Monday, March 27, 2006

Do not Disturb

"super pwede na"
--ninong

Chapter 1: PRE-PAGUDPUD

Tuesday, March 21, 2006

Gumising ako na masakit ang pangangatawan…nanlalambot. Masakit din ang lalamunan. Tanghalian na pala kaya kailangan na gumising. Dahil ako ang toka, pagkakain ng tanghalian nagligpit pa ako ng plato. Nung bandang tanghali, habang nanonood ng recorded episode ng Popolocrois (wag ka magrereact, hmmph!) napansin kong giniginaw pala ako. Di naman malamig. Ayun, natuklasan kong nilalagnat na pala ako…kahit naglaro ako ng fire emblem, wala pang 30 mins tinigilan ko na. natulog na ako dahil sa panlalambot. Nang malaman ni nanay na may lagnat ako (hindi lovenat, siguro love-not pwede pa) sabi nya kung may lagnat pa ako ng Thursday, hindi niya ako pasasamahin sa Pagudpud.

O hindi!!! Baket?! Baket ako pa? huhuhu. Bakit ngayon pa ako nagkasakit? Napaka-wrong timing naman. Nakipagkasundo ako sa aking katawan, na kung pagbibigyan nila akong gumaling kinabukasan, pwede silang bumawi pagkatapos ng gastro (excursion) kahit gaano nila katagal gusto. Mahabang istorya kung bakit “sila” ang gamit kong panghalip sa aking katawan. Kaya wag mo na lang muna yun pakealam. Mahalagang nakapokus ka sa problema ko: paano gumaling ang trangkaso-o-lagnat-o-kung-anumang-wrong-timing-at-papansin-na-sakit-yun sa loob ng dalawang araw.

Wednesday, March 22, 2006

Hirap makatulog nung madaling araw, kasi nga halos buong araw ako natulog nung Martes, kaya mga 3:30 na ng umaga ako nakatulog. Masakit pa rin ang ulo ko at sinisipon na rin ako. Kahit matulog ay nahihirapan ako, paputol-putol ang tulog ko…kaya alas otso pa lang bumangon na ako…

Gamit ang thermometer na nahiram ng nanay ko sa clinic (ung nilalagay sa liki-liki for five minutes; three years na kasing basag ung thermometer namin sa bahay)…napag-alaman kong may lagnat pa rin ako, 38 degress Celsius(?). Walangjo. Kulang pa ang aking konsentrasyon. Habang nakahiga sa sofa at nanonood ng Make Way for Noddy sa QTV 11, nag-iisip na ako ng paraan kung pano makukumbinse si nanay na magaling na ako. Kahit hindi pa. n_n

Nung bandang hapon nalaman kong pwede na mag-ayos ng sections para sa enrolment next term. Nagdalawang isip ako kung mag-aayos na ako. Dahil kung mag-aayos ako ng section, kelangan sabihin ko na rin ung grades ko. Nakasalalay sa maagang pag-aayos ang mga matitirang sections para next term at kung patatagalin ko pa baka wala akong maabutan. Kaya un nag-ayos ako. Bago umalis ng bahay sinabi ko na kay nanay na delikado ako sa dalawang subject at maraming bumagsak sa amin kaya malamang bumagsak din ako. Mabuti nang may warning at konting pampalubag-loob bago ang tunay na balita.

Pagkagaling sa computer shop, naayos ko na ang schedule ko at habang pauwi ay naisip kong kung sasabihin kong bagsak ako baka lalong di nila ako pasamahin sa Pagudpud. Pero bahala na.

Ayun nasabi ko rin. Di naman nila ako pinagalitan kahit na halatang medyo nalungkot sila. At hindi naman nila ako pinagalitan. Actually wala nga sila masyadong sinabi e. although mas nakaka-guilty ata yun, mas ok na sa akin kaysa kung napagalitan nila ako. Sa totoo lang ayaw ko talaga ng napapagalitan at napapangaralan. Basta. Pero sino ba ang may gusto nun?

Ngapala magaling na ako nung gabi. Umayon ang katawan ko sa aking panalangin. Haha. PAGUDPUD, here I come!

Thursday, March 23, 2006

Hindi ako nag-ayos ng gamit kaagad. Baka mahalata kasi nilang excited ako e. Yoko nga. Hehe. Kunyari wala lang sa akin, kaya mga alas-tres pa ako nag-empake ng bag. Ayan tuloy, kulang-kulang ang nadala ko.

Dahil malaki rin ung bag na dala ko, naisip ni nanay na ihatid ako. Sabi ko wag na. pero ayaw pumayag. Kinakabahan daw sya. Love nila ako e, wala akong magagawa. Ihahatid daw nila ako hanggang MapĂșa. Kahit ayaw ng tatay ko, napilitan na rin siya. At para makalabas naman daw ng bahay, sumama na rin pati kapatid ko… ayun may convoy pa tuloy ako…hehe. kung kontra kayo, inggit lang kayo dahil hindi kayo hinahatid. bwahahaha. O_o

Bago mag-eight nandun na kami sa MapĂșa, wala pa akong nakikitang TNB staff. Pero di nagtagal nagsidatingan din sila. Nag-grocery lang si kuya ace at kuya ray…tapos maya-maya dumating na din ung iba. Akala ko madaming sasama, problema nga ang transportation para sa aming labingpito pero nung mismong excursion, 8 lang na staff ang nandun…at ung pinakabida wala pa.

Ang masasabi ko lang, kumpleto ang sports section. Yay! Hahaha. Iba kami e. =)

Mga bandang nine na dumating ung sasakyan namin. Toyota Hi-Ace, yung mas bagong model at mas malaki. Mga nine-fifteen na dumating si sir. Nagkaagawan pa nga ng upuan bago sya dumating…hehehe. Ah basta ako, nauna na ako sa tabi ng bintana kahit sa pinakalikod. Mas gamay na ako dun e… si kuya ray para wag lang mapatabi kay *toot* lumipat na lang sa tabi ko…hehe..ang nangyari, sa harap na napaupo si sir.

Paglampas pa lang ng City Hall, tulog na ata si Bhadz.


Friday, March 24, 2006

Hanggang sa stop-over namin sa La Union, four hours later, saka lang nagising si Bhadz. Grabe tinulugan nya lang ung kalahati ng byahe. Ako nga, ni hindi ako nakatulog sa biyahe. Masikip kasi ung pwesto namin. Bukod sa ihing-ihi na kaming tatlo kasama si Kuya Es, para kaming 555 sardines ni Kuya Ray sa likod. Kaya nga pagkagaling ng stop-over naisip ni Kuya ray na lumipat sa pinakalikod ng van. Pagkatapos niyang ma-injury sa binti dahil nabagsakan sya ng upuan at matapos ang sandamakmak na pagkislot at paglilipat ng gamit, nakaayos din siya ng paghiga. Sana. Teka kuya ray, binalik mo ba ung turnilyong kinuha natin? Baka hinahanap na yun ni Uncle Atoy. Tsk tsk.

Mga bandang 5:30 am nakarating na kami ng Laoag. Kinaya namin ng 8 hours ang normally 10 hrs na biyahe. Hinimatay ata ako, pero two hours lang. si kuya ray lang ata ang walang tulog. At dahil napaaga, picture-picture muna sa simbahan kung saan ilocano ang wikang gamit sa misa at nag-almusal sa Mcdonalds-Laoag. Hinintay namin si Sir Asuncion (ung may-ari ng tutuluyan namin sa pagudpud) siya kasi ang magtou-tour guide sa amin sa ilocos norte. Sa tagal ng paghihintay nag-usap usap sila…pero sa totoo lang, umm, labas tayo dun e. hmmm…

Mga past eight na yata dumating si sir asuncion. By then, antok na antok na ako. Sa aming lahat, parang si bhadz lang ang kumpleto ang tulog, pero kahit siya parang bitin pa rin. Pinuntahan namin ang fort ilocandia, di nga lang kami pinapasok dahil di raw kami naka-check-in. Dahil sa ginawa nilang yan ibo-boycott ng buong tnb staff ang fort ilocandia at kahit hanggang mamatay ako hinding-hindi ako magchecheck-in diyan. Bwahahaha.

Pagkatapos, pumunta kami sa malacanang of the north. Halatang kulang sa maintance ang lugar at sayang na sayang lang yun buong gusali. Tutal ginastusan na yan gamit ang pera ng bayan bakit hindi gamitin na lang kung saan mas kikita ang gobyerno at hindi nasasayang ung perang ginastos dun. Pero may nakikinig ba sa akin? Wala. Kung irereklamo ko ang maling pamamahala ng gobyerno baka mademanda pa ako ng inciting to sedition…ganyan kabulok ang sistema…kung gusto nyo ng pagbabago, iboto nyo akong presidente…babaguhin nating lahat yan. Gagawin nating mas maunlad pa sa Amerika ang Pilipinas. Hahaha.

Anyway, alam ko namang di nyo ako iboboto. Asa pa kayong kakandidato ako. Kaya itutuloy ko na lang ung kwento. Pagkagaling dun pumunta kami sa isang simbahang panahon pa talaga ni Mahoma nung itinayo. St. Agustin Church ata pangalan nun. Nirerenovate sya kaya picture-picture lang ang ginawa namin dun.

Tapos nagpunta kami dun sa pinaglalagyan ng “bangkay” ni Marcos…di ko alam kung bangkay ba talaga nya un, pero hanep sa ambience. bukod sa madilim at may aircon sa loob, tuloy-tuloy din ang pagtugtog ng awiting pampatay na di ko naman maintindihan ang lyrics. Parang gusto nilang isipin mo na babangon pa si Marcos mula sa kanyang pagkakahimlay. Pero bilib ako sa sagisag ng pilipinas ni Marcos, ung ginagamit kasi nating seal di ko maintindihan kung bakit may palikpik pa ung leon. At least ung kanya ibon, parang mas may sense. Nalaman ko rin na pangit pala siya magsulat, kahit ung mga pharmacists sa Mercury drugstores mahihirapan yun intindihin. Di ko na masyadong dinamdam yung mga dokumento nya, tutal pino-proofread na ni anna at ni kuya ray ung mga sinulat ni Marcos e. sino ba naman ako? n_n

Sunod naming pinuntahan ung lighthouse. Haay, pagod na talaga ako nun, gusto ko nang magswimming kahit sa bathtub, nakakapagod na ang byahe. Malagkit na kaming lahat, para akong naligo ng gawgaw. Nakakatulog na nga ako sa sasakyan e. pero ang ganda ng view… where the water meets the sky… Habang tintingnan ko ang mga alon naisip ko sana painter din ako para maikwadrado ko ung ganda ng tanawin…kasi kung ikwekwento ko lang sa inyo, parang kahit gaano kadaming salita ang gamitin ko, kulang pa rin sa detalye…

Isa sa mga pinakamatandang lighthouse ung napuntahan namin…330 meters ata un above sea level kaya isa rin ung sa mga pinakamatataas. Inakyat ko yun kahit nakakatakot ung hagdan, parang bibigay kaagad…pero akalain mo, di pa talaga namin panahon. Makwento ung caretaker ng lighthouse. Mabiro pa. hanep ung mga lighthouse scandals na kinukwento nya tungkol sa mga bumibisita dun, pwedeng-pwede sa R-18 na pelikulang wala na masyado ngayon sa trend.
_____________________________________________________________________________________

Chapter 2: Welcome to Pagudpud

Pagkatapos ng mga sightseeing ay dumiretso na kami ng pagudpud at nagpapicture sa may boundary. Si kuya ray ang tinanghal na pinakaunang builder na nakaapak sa pagudpud nang maunahan nya kuya ace by 1.203455 seconds. Congratulations.

Narating din namin ang Asuncion Mansions mga bandang ala-una. Matapos kumain at magpahinga ay diretso na kaagad kami sa beach. Saud ang tawag sa lugar. Haha. Yessss. Tubig alat!!!

Ang huli kong punta sa beach ay nung grade six pa lang ako, sa subic…sa wakas after seven years… iba talaga pag hindi pa developed ung lugar, public beach ang pinuntahan namin at mas mura dun… at ang buhangin ay white…este light brown…hindi gray…hmmm… kaya mas maganda…masarap din lumublob (sensya na hindi ako marunong lumangoy) at magpadala sa alon…sumakit nga lang ang mga sugat ko at mahapdi rin sa mata…pero da best… isa ako sa mga pinakamatagal nagbabad sa dagat, at nagbalak pa akong gumawa ng sand castle kahit di naman ako c.e. at wala man lang akong gamit. Napatunayan ko na kahit anong gawin mo, wala pa ring matigas na buhangin sa maalat na dagat…gabi na ng bumalik kami sa bahay.

Matapos ang hapunan at konting pahinga ay nagkaroon ng konting inuman…konti lang, ni wala ngang nalasing e, although si kuya es ata naduwal…pagkatapos naglaro kami ng bilyar… natalo ako ng 3 sunod kay kuya ray…huhu. Buti na lang libre… nagyaya nang umuwi ung iba…antok na sila…kj…hehe. So umuwi na rin kami at natulog…

Saturday, March 29, 2006

Bago pa lang mag-eight ay nagising na ako… haay paputol-putol pa naman ang tulog ko dahil bukod sa hindi talaga ako masanay sa pagtulog sa papag nangalay din ang aking mga braso dahil sa matagal kong paglangoy este paglublob pala sa dagat. Matapos ang almusal ay nagtungo na kami sa “brokebackan falls” kasama ang mga brokebacker tour guides namin. Ung isa sa mga un ay singlaki ng bouncer at talagang pwedeng goon kung lalaki lang siya…pero siya ay isang “reyna”.


Ung pinuntahan naming falls ay malapit sa sikat na Cabigan(?) Falls…pero sa pinuntahan namin, konti pa lang ang nakakapunta…at bakit hindi…kulang na lang ikamatay mo ang pagpunta dun sa hirap ng daan. Ay grabe…sobra… naku kung nandun lang kayo ay ewan ko na lang…may dala pa nga kaming cooler habang inaakyat namin ang bundok na un. Talagang liblib ung pinagtataguan ng talon…bukod sa putik at malalim na mga bangin, may mga daang kung hindi madulas at kakapiranggot ang lupa ay napakatarik naman ng daan…at pagdating sa batis napakadudulas ng mga bato…parang lumot na tinubuan ng bato imbis na bato na tinubuan ng lumot…

Marami nang sugatan sa amin bago nakarating sa mismong talon pero pag nasa talon ka na…sulit lahat ng iyong pasakit…tanggal lahat ng pagod mo. Ung mga nagsabing hindi na sila lalangoy, lumublob na din sa batis dahil kung hindi ka talaga lulublob, talo ka…dapat hindi ka na lang sumama…

Ang lamig ng tubig at napakalinaw…kitang kita ko ang aking kuko kahit nasa ilalim ng tubig…at ang mismong talon…wow…wow…wow…buti na lang talaga sumama ako ng pagudpud…iba…naku, puntahan nyo un…da best…sa lahat ng pinuntahan ko sa pagudpud, un ang pinaka-most beautifullest na lugar na napuntahan ko dun…kung pwede nga lang dun na kami buong araw e…ayoko nang bumalik dun sa matarik at mapanganib na daan pauwi… dun na lang ako nakalublob sa malamig na tubig habangbuhay.

Pero good things never last, ika nga…kelangan talaga naming bumalik…aba, akalain mo, may shortcut daw pala papunta dun sa brokebackan falls… kung ikukumpara, mga 41.22222% less mahirap at hazardous ung dinaanan namin pabalik…pero hindi ako nagsisinungaling kapag sinabi ko sa inyo, na kahit basang-basa kayo pagkagaling sa falls, pagdating nyo sa sasakyan nyo, tuyong-tuyo kayo na parang bagong plantsa lang ang mga suot nyong damit…

Pagkatapos nun ay bumalik kami sa bahay, pero sandali lang, dumiretso kaagad kami ng blue lagoon, isa pang beach sa pagudpud. Doon na kami kumain ng tanghalian. Dogfight. Nalaman kong masarap pala ang pugita, at marami akong natutunan tungkol sa mgas hermit crabs. Nangolekta pa si kuya ray ng hermit crabs para ibenta ng tiglilimang piso sa kapatid nya…tsktsk… tubong lugaw.

Tapos syempre swimming na naman…kumpara sa Saud mas pino ang white sand doon…at napakalalakas ng alon…konti na lang kaming lumangoy, sawa na ata ung iba naglakad-lakad na lang…e para sa akin minsan minsan lang un kaya talaga namang nilubus-lubos ko na…ang sarap ng dampi ng alon sa buhangin…at laging may malakas na along masarap sakyan…wala pa rin talagang makina ang makadadaig sa natural na lakas ng alon…hehe…bago pa ako maging environmentalist ay titigilan ko na ang tungkol sa mga beach…

Pagkagaling sa beach ay pinuntahan namin ang border ng Cagayan at Ilocos norte…at nagpapicture sa kung saan-saan…tapos bumili ng tshirts…umuwi sa bahay at kumain ng hapunan doon for the last time tapos mga bandang nine ay yumaon na kami pauwi…


Buti na lang talaga at nakasama ako…sulit…hahaha…-_-

i'm alive

nakauwi rin akong ligtas mula sa Pagudpud... napakaganda... buti na lang at nakasama ako... haha... nawala ang lahat ng aking lungkot at pag-aagam agam... hehehe... kwento ko na lang bukas... malapit na ako magtime...

Friday, March 17, 2006

Downside

“haay…” - anonymous

Isa sa mga bagay na napakahirap sabihin sa magulang ay ang sabihing bumagsak ka…lalo na kung mataas ang expectations nila sa’yo…lalo na kung gustong-gusto na nilang grumaduate ka na para hindi na sila magtratrabaho…at lalo na kung wala rin naman kayong pera…

Doble hirap pa kung dalawa ang bagsak mo…

Dalawa ang bagsak ko e…

Bukod sa controls…salamat kay sir rivero. dinagdagan pa ni sir sedilla ang kasiyahan sa pamamagitan ng pagbagsak sa akin sa numericals…

Waah…

Anak ng shark…

Nakakalungkot naman…nagmumukha akong bobo kahit naniniwala akong hindi naman… pano kasi, ako bumabagsak samantalang yung kapatid ko scholar…syempre kahit magkaiba ang skul namin at kurso ikukumpara pa rin yun…kawawa naman ang pride ko…ha ha.

Alam nyo ba na ung dalawang subjects na un mga EE ang prof na may hawak? At sa sobrang hilig nila sa circuits madalas ang quizzes namin laging may kasamang mga pinagpalang-sala-salabat na circuits!

Circuits…lagi na lang circuits…nababadtrip na ako sa mga circuits na yan…huhuhu…

Thursday, March 16, 2006

UNDEFINED

“Malawak ang dagat” – Kuya Ray


Gaano kalawak ang malawak?

Bad news. Bagsak ako sa Control Systems…siguro sa mga galit sa akin hindi naman talaga bad news un, kaya magpakasaya na kayo…bwahahaha. NOT TAKEN na ang nakalagay sa curriculum ko e…

Hindi tinablan ng awa…

Ang masakit dun, mukhang ako na naman ang naiwan…mukhang pasado na naman yung iba…mukhang ako lang ang nagpabaya…kasalanan ko rin naman siguro, dahil hindi ko dinamdam…ayoko man bumagsak ulit…eto bumagsak na naman ako…at baka hindi lang control systems…

Sobra naman kasi ang term na ito…ang dami kong prof na may topak. E may topak din ako…syempre mas lamang ang prof…sila lang ang masaya sa huli e…

Nakakadepress talaga kapag bagsak…


Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung tama ba itong napasok ko…

Hindi kasi ako talentado sa mga numero…ayoko na ng mga f of x, x prime, y triple prime raised to the nth power times the square root of the natural logarithm of pi…isinusuka ko yan… bilib nga ako kay Gauss, kay Seidel, kay Newton, Rhapson, Jacobi, Leibnitz, Descartes at kung sino pa mang Pontio Pilatong mathematician na nakadiskubre ng kanilang sariling paraan para lutasin ang mga problemang iilan lamang ang may alam at nakakaintindi!!!

Pero aminado akong hindi ako ganun.

At wala talaga akong intensyon na maging.

At ayoko na ng mga control systems, Laplace, Crouts, Doolittle, matrix, linear equations, non-linear equations, steady-state, axial, stress, strain, helical springs, roots, x, y, z, m, e, k, n, i, j, r, a, b, c, d, g, J, G, D, ln, log, integral, differential, method of joints, sections, ayoko na ng mga circuit ke-series pa yan o parallel, RLC, RL, Two-port, o Three Port…AYOKO na ng mga bagay na dapat pang kinokompyut!!!….AYOKO!!! AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH….!!!
______________________________________
Tanong: Gaano kalawak ang malawak?

Formula: Determine the volume of water contained in the Pacific Ocean and multiply it to the cube root of the Philippine Area of Responsibility. Use Least Square Regression and Crouts or Doolittle Method. Construct a five by five matrix and determine the quadratic equation that will result in 100 iterations in the regula-falsi method. Limit your answer to five decimal places only.


Sagot: undefined.

Wednesday, March 01, 2006

A Letter Not Given

Desperado, why don't you come to your senses,
You've been out ridin fences for so long now,
Oh and you're a hard one, but I know that you've got your reasons,
The things that are pleasin' you can hurt you somehow.

Don't you draw the Queen of Diamonds boy, she'll beat you if she's able.
You know the Queen of Hearts is always your best bet.
Now it seems to me some fine things have been laid upon your table,
But you only want the ones you can't get.

Desperado, you ain't gettin no younger,
Your pain and your hunger, they're drivin you home,
And freedom, oh freedom, well that's just some people talkin.
Your prison is walking through this world all alone.

Don't your feet get cold in the wintertime,
The sky won't snow and the sun won't shine,
It's hard to tell the nighttime from the day.
And you're losin all your highs and lows,
Ain't it funny how the feelin goes away?

Desperado, why don't you come to your senses,
Come down from your fences- open the gates.
It may be rainin, but there's a rainbow above you.
You'd better let somebody love you,
LET SOMEBODY LOVE YOU.
You'd better let somebody love you,
before it's too late. --Desperado by America


Helo po.

I guess kung hihintayin kitang magmessage sa akin, I’ll have to wait forever. Siguro busy ka…o kaya hindi na nagnenet dahil walang pera, walang time…o kaya naiilang ka sa akin. Hindi naman maiiwasan un siguro, dahil sa mga nangyari once upon a time, medyo nalulungkot lang ako…medyo lang naman. Kasi I’m trying to reach out kahit pano…pero siguro may nagawa o ginagawa akong mali, which is hindi ko talaga alam kung ano kaya kung alam mo sana sabihin mo sa akin para maayos ko naman, kasi you’re as distant as ever…

Siguro nga desperado lang ako may makwentuhan. Ung kakwentuhan ko tulad dati… wala na kasi sila ngayon… gaya mo, naiilang din siguro sila sa akin…o baka busy lang…walang time. Ako, hindi naman talaga ako busy e. nagbi-busy-busyhan lang. lagi lang akong nasa office ng TNB. Wala naman masyadong ginagawa. Kaya siguro ako lang ang nagpapapansin sa’yo…baka wala lang akong magawang matino.

Hindi ka na rin nagkwekwento…alam mo kung ano ang naiisip ko? Mali ung pinayo nila sa akin dati…na ako na lang ang lumayo sa mga taong gumawa sa akin ng pagkakamali… para hindi na raw masaktan... pero hindi pala kaya ng pride ko, di pala ganun kataas ang ihi ko para ipagmalaki sa iba na kaya kong hindi kayo pansinin habang buhay… siguro kakayanin ko, para lang hindi ako “mapahiya”, pero nahihirapan ako akala nyo ba…hindi nyo rin ako kasingtigas….huhu.

Pero ano ang gagawin ko? Ako yata ang mali lagi…nakakalungkot lang na people just give up on me…and go on…the world goes on…