valid lampoon article at kapag natuwa ako ng sobra-sobra sa article mo. I’ll shut up. Magaling ka nga talaga…ang maipapayo ko sayo, gumawa ka na ng sarili mong dyaryo then you can shove everything ** your ******* ***!!!
Para kay concerned mapuan, ewan ko sayo kung ano ang gusto mong palabasin, kung ano ba talaga ang gusto mong gawin namin. Alam mo naman pala ang sitwasyon e, baka may maisusugest ka na paraan kung pano maisasagawa yang sinasabi mo. Do you bite the hands that feed you? Ang katotohanan ng buhay, you don’t. At least, not yet. Kung estudyante ka nga talaga dapat sinabi mo na kung ano yung mga reklamo mo sa buhay at titingnan namin kung magagawan ba yan ng paraan…
Para kay B.S. Arch, dalawang version ang message ko sau.
Filtered version:
Dear b.s arch, maraming salamat sa iyong pagkomento sa lampoon issue… hindi ko na po pupunahin ang spelling at grammar mo…baka may chance na sinadya mo naman yun, atsaka in-edited na sya nung iba. Sana po ay matuwa kayo sa unfiltered version ng sagot ko sau…
Unfiltered version
Dearest B.S. (b***s***) Arch, tinawag mo na trash yung gawa namin, para mo na kaming dinuraan sa mukha. Wala akong magagawa at wala akong pakialam kung killjoy ka at gusto mong mamatay nang nakasimangot, pero *******a mo, kung ayaw mong basahin ang sinasabi mong trash na yan para sayo, walang pumipilit sayo, *******a ka ulit. Kung hindi ka ba naman g**o, sino ka ba? napaka-bigtime mo umasta ah.
Responsible journalism? it was a lampoon issue, you **** ***** of ****!!! patunay lang yan na hindi mo binabasa ng mabuti yung paper. Title pa lang, iba na e, hindi ka man lang nagtaka? hindi lahat ng nakasulat, ibig sabihin totoo na kaagad…isipin mo naman muna kahit ten seconds lang, malalaman mo na hindi totoo yun.
Napaka-ignorante mo naman kung palagay mo kami lang ang gumagawa ng lampoon. May lampoon issues din po ang ibang school publications, even UP! Kahit Daily Tribune meron nun *****!!! And don’t lecture us about responsible journalism…alam namin yun, ikaw, alam mo ba talaga?
____________________________
(hingal…hingal...) Tama na nga, napapasama ako sa’yo e…pasalamat ka at nakalimutan ko na yung ibang part ng message mo kung hindi tinira ko bawat point mo dun sa bulok mong pilosopiya sa buhay…
Kaya nga nilagay ko dun sa isang article ko, for violent reactions, keep these thoughts to yourself, we don’t need them.
Pasenya na po, may mga bagay lang na nakakainit talaga ng ulo.
Happy Birthday sa lahat ng mga nagbirthday nitong nakaraang May 14…ganun na rin sa akin, syempre…hehe. 20 taon na ako sa mundong ibabaw…gaano pa kaya ako katagal dito? hindi na daw ako teen-ager…adult na ako… ang masasabi ko lang bata pa tin ato bahala kayu kung yaw nyu anyiwala…sige kayu, di ku na kayu batii!!! hmmp!
________________________________
sabi nung iba malalaman mong matanda ka na kung wala nang nagreregalo sa’yo pag birthday mo, at wala nang mga birthday party… kung ganoon talaga ang basehan nun, matagal na akong matanda. haha. n_n
pero dahil alam ko na wala namang magreregalo sa akin masyado (by the way, pwede pang humabol, i-LBC mo na!), niregaluhan ko na ang sarili ko…hehe. pinag-ipunan ko din nang matagal yun, more than six months siguro, at nabili ko na rin yung gusto kong bilhin…masaya na ang birthday ko. hehe.
bukod diyan, binigay na sa akin ng kuya ko ung isa nyang relo…digital…matagal- tagal na rin akong walang relo, mga anim na taon na rin... analog pa yung relo ko dati, yung huli ko ngang digital watch, grade 2 pa lang ako nun, galing rin sa kuya ko (sya rin ang sumira)…
hindi na nga ako sanay magrelo e…lagi ko tuloy naiiiwan sa bahay…+_+
balak na rin nila akong ibili ng bagong bag…kasi ung bag na ginagamit ko hanggang ngayon, five years na sa akin yun…haha…siguro maingat lang talaga ako sa gamit… atsaka hindi rin ako mahilig bumili ng mga gamit e…
___________________________
dahil birthday ko nga, labingdalawang banda ng musiko ang dumaan sa kalsada ng Maliksi II- Bacoor, Cavite nung linggo. At maraming handa ang karamihan sa mga bahay doon…may mga banderitas pa nga e, makulay na mga sisiw at kung anu-anu pang mga abubot kapag piyesta…
oops. di ko ngapala nasabi, piyesta rin sa lugar na yun…hehe. kaya parang dun na naganap ang party ko…grabe, ang dami kong bisita…pero karamihan sa kanila…
hindi alam na birthday ko... O_o
_____________________________
alam nyo ba na muntik na akong may maka-away na prof? sa susunod na lang ang mga detalye…may test pa kasi ako e…tsk tsk… di man lang ako inexempt…O_O
“Hindi dahil hindi nagustuhan yung gawa nyo, ibig sabihin pangit na yun. Iba-iba lang talaga ang taste ng mga tao” – kuya rayHaay. Busy lang po, pasensya na... gusto ko man magblog, nagiging hobby ko na yata ang pag-aaral ngayon…wahahaha. Kaya heto na, special novel edition ulit. mahaba-haba na namang pagbabasa...n_n
________________________________
Busy ako dahil sa report ko sa STELEC (special topics in electronics). Dahil tamad ang prof ko dun, o baka gusto nya lang maiba, lahat ng topic sa syllabus namin ay gagawing report. Powerpoint presentation with matching LCD projector pa dapat. At dahil 20 lang kami sa klase, nadoble tuloy yung topic assignments. Ibig sabihin mas maraming irereport ang bawat isa. Grinupo na kami nung first day pa lang. O_o
Ok lang naman yun. Kaklase ko naman yung top one ng coe sa batch namin…magkalapit pa kami ng apelyido…kapag naging kagroup ko siya, tiyak wala nang problema. Kasi obsessed yun sa pag-aaral, saka gusto nun lahat perfect. yun nga lang kailangan mong tiisin ang malakas na chakrang nagmumula sa kanya (daig nya pa ang may industrial fan sa katawan). Pero naiintindihan ko naman, sa totoo lang marami akong kilalang ganyan. Atsaka ok naman sya e.
Ayos! Groupmate ko sya…alphabetically kasi yun pag-aasign sa groups…tig-aapat na members. E class number 12 ako tapos class number 9 sya. Hehe.
Huh?! Teka…pwede daw tiglilima…waah…bakit? Ayos na eh…wag na…
Walangjo, ginawa ngang tiglilima. Napahiwalay pa ako…hihirap pa ang buhay ko…tsk tsk. Sige ok lang. tatlong babae sa group namin…base sa aking karanasan madalas na 50% mas masipag at mas responsable ang mga babae pagdating sa academics. Inherently obsessed din sila sa pag-aaral pero mas mababang level kumpara sa mga henyo.
Ok, bunutan na ng mga mauunang magrereport… siguro naman hindi mauuna ung group namin… wala pa ako sa mood magreport e. gaano ba kataas ang posibilidad na mauna kami? 20% lang. hehe. Malabo.
O janet, bakit ikaw ang bubunot? Magaling ka ba diyan? Maswerte ka ba? Hindi? E bakit ikaw ang representative namin? Unahan mo sila, yung isa yung no. 5 oh, yung nasa kanan. Hindi yan. waah. Bakit yan ang kinuha mo? Ano yan? Walangjo. No. 1?! T_T
Ngee…may napapansin yata ako, parang walang sumusunod sa gusto ko…o sige na nga ok na rin ang mauna…siguradong mas madali yung topic namin. Kasi kadalasan review muna yan diba? Ano ba yung mauunang topics? Ah, diodes…madaming makukunan yan. Napag-aralan ko na yan dati.
Ano ung IC regulators saka practical power supply circuits? Meron ba nun sa book?
Bunutan ulit kung alin ang irereport? O sige, siguro naman ung diodes na ang mapupunta sa akin…dyaran!!!! …what the… no. 5?!
Hulaan nyo kung alin yung no.5? Aba ang galing…IC regulators nga saka practical power supply circuits…ang saya…saan kaya ako makakakuha ng souces dun?
________________________________
Dahil maaga naman dismissal, naghanap ako sa internet nung gabi ring un…wow ang dami…click click…error…error…naman… blah blah blah…ah eto pwede na to.. copy paste copy paste….sige na nga, pwede na rin siguro ito…copy paste ulit…pwede kaya to?...hanap ng iba…copy paste…save…uwi na ng bahay…
Kinabukasan Friday, nagtanong-tanong ako dun sa mga nag-STELEC na last term…pahingi naman ng copy ng report nyo oh…para may basis ako…sige na…kelangan ko talaga e…di ko alam kung ano gagawin ko dun sa report. Mamayang gabi ha, isend mo sa email ko…ninong_osprey11…oo 11 un. Wag mo kalimutan ha. Uy, wag mo kalimutan ha…sige. ^_^
Sinend naman nya…nung Monday ng gabi!!! Nakuha ko lang ung copy, Wednesday na…di bale, next week pa naman kami e…mauuna muna ung diodes… tinanong ko ung isang section C11(Tuesday ang stelec nila) kung kamusta ang report nila…napagalitan daw…walang projector e.. naku, wala rin kaming projector e…san ako makakahiram nun. Avr? Ngek…pano?
Nag-assign si ate eunice ng article sa technology…séance (spiritual encounter) through cardinal SIMs…huhuhu…ang aga naman ng deadline… Thursday na agad? Ate eunice, pa-extend…parang awa nyo na, dami kong pinoproblema…salamat po.
Nagtext si Janet nung gabi ng wednesday…reporter 4 pa xa, next week din dapat…sabi daw nung iba maikli lang ang report nila, baka daw abutan kami. Waah. Wala pa akong nagagawa. Di ba next week pa tayo? Waah. nagtanong ako sa ibang section (C11), may report na kayo? IC regulators…meron na, si alex ang gumawa…ah… alex, pasend naman sa e-mail ko yung report nyo…sige na, di ko naman kokopyahin e. pramis… salamat. sige.
Pinagpuyatan kong gumawa ng powerpoint…1.5 hrs lang ako natulog dahil may klase ako ng 730-1200…hindi ko pa rin natapos…kulang naman ung report last term kelangan maghanap ng ibang sources...punta ako library…hanap hanap hanap….photocopy…nakita ung ka-skulmate nung highskul…kamusta ka na? buti nandito ka pa…tatlo na lang tayo dito, lumipat na ung apat. Blah blah.
Nakita ko si janet, kasama ibang kagroup…bibili daw sya ng chocolates…mag-ge-game raw sila para umabot sa dismissal…ayusin ko raw yung avr form para dun kami av room next week. Pano? Papirmahan ko lang…o sige na nga…
Hanap si Sir Bitor…sa faculty…pirma agad, akyat sa office ng avr na may pagkaliit-liit na pinto…pirma din agad…avr3 6:00-9:00…pirma sa CDM? San po yun? Tanong ako sa guard, san po yun? Ayun oh…di ko pa rin makita…lingon-lingon…ngek, nasa tabi ko lang pala…tsk tsk….ayun pirma din agad… madali lang pala…
Wala pa rin akong sources. Natapos na yung report nung tatlong groupmates ko, may game pa sila… Next week pa kami…
Nagcheck ako sa internet…walang sinend na copy si alex…huhuhu… naloko na. email ako ulit…alex, pasend naman po yung report nyo…please…pakiusap…kelangan ko po talaga…
(pero gusto ko talaga sabihin nun, ang damot mo naman kung ayaw mo isend…huhuhu…di ko naman kokopyahin ah…parang wala tayong pinagsamahan…huhuhu. Tayo nga lang gumawa ng project sa C++ 2 noon di ba? Sana nakalimutan mo lang…)
Gumawa ng article, kahit halos wala pang tulog…pano ko ba to gagawin, tuyo na ako sa ideas…antok na ako… kelangan ipasa ko na bukas, kasi wala ako pasok ng sabado…tinext ko si ate eunice, ate eunice, pwede bang tagalog? Lampoon naman e…
Di na nagreply…maaga ata natulog si ate eunice. Huhu. Bahala na…type..type…bura..ayoko na…wala ako maisip…waah… (iuumpog ang ulo sa pader)…wala pa rin…(iuumpog sa study table)…wala pa rin…(yawn)
TING! Biglang nag-ilaw ang lightbulb sa ibabaw ng ulo ko with sound effects pa… Natanggal ang writer’s block…type type…type type…dyaran!!! Tapos na ang article… angst-ridden soliloquy!
_____________________________
Friday. Sinend naman ni alex…salamat alex, (nakalimutan nya lang siguro…o kaya nakonsensya). In-open ko ung report nila…walangjo, halos 2 slides lang ang idinagdag mula dun sa naunang nagreport? Haay…pahirapan talaga. Internet ulit…copy paste… kahit ano na basta may makuha…sa bahay ko na lang aayusin.
Iniwan ko na yung article sa cabinet ni ate eunice…ung report na lang talaga ang problema ko…atsaka may test pa raw kami sa numericals sa wednesday…mahaba naman ang bakasyon e. labor day naman. Bahala na.
_____________________________
Parang walang bakasyon…revise ako ng revise ng powerpoint ko pero parang kulang pa rin…iba kasi yung prof na yun e…lagi akong binabara nun noong prof ko pa sya sa laboratory dati…kasi ayaw nun ng kinokontra mo sya…saka napakaangas talaga.
Kahit wala akong pasok nung Tuesday, pumasok ako. Bukod sa layout daw ng sports section sabi ni kuya ray, maghahanap sana ako ng iba pang sources sa library.
Hindi pa rin kami nakapag-layout…wala pa kasi yung articles…pagdating ni kuya ace…ibinalik nya na yung mga nagawa namin…at masasabi kong mahirap din palang gawin ang isang lampoon issue…kailangan nakakatawa talaga. Isa o dalawang article ko lang ang nakalusot, ung iba kelangan irevise…
Major revision yung racing tips article…huhu… hindi raw ma-gets ang joke…nung binasa ko ulit…siguro nga… e malalim talaga ako magjoke e…minsan nga pag nag-jojoke ako, ung mga tao delayed ang reaction nila… atsaka mahilig ako sa patago yung meaning ng joke. Ung hindi mo kaagad ma-rerealize… ganun din naman ako dito sa blog.
Tuyo na talaga ang utak ko nun…malaking chakra (reiatsu) kasi ang inuubos ng STELEC report ko, kaya nahihirapan na ako mag-isip…sinalo ni kuya ray yung swimming pool article…buti na lang…at least bawas sa bigat.
Ang pinoproblema ko talaga ay yung racing tips…wala na akong maisip na paraan kung paano ko yun gagawin. Nakatatlong major revision na yun bago pa man pinarevise ni kuya ace…natakot na ako baka pati ung séance article ko kay ate eunice maputukan din, halos parehong style lang ang ginamit ko dun e.
Sabi ni kuya ace ok lang daw yun…mas mahalaga ay nakikita nya yung efforts namin…
Pumunta muna ako library para sa report…nakita ko si pohl. Ayun konting kwentuhan…tungkol sa “problema” nya sa buhay…ayos lang, gusto ko naman ng ibang topic, ayoko na muna ng regulators…tapos nung lumaon kinailangan ko na ring maghanap ng libro…
Pagkatapos ng isang oras…mailap pa rin ang ginto…suko na talaga ako, masakit na ang ulo ko sa mga electronics books…
Dahil wala nang ibang gagawin at hanggang maaari gusto ko na matapos na talaga lahat…inayos ko na yung headline article (jimmy santos) at yung athletes speaks article ko. Mahirap yun revision ng headline, kasi para sa akin, ok na yun e…sabi nga if it ain’t broke, don’t fix it. Di ko tuloy alam kung anong aayusin ko kasi di ko alam ang sira…
Pero nakita ko rin ung dapat palitan…naedit ko rin…sa wakas…yung racing tips, sa bahay na lang, uuwi na ako…pagod na talaga ako…bwisit na report yan.
________________________________
Wednesday. Napuyat pa rin ako dahil sa report…hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang career ang ginawa ko sa report kong yun. At masasabi kong hindi ako nagsisinungaling, kapag sinabi kong sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nag-career ng isang report.
Test sa numericals…buti na lang nakapag-aral pa rin kahit pano…at nasagutan ko yung lahat ng tanong…madali naman yung exam, kumpara dun sa exam ko last term…sana tama ang mga sagot ko…
Hindi ko pa ginagawa ung racing tips…wala talaga e…masyado akong pre-occupied… may test pa raw kami sa Theory of Computations…waaah…ang daya, hindi pa ako nag-aaral dun.
Bumili ako ng test booklet sa bookstore…tapos tumingin tingin ako ng libro… may nakita akong Electonic Devices and Circuit Theory. Nandun pala yung kelangan ko. Pero bawal istambay sa bukstore. Siguro naman meron sa library…
Pumunta ako ng library at sabi dun sa “high tech” database search…meron daw nung 1982, 1991 at 1999 edition ng buk na hinahanap ko. Kailangan ko ung 1999 kasi kulang-kulang yung nandun sa ibang edition. Pero sa mahigit 3 oras kong pananatili sa library sa loob ng dalawang araw, ni ANINO nung 1999 edition HINDI KO nakita.
Ang pangit ng naging resulta ng test ko sa theory, dahil hindi na talaga ako nag-aral…pero buti na lang mahirap yung test, marami ring hindi nakakuha…haha.
_________________________
Thursday. Araw na ng report…nagbaon na ako ng formal na damit…may points din kasi yung attire. Parang contest no? May leather shoes na ako sa office, meron na rin akong tsinelas. T-shirt, jogging pants, towel, panyo…haha… in case of emegercy di ba? =)
7:30 ang klase ko, kaya 2 oras lang ang naitulog ko sa dahil sa final editing ng powerpoint presentation ko. Sa sobrang pagka-master ko ata sa mga slides kaya ko pa ring idiscuss sayo hanggang ngayon yung irereport ko.
Buti na lang at may vacant ako ng 12:00-6:00, pagkatapos kumain, natulog muna ako…tapos mga 3:00 pinuntahan ko yung kagroup ko, namroroblema pa rin sa report nya…kinabahan tuloy ako. Pareho kaming kulang sa data e. Di ko pa rin maexplain kung pano nangyari yung ganun.
Aminado ako, mahina talaga ako sa mga circuits.
Para mapaikli ang kwento, dahil malamang nag-skip ka na papunta sa part na ito dahil sa sobrang haba ng kwento….sasabihin ko na na maayos naman ang naging resulta ng report ko… kumpleto na pala yun sa lagay na yun. Ok lang daw kahit di ko damdamin yung ibang circuits dahil overview lang naman ang kailangan.
Sabi ni sir ok naman daw yung report namin. Biruin mo di kami naputukan, di katulad nung isang section… humingi ng feedback si sir mula sa mga kaklase ko…ipinasulat sa ¼ paper…walang pangalan, comments lang.
Maganda naman ang feedback nila. May nagsabi pa nga na “the last reporter was the best in the group”…oh di ba? Hanep. Tuloy, hindi na ako masyadong angst-ridden pagdating kay sir…at parang…parang…parang…
…natutuwa na naman ako sa pag-aaral ???!