Monday, February 27, 2006

Unang Sweldo, Full Metal Alchemist at Billiards

“…people can’t give up hoping for what they once had, youth or you name it…it’s just how people are, they cling to foolish hopes.” --Larry McMurtry, Buffalo Girls
___________________

Nung thursday, natanggap ko na ang aking kauna-unahang allowance bilang miyembro ng skulpaper…kung tutuusin parang sweldo na ring maituturing un. Gusto mo malaman kung magkano? Hindi pwedeng sabihin e (confidential daw). Basta ang masasabi ko, hindi pa kayang sumuporta ng pamilya un. Haha. At ubos kaagad yun sa isang date.

Kaya nga minsan, may perks din ang mga single. Kahit ubusin ko ung pera para sa sarili ko at bumili ako ng kung ano-ano okay lang. wala naman akong ibang pagkakagastusan e.

Un ata ang kaunaunahan kong “sweldo”. Kung di ko lang kelangan ng pera, ipapa-frame ko un. Haha. Ngek. Kahit ipa-frame ko yun matutukso pa rin akong gastusin yun. Saka sabi nga nila, nandyan ang pera para gastusin.

At syempre nabawasan na un kaagad. naholdap ako sa org nung araw din na yun. madami pa pala akong dapat bayaran dun. Tsk tsk. Kapag gusto mo talaga mag-ipon lalong dumadami ang gastos. Nakakasuya. May gusto pa naman akong bilhin. Pero mukhang matagal-tagal ko pang pag-iipunan yun.

Ngapala baka gusto nyo magdonate sa akin. Just call 1800-1-NINONG. Tingnan nyo lang kung magri-ring. Pwede rin ninyong iwan ang numbers nyo sa comments at kung may load ako, ako na mismo ang magtetext sa inyo ng oras at lugar kung san ninyo iiwan ang ransom, este donation para sa akin.
____________________

Pagkatapos ng tatlong lingo ng pagtyatyaga sa mabagal na pagload ng youtube kapag tanghali, natapos ko na ang Full Metal Alchemist. Anime po un, just in case na wala kayong tv at nakatira ka pa rin sa ilalim ng lupa. Salamat kay animeangel3, isang Chinese(?) na nag-upload ng kumpletong 51 episodes ng FMA sa youtube. Movie na lang ang kulang ko at matatapos ko na ang buong Full Metal Alchemist. Masaya na nakakalungkot. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo nang matapos ang isang bagay pero pag matatapos na parang ayaw mo matapos. Iisipin mo sana mas matagal pa. Parang ung lonesome dove ni larry mcmurtry, lampas 1000 pages un, pero pag malapit ka nang matapos maiisip mo sana mas mahaba pa. sana mas matagal mo pang makakasama ang kwento. Parang tao rin yan e. kapag kasama mo yung talagang gusto mo makasama hindi ba naiisip mo na sana bumagal ang oras para mas matagal kayong magkadaupang-palad (HOOO! Lalim!). Ganun kaganda ang Full Metal Alchemist para sa akin. Kumpleto sa mga kalokohan at kaseryosohan. At ung ending nya sa series ay hindi ung happily-ever-after ending kundi ung “reality ending”, kung saan hindi nakukuha ng characters ang lahat ng gusto nila. Pero pwede na. Kasi ganun naman talaga ang buhay di ba? Hindi lahat ng gusto mo ay iyong makakamit. You have to make do with what you have. Kaya ang FMA ay isa sa mga pinakamagagandang anime na napanood ko sa totoo lang.

Kung hindi ka sang-ayon, keep your thoughts to yourself. Wala akong pakialam kung hindi mo sya gusto. Basta ako gusto ko ung kwento. Kung sasabihin mong pangit yung series para mo na ring sinabing wala akong taste. Di mo na kelangan magbitaw ng ganung comment kung ayaw mong masaktan. Baka i-transmute pa kita at gawing pataba na lang sa lupa. Para mas may silbi ka sa mundo kaysa sa sirain mo ang araw ng ibang tao.
_____________________

Nung Miyerkules, medyo ginabi ako ng uwi. Inumaga na nga e. Past 12 na ako nakarating ng bahay. Kumain kasi kami sa may “sizzling craze” nina sir namre at sir ace. Ang masasabi ko ay lapitin talaga si kuya ace ng mga prof na… ehem…alam nyo na un. Hehe.

Dapat past 10 uuwi na kami, pero nagyaya sila magbilyar at hindi ko naman magawang tumanggi. Dahil masaya talaga maglaro nun.

Naaalala ko noon, simula second year hanggang fourth year hayskul halos araw-araw naglalaro ako ng bilyar, simula nung natuto ako, naadik na ako. Ang masaya kalaban noon si Erwin a.k.a “Ubos-Bola”, kasi madalas panalo ako. (wag ka na magreact). Si alamares naman saka si ferbert laging libre ang laro. Kapag si ferbert ang kasama ko lagi talaga akong ginagabi. Nagyayaya pa kasi magcounter yun e.

Syempre natuto ako sa mga magagaling kong kaklase. Si Clark, may itinuro yan sa aking tip tungkol sa doblete na hanggang ngayon nagagamit ko pa rin. Sa kanya din ako natuto ng pinipinahang spot. Kay Maynard a.k.a. “jango” na talagang sumasali sa mga tournament at may sariling tako na fiberglass pa ang tip. Sya ang astig pagdating sa prepare.

At syempre si Sir Pagc, ang efren ng Regis. Sobrang galing. Takot akong kalabanin ito nung nagsisimula pa lang ako kasi kahit may plus ka na talo ka pa rin. Pero nung tumagal nakalaban ko rin sya at pagkatapos ng hindi iilang pagkatalo e nakabawi rin ako. Sa kanya ko natutuhan ung karamihan sa mga alam ko. Kasi sabi nga nila, mas matututo ka kapag magaling ang kalaban mo.

At dahil sa kanila. At sa swerte na rin, isa lang ang talo ko nung Wednesday. Haha.

Nakakamiss talaga ang highskul.

Wednesday, February 22, 2006

Special Edition

“…Once you finally got what you were looking forward to getting, something would always have changed so that it didn’t seem as nice or as important as it had seemed when you were merely imagining it. Life was too slippery, and people too changeable.”
--Larry Mcmurtry, Buffalo Girls

Sa ngayon, mayroon ng mahigit sa ciento quarenta (140) na ang nakadalaw sa aking blogsite. (kung hindi mo alam kung pano ko nalaman, may site counter ako dun sa may links corner ng webpage na ito…yung number dyan na 014-something, kaya medyo magulo, kasi hindi ko pa naaayos e. pero maniwala ka, number of visitors yun at hindi number of votes dun sa favorite probi counter nung december)

Ang galing…masarap sa pakiramdam ang malamang may nagbabasa ng mga sinusulat ko, di ko nga lang kilala yung iba kasi…amp, ayaw mag-comment…pero salamat pa rin sa pagdalaw nyo…

At ang post na ito ay para sa mga masugid na tagasubaybay ng aking buhay, mga taong may tiyaga, sipag, diskarte, talino, ginintuang puso at tama-na-ang-bola-dapat-simulan-na-natin-ito-with-matching-smiley-face.

__________

Salamat kay sir ean at marami akong nakuhang e-books nung nag-overnight ako sa bahay nila last friday. ang sarap talaga ng may internet sa bahay. bukod pa diyan masarap talagang matulog sa inyong condo. Sa sobrang sarap, napaisip kami ni sir namre na bumili ng tig-tatlong condominium sa Maynila. Siguro sa España Towers na rin para malapit lang sa skul. Magkano ba dun sir ean? Tumatanggap ba sila ng id picture ko? May autograph pa kung gusto nila. =)

At na-realize ko habang papunta kami sa bahay nila na naniniwala ngapala ako sa reciprocity. Kahit baluktot ang paniniwalang iyon, hindi ko na maalis sa sarili ko. Iba talaga kapag sinuswerte sa bilyar…napapaisip nang sobra-sobra…wahahaha…

Unbeatable ako nung gabi na un e…7 wins…0 losses...ibig sabihin nag-enjoy ako ng isang oras sa paglalaro ng bilyar sa halagang P 0.00. may punto nga ung dyaryo na libreng pinamimigay sa LRT: “The best things in life are libre.”
__________

Tahimik ako nung valentines dahil tahimik naman ang valentines ko. Wala naman akong date e. Kung gusto mo malaman ang ginawa ko, well, namigay kami ng TNB sa mga Mapuan nung gabi. At sa sobrang trapik sa roxas boulevard, halos mag-aalas-dose na ako nakauwi. Gaya ng sinasabi ko ngaun, bakasyon muna siguro ako pagdating sa lub-lub. Nakakatakot na e. di ako pinanganak para sa ganyan. <*sigh*>
_________

Kung nagtataka man kayo kung bakit matagal akong nanahimik (one month din ata), pwede nyong ibunton ang sisi sa youtube. Dahil naadik ako sa mga anime…lalo na sa fullmetal alchemist at bleach. Ewan ko sa inyo kung gusto nyo un, pero para sa akin magaganda un. At dahil nanonood ako sa youtube, wala na akong time para sa blog.


Ngapala, pwede ring dahil sa TNB…haha. Nagrelease kasi kami ng issue nung feb.14, kaya lang The New Builder Tonight na un, kasi gabi na kami nagdistribute ng skulpaper. Na-late ung publisher ng mga 5 hrs lang naman…samantalang wala pa atang 1 oras mula doon hanggang Mapúa. Kung tutuusin nakatatlong balik na ako sa bahay at skul sa loob ng limang oras na un. Pero di ko sinisisi ang publisher… bakit? Dahil hindi naman sila ang may kasalanan. E sino? Hmmm….

Kung hindi mo alam…hindi mo na kelangan malaman pa…hahaha. Mahirap na. Kung ang isda nahuhuli sa bibig, san kaya nahuhuli ang writer?

Baka sa blog. =)